Wednesday, February 28, 2007

No change in religion, just change in practice...

labo noh?? paano ka hindi magbabago ng religion kung pagbabaguhin ka ng practice...

simple lang...

dahil hindi ka officially ipag-coconvert...

oO!!

yan ang sinabi sa akin kanina sa dating YOF (youth on fire), na ngayon ay ENCM (every nation campus ministries)... hindi raw nila ako icoconvert... ang idea lang is hindi na ako magiging believer kundi isang follower na...

basically yan lang... di ko maalala kung ano pa ang dapat kong idagdag eh...


basta ang alam ko dota nanaman bukas... hehe.. layo!!

Friday, February 23, 2007

And I thought the week was absolutely magnificent...

Monday, Feb 19, 2007... Just my typical monday schedule... only worried about the coming week since my schedule would be hectic...

Tuesday, Feb 20, 2007... Early dismissal in NSTP which led to the early arrival for the last practice of D' Fat Session for our guest performance for the 'Search For JASMS Star 2007'...

Wednesday, Feb 21, 2007... Che-Chm Week sa Mapua, napagtripan kong sumali sa Chemistry Wizards 2007, partner ko ang kapwa half-japanese classmate kong si Kazunori, kaya ang tawag sa amin ay ang "Japanese Team"... pero gusto nila "Team Japan" or "Made in Japan"... Astig!! NANALO KAMI 3RD PLACE!! SYEMPRE ADIK KAMPI KO EH!! (Binabati ko ang "Mani ni Pepe!!! Nice Game Guys!! TSAMBALERO LANG TALAGA KAMI SA CLINCHER!! Binabati ko rin ang "Team Bang"!! Alam na namin na matatalo niyo kami umpisa pa lang!! POWER HOUSE KAYO EH!! MGA DEANS LISTERS!! C:)

also, I followed a prayer which is supposed to make me move my relationship with God and Jesus Christ one step closer, which also means renewed faith...

Magagawa ko kaya ang renewed faith na yan kung kahit na naniniwala ako kay God, Jesus Christ, and all of the lessons taught in the Bible kahit hindi ako nagbabasa, I have a balance in believing in Karma... which generally means that I know that something bad will happen everytime I do something wrong, and something good will happen if I do something right..


Thursday, Feb 22, 2007... After finishing my plate in drawing, nagpunta ako agad ng JASMS para nandun na ako para sa guest performance namin... syet nagkamali si Rodz... buti sinasalo namin tuwing nagkakamali sya... and to think tatay niya ang arranger ng mga songs ng APO... tsk tsk tsk... (Binabati ko si Mr. Ernie Baladjay! Salamat sa pag-rush ng aming minus-one!! Binabati ko rin si Ms. Irene Billones! Salamat sa effort sa pag-gawa ng aming minus-one!! ^^)

Tinapos ko ang show kasi mom ko ang program head, and sis ko ay contestant sa band category... pangalan ng banda nila "Octave"...


@_@ @_@ @_@ @_@ @_@ @_@ @_@ @_@ @_@ @_@ @_@ @_@ @_@ @_@ @_@

PUNYEMAS ANG GALING NIYA KUMANTA!!!

kung may smiley lang sana dito sa blogger tulad sa ym, ^:)^ ang smiley ko... tatadtarin ko ang blog kong ito ng ganyang smiley!!! ^:)^

(Note: ayoko lagyan ng infinity dahil ayon sa calculus, pwede yan maging 0, therefore, walang smiley na nakalagay... kaya 2 okay na dahil sa ym, parang talagang sinasamba nila ang isang bagay sa pm...)

CONGRATS SA OCTAVE FOR WINNING THE 'SEARCH FOR JASMS STAR 2007 BAND CATEGORY!!!'
IDOL KO KAYO!! MAS LALO ANG LEAD SINGER NINYO!! :D


Friday, Feb 23, 2007
yes, may nangyaring significant ngayong araw na ito...

Una sa lahat, nakuha ko ang 3rd place prize sa Chem Wizard.. yey! money!! :D

pangalawa, nag-cut ako sa Consti!! Quiz pa namin yun!! :D

and finally, out of the blue, kinuha ako bilang intermission number sa awarding ceremony... kakanta raw ako "Ang Huling El Bimbo".. tutugtugin ni Irene sa gitara... ayos lang sa akin... kaso, ako, alam ko na alam ng mga nanood kanina na sabog ang boses ko... ano magagawa ko, di ko talaga abot ang nota, nakikita ko pa ang isa o dalawang prof ng Che-Chm na nakikisabay sa kanta.. hayop talaga E-Heads!! kahit mga nirerespetong prof alam ang kanta nila!!

(I'm expecting comments from mapuans concerning this part of the blog... alam kong may nag-iisip ng specific na banat... kung pareho tayo ng iniisip, sinasabi ko na sa iyo, iba ang opinion ko kay sir John, dahil ginusto ko na sana talaga nasa ibang lugar na lang ako, at ako ang may hawak ng gitara... ^^)


Dota after awards, uwi, kain, tv... tapos na sana ang araw, O2jam na lang ang idadagdag or NBA live '04... kaso, may masamang balita na nagpalungkot sa amin...

walang namatay... pero nanakaw ang aming Digicam sa loob ng campus ng JASMS... Oo masakit mawalan nun, pero isama pa natin ang wallet na naglalaman ng P300, at isang bagong notebook... yung wallet naiintindihan ko pa eh, pero notebook kukunin mo rin?? ganun ka ba kahirap at kailangan mong magnakaw ng notebook ng 3rd year high school student para lang magkaroon ng notebook?!?! !@#$%^&*)_*&^%#@! ANONG PROBLEMA MO!?!?!?!


grr... oh well... back to basics... at least masaya ang SLR namin... hehe.. electronic kahit papaano kaya bawas ang problema sa pagkuha ng shots... film lang ang prob at lighting...


Haay... ano kaya ang katumbas ng pangyayaring ito?? pinapabili na ba kami ng digicam na more than 8mega pixels?? lolz!! ASA!! WALA KAMING GANUNG PERA!!! FILM NA LANG MUNA!!!


Kung magtrabaho ako sa summer, or hanap ako part time sa SM Manila or wherever, kaya kaya??

Friday, February 16, 2007

Ako'y nagsisisi...

Feb 15, 2007...

Pagkatapos mag dota, pumunta kami ng up para manood ng up fair... gastos nanaman pero madali lang pag-ipunan ang ginastos na pera na hindi sa akin... less than 200 naman so kaya within the week... haha!!

9:30pm, punyemas ang haba ng pila, mula sa ticket booth, dumeretso ang pila hanggang sa ibabaw ng sunken garden, at ito'y lumihis sa kaliwa, hanggang lumampas kami sa isang signage na nagsasabing 'may humps' sa unahan... sa mga engineers na hindi alam ang itsura nun, isipin niyo na lang ang simbol ng ohms...

10:15, malapit na kami sa booth mismo... at least di ganun katagal bumili ng ticket... yung grupo na nasaunahan namin kanina, tumigil sa kala-gitnaan at bumili ng mga ticket mula sa mga taong naglalakad na nagbebenta... kaya't naka-singit rin kami kahit paano...

10:30 - 11:20, hindi ko alam exactly kung anong oras, pero dito namin nakita ang ilan sa aming mga kasama sa up, pumasok ako na kasama sina b.a., erik, ang gf niyang si rachel, si johann, si yael, ali, at si nathan na kaklase ni ali... sa loob, habang naghahanap ng lugaw, may tumawag sa kin, pag tingin ko akala ko si barbie almalbis, yun pala ang dati naming classmate na si laurice pala yun... grabe tumaba sya! in a good way!! dati parang ang liit ng katawan niya, ngayon mas maganda na siya! (sa mga jasmites, opinion ko lang ang pagka-hawig niya kay barbie, and gumanda talaga siya... sa mga mapuans, alam ko masama ang nasa isipan niyo ngayon... pero mali ang iniisip ninyo... dahil kahit anong gawin ko sa puso ko, siya pa rin ang sinisigaw nito...)

pagkatapos nun ay nakita na rin namin si onat, arvin dumo, at andy... at nang umupo kami habang kumakain, ay tinuro sa amin ni onat kung nasaan si clara... (clara kung binabasa mo man ito, oo kami yung mga gagong tumuturo sa direksyon mo bago tumugtog ang sacramento...)

11:30 pm, nag-text ang nanay... tinatanong kung anong oras ako uuwi... sabi ko baka mga 12mn, pero di yun sure dahil siguradong wala akong kasabay pauwi, kaya't sinabi ko na uuwi pa rin ako, pero indefinite talaga ang oras ko pauwi, at uuwi na ako pag may kasabay ako pauwi...

mga 3:00am... grabe ang tindi namin!! walang kain! lugaw lang kinain namin at ang cotton candy na pinamigay ni rachel!! tapos nakita namin may mga violinist na nasa stage, ang unang sinabi, queso daw ang tutugtog, kaso dahil may violins, sabi ko hindi yan queso...

at hindi nga queso ang sumunod... kundi ang "PAROKYA NI KAZEE"!!! JOKE!! Parokya ni Edgar and Kamikazee kasi nagsabay dahil sa kanilang 8-song duet... yung mga violinists ay may kasamang cello, flute, and brass instrument players dahil sila ang "13th symphony orchestra" na kasama dapat ng Parkyo ni Edgar sa kanilang mga kanta... at kasama nga nila tumugtog... sa mang jose at okatokat...

3:30, natapos na ang Parokya ni Kazee... queso na talaga ang sumunod... kaya't naupo ako sa damuhan at pinikit ang mga mata upang magpahinga ng onte... bumili ng iced tea dahil sa uhaw, at umalis na kami dahil ang mga kasama ko ay balak magdota ulit...

ngunit datapwat subalit, sabi nila sa delta raw sila maglalaro... punyeta, lalayo ako eh walking distance na ang bahay... umuwi na lang ako kasi hindi pa rin naka-sara ang bahay para lang sakin (wow batas!, sa mga jasms na nagbabasa, hindi yan ang batas na iniisip ninyo...)... habang naglalakad, naririnig namin ang rocksteddy...

kanto ng up film center, up college of music, at bahay ng alumni na maliit, may narinig ako (given fact na minsan masyadong matalas ang mga mata at tenga ko...), ibang banda na ang tumutugtog... ang ganda ng beat ng kanta, mabilis, medyo mataas ang boses ng vocalist, at may naririnig akong astig na lead... pero hindi lead guitar ang narinig ko... (bago ituloy ang kwento, pinasasalamatan ko ang sarili ko at bumili ako ng album nila... kung hindi ay siguro nasabi kong 'unknown' lang sila...) dahil nang marinig ko ang lyrics, sure na ako run... SILENT SANCTUARY NA ANG TUMUTUGTOG!!! SYET!! SABI KO SA SARILI KO HIHINTAYIN KO SILA HANGGANG SA MAKAKAYA KO!!

ang naging problema ko kasi ay wala akong kasabay pauwi at wala akong tiwala sa mga orcs na magiging kasabay ko pauwi... kaya sabi ko sasabay na lang ako sa daan, pero uuwi na ako...


PERO NARINIG KO ANG NAGTAHAN!! GRABE!!! SABI KO SA SARILI KO SANA SINABI KO PAGTRIPAN NATIN ANG ROCKSTEDDY since malakas kami mag-trip... WAAA!!! HINDI KO SILA NAPANOOD!!! T_T


haay... sana invite sila ng mapua within the year!!! T_T

Monday, February 12, 2007

sa mga nagco-comment...

paki-usap naman o... ilagay niyo naman name ninyo or kahit nick na malalaman kong ikaw ang naglagay ng comment... napapa-isip pa ako kung sino yung nagsulat eh...

para dun sa huling nag-comment, ayaw ko lumipat sa lj dahil magre-register pa ako run... whereas dito sa blogger, gmail account ko pa lang, okay na ang lahat... di na kelangan mag-register...

at nagawa ko na rito ang ilan sa mga posts ko eh... pag nagsawa na ako sa blogger, tsaka ako lilipat ng lj... okay??

Thursday, February 8, 2007

haay...

drama nanaman... paano ako hindi magdra-drama eh mas magaling ang puso kaysa sa utak pagdating sa drama... dahil kahit anong gawin ng utak mo para ayusin ang buhay mo, hindi ito magagawa kung hindi ito binibigyan ng dugo galing sa puso...


malabo ba?? intindihin niyo... madali lang yan...

Saturday, February 3, 2007

mayabang na kung mayabang...

Oo!! Inaamin ko na hindi ko ginawa un!! hindi ako gumagamit ng unlimitxt ng globe!!! ito ay dahil sa hindi naman ako mahilig mag-txt ng mag-txt dahil hindi ako kitiki-txt!!

Pero hindi ibig sabihin nito ay sumasang-ayon ako sa ginawa ng globe!!

Dahil hindi makatarungan ang ginagawa nilang pagtaas ng presyo ng pag-unlimited sa mga globe users!!!

ANG DATING 15/DAY, 25/2DAYS, AT 50/5DAYS AY NAWALA AT PINALITAN NG 20/DAY, 40/2DAYS, AT 80/4DAYS!!! MAS MAHAL PA SA GINAWA NG SMART NA 15/DAY NA PWEDENG 2 DAYS, AT 4 DAYS NA NASA DENOMINATION NG 15/DAY!!

TAPOS, MAY P0.35 PER TEXT NA SILA TO ALL NETWORKS BASTA P35 ANG BABAWASAN SA LOAD MO!!

bahala kayong mga mahilig sa unlimited sa boycott!!! basta ako, nagbebenta ng load sa mga taong nakikita ko araw-araw!! :D