Feb 15, 2007...
Pagkatapos mag dota, pumunta kami ng up para manood ng up fair... gastos nanaman pero madali lang pag-ipunan ang ginastos na pera na hindi sa akin... less than 200 naman so kaya within the week... haha!!
9:30pm, punyemas ang haba ng pila, mula sa ticket booth, dumeretso ang pila hanggang sa ibabaw ng sunken garden, at ito'y lumihis sa kaliwa, hanggang lumampas kami sa isang signage na nagsasabing 'may humps' sa unahan... sa mga engineers na hindi alam ang itsura nun, isipin niyo na lang ang simbol ng ohms...
10:15, malapit na kami sa booth mismo... at least di ganun katagal bumili ng ticket... yung grupo na nasaunahan namin kanina, tumigil sa kala-gitnaan at bumili ng mga ticket mula sa mga taong naglalakad na nagbebenta... kaya't naka-singit rin kami kahit paano...
10:30 - 11:20, hindi ko alam exactly kung anong oras, pero dito namin nakita ang ilan sa aming mga kasama sa up, pumasok ako na kasama sina b.a., erik, ang gf niyang si rachel, si johann, si yael, ali, at si nathan na kaklase ni ali... sa loob, habang naghahanap ng lugaw, may tumawag sa kin, pag tingin ko akala ko si barbie almalbis, yun pala ang dati naming classmate na si laurice pala yun... grabe tumaba sya! in a good way!! dati parang ang liit ng katawan niya, ngayon mas maganda na siya! (sa mga jasmites, opinion ko lang ang pagka-hawig niya kay barbie, and gumanda talaga siya... sa mga mapuans, alam ko masama ang nasa isipan niyo ngayon... pero mali ang iniisip ninyo... dahil kahit anong gawin ko sa puso ko, siya pa rin ang sinisigaw nito...)
pagkatapos nun ay nakita na rin namin si onat, arvin dumo, at andy... at nang umupo kami habang kumakain, ay tinuro sa amin ni onat kung nasaan si clara... (clara kung binabasa mo man ito, oo kami yung mga gagong tumuturo sa direksyon mo bago tumugtog ang sacramento...)
11:30 pm, nag-text ang nanay... tinatanong kung anong oras ako uuwi... sabi ko baka mga 12mn, pero di yun sure dahil siguradong wala akong kasabay pauwi, kaya't sinabi ko na uuwi pa rin ako, pero indefinite talaga ang oras ko pauwi, at uuwi na ako pag may kasabay ako pauwi...
mga 3:00am... grabe ang tindi namin!! walang kain! lugaw lang kinain namin at ang cotton candy na pinamigay ni rachel!! tapos nakita namin may mga violinist na nasa stage, ang unang sinabi, queso daw ang tutugtog, kaso dahil may violins, sabi ko hindi yan queso...
at hindi nga queso ang sumunod... kundi ang "PAROKYA NI KAZEE"!!! JOKE!! Parokya ni Edgar and Kamikazee kasi nagsabay dahil sa kanilang 8-song duet... yung mga violinists ay may kasamang cello, flute, and brass instrument players dahil sila ang "13th symphony orchestra" na kasama dapat ng Parkyo ni Edgar sa kanilang mga kanta... at kasama nga nila tumugtog... sa mang jose at okatokat...
3:30, natapos na ang Parokya ni Kazee... queso na talaga ang sumunod... kaya't naupo ako sa damuhan at pinikit ang mga mata upang magpahinga ng onte... bumili ng iced tea dahil sa uhaw, at umalis na kami dahil ang mga kasama ko ay balak magdota ulit...
ngunit datapwat subalit, sabi nila sa delta raw sila maglalaro... punyeta, lalayo ako eh walking distance na ang bahay... umuwi na lang ako kasi hindi pa rin naka-sara ang bahay para lang sakin (wow batas!, sa mga jasms na nagbabasa, hindi yan ang batas na iniisip ninyo...)... habang naglalakad, naririnig namin ang rocksteddy...
kanto ng up film center, up college of music, at bahay ng alumni na maliit, may narinig ako (given fact na minsan masyadong matalas ang mga mata at tenga ko...), ibang banda na ang tumutugtog... ang ganda ng beat ng kanta, mabilis, medyo mataas ang boses ng vocalist, at may naririnig akong astig na lead... pero hindi lead guitar ang narinig ko... (bago ituloy ang kwento, pinasasalamatan ko ang sarili ko at bumili ako ng album nila... kung hindi ay siguro nasabi kong 'unknown' lang sila...) dahil nang marinig ko ang lyrics, sure na ako run... SILENT SANCTUARY NA ANG TUMUTUGTOG!!! SYET!! SABI KO SA SARILI KO HIHINTAYIN KO SILA HANGGANG SA MAKAKAYA KO!!
ang naging problema ko kasi ay wala akong kasabay pauwi at wala akong tiwala sa mga orcs na magiging kasabay ko pauwi... kaya sabi ko sasabay na lang ako sa daan, pero uuwi na ako...
PERO NARINIG KO ANG NAGTAHAN!! GRABE!!! SABI KO SA SARILI KO SANA SINABI KO PAGTRIPAN NATIN ANG ROCKSTEDDY since malakas kami mag-trip... WAAA!!! HINDI KO SILA NAPANOOD!!! T_T
haay... sana invite sila ng mapua within the year!!! T_T
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment