Monday, June 18, 2007

bakit kaya?

hindi ko maintindihan, ang nilalaman ng puso ko ngayon
dahil nung mga oras na tumatawag ako, ay hindi niya sinasagot
tumatakbo ang isip ko sa mga dahilan kung ano ang nangyari
sa lugar na kinaroroonan, na malayo sa aking tahanan

minamalas lang talaga ako, dahil walang signal ang cellphone ko
sa network na kung saan ang araw ang buhay nito
sa kabila naman ay may signal, ngunit hindi siya unli rito
kaya ngayon, naguguluhan na ang isipan ko

hindi ko na alam ang aking gagawin, hindi ko na alam ang aking iisipin
bawat sandaling dumaraan, sumusulyap kung may mensaheng nakalaan
ginagawa ko na lamang ngayon, ang pampalipas oras na maaaring magawa
ngunit hindi ito sapat, dahil hinahanap parin kita

Saturday, June 16, 2007

Hindi ko alam kung binabasa mo blog ko pero kailangan ko lang talaga sabihin ito...

kanina nung tinext kita.. medyo badtrip pa ako nun kasi katatapos lang namin dun sa project namin, tapos may mga ka-grupo ako na may marami pang tanong..

umaga din naman kasi talaga ang usapan, kaso halos 3pm na rin kami nakapag-umpisa..

halos 3hrs akong naghintay ng mga tao dumating kaya naubos na siguro pasensya ko para sa araw na ito..

naging makasarili ako.. siguro dahil na rin sa lahat na lang ginawa ko para sa iba, at nag-hanap ako ng pwede ko sana makuha kaagad ng walang problema.. pero hindi mo ako pinagbigyan, at imbes na intindihin ko na lang ang nangyari, uminit lalo ang ulo ko..

hindi ka na nagrereply, at hindi mo rin sinasagot ang mga tawag ko.. siguro nga dapat lang sa akin yun dahil naging tanga ako..

kaya, nais ko lang sabihin sayo.. na mahal na mahal kita, at sana patawarin mo ako sa katangahan ko..

Wednesday, June 13, 2007

bakit kaya..

hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko...

dahil ba ito sa sadyang marunong siya sa lalake?

o dahil ba sa sinabi ni bob ong na "nagiging tao lang sila pag kausap mo sila"...

do I give the benefit of the doubt?? or do I forget the days of talking??

hindi applicable ang Che.r.ry sa akin eh... dahil hindi ako si yui sa kaso na ito...

(sa mga sira ulong alam kung sino si yui, ibig ko sabihin ako yung kumakanta...)

sa kaso na ito.. siya ngayon si yui, na kumakanta ng Che.r.ry...

at ako naman si Che.r.ry, na nag-iisip tungkol sa text...


pansin ko na nga eh... kung alam niya lang ang kantang ito.. malamang kinakanta na niya ito... "koishi chatannda, tabun kizuitenai desho"... ang problema, atashi ga kizuiteru dayo... demo kimochi wa zutto wakaranai..

public ang blog kaya hindi ko pwede ilabas ang lahat ng details na gusto ko pag-usapan... pero ganito lang yun... tama ba ang umibig ng dalawang taon ang agwat? hindi lamang sa edad... by next year okay lang siguro, pero ngayon, sa ginagawa niya ngayon, parang hindi maganda tignan eh...

a wise friend once told me, "develop your intuition, and you will have less problems to think about" (paraphrased yan)...
ang problema, the heart feeds the brain what it needs to think, and there is something called in Filipinos as Utang ng Loob... in this case utang ng lamang loob... (pinoy logic talaga oo)

let's look at this in another angle... ano ngayon kung hindi mukhang tama ang ginagawa ninyo?? mahal ka niya, mahal mo rin naman ata siya, anong problema doon?? go for gold na dapat diba??

hay ewan... bahalanar... love knows no boundaries (kahit nga si madam auring hindi binigyan ng boundary eh)

buhay talaga oo... kasing gulo ng integral calculus... pag naglagay ka ng kailangan i-integrate, minsan kailangan mo na lagyan ng techniques para integrable siya, at kailangan with respect pa rin sa differential variable mo... at pag hindi mo naman nakita ang pag-integrate sa kanya, yari ka...

mukhang tinapatan naman ako ng mga inverse functions eh.. dahil doon lang ako naguguluhan, kung paano ko siya makikita sa problem...

naku naman.. hilong-hilo talaga ako... dapat tapos na ako kaso marami pa akong gustong sabihin eh

ayoko tapusin ng bitin.. kaya tatapusin ko na lang ng isang mensahe para sa kanya (kahit hindi niya ito mabasa...)

para sa anghel na nagbigay liwanag sa puso ko, nung sinabi mo pa lang na mawawala ka, parang dedma lang ako dahil sabi mo may globe ka naman... pero pinapatay ako ng katahimikan... di baleng tahimik ka sa umaga't hapon kasi may klase...

pero ngayon, hindi ko alam... bawat text na dumarating sa fon ko, nais ko ay ikaw ang nagpadala nito...

ui, may nagtext, sa wakas ikaw na rin ito!! nabuhayan ako't natuwa, sana'y hindi ka na mawawala...

Saturday, June 9, 2007

hahaha

dapat malungkot ako nung ilalagay ko ang post na ito..

kaso may nakausap ako na friend bago ko mabuksan ang blogger ko...




kinausap ko siya tungkol sa nararamdaman ko nung mga sandaling iyon...




sa mga mabibilis ang isip, hindi ako nagtapat ng pag-ibig sa kanya dahil hindi naman siya yun...
para naman sa mga mapuans na mabilis din mag-isip pag nagbabasa ng blog ko, sasabihin ko na...

hindi ito si Irene...




anyway, kinausap ko siya tungkol sa "kanya"... itatago ko muna pangalan niya kasi hindi ko pa kaya ipagtapat sa kanya kasi taken na siya...


anyway, kinwento ko ang mga nasabi sa akin... and at the end of the conversation, lumuwag ang pakiramdam ko kasi there was a kind of aura of hope after...




haay... sana magkita na rin kami... para naman kahit paano ay maibsan ang nararamdaman ko...

Monday, June 4, 2007

Haay... June na..

naisip ko lang naman na gumawa ng entry ngayon since every month may post naman ako...


one week na simula nung sumali ako ng isang text clan ng mga sun subscribers na kung saan ay ang mga miyembro nito ay adik sa Silent Sanctuary, or at least yun ata ang requirement..



nung una tuwang-tuwa ako kasi karamihan pala ng mga members ay babae.. Yes! may mga makikilala ako!! Unli forever pa kaya txt lang ng txt!!! ang kaso, hindi lahat ay unli forever kaya minsan hindi sila nagtetext...





bilang isang mabait na tao, kinakausap ko ang mga clan members.. kahit pa maging lalake ito... since there is a common interest, then I can call you a friend.. :D



minsan may mga nagtetext na malungkot sila dahil sa ganito.. minsan may nagagalit dahil sa ganyan.. minsan tinatanong ako kung ano ang ibig sabihin nito dahil may nagsabi sa kanya na Hapon ako... lahat sila, kinakausap ko dahil kahit wala pang physical interaction, basta may common interest, friends na tayo.. pero friends in terms of acquaintances lang..





gaya ng ibang mga kultura, unique rin ang mga tao dito.. may mga mahina sa pag-ibig, may mga dinadaan sa galit ang nararamdaman, meron ding mga bata na hindi ko alam kung nakaranas na ng ganyan (sana hindi pa dahil bata pa sila masyado..)




siguro yan na lang muna.. baka masyadong marami ang masabi ko at magalit sila..