Oo... alam ko may mga engineer na nagbabasa ng blog ko o di kaya ay tulad ko na future engineer... kung hindi man ay Mapuan ka kaya parang engineer ka na rin...
anyway... bakit yan ang title ko?? simple lang... ikukwento ko muna ang nangyari... :D
April 30, 2007... pumunta ako at ng mom ko ng NAIA Centinnial Airport para sunduin ang kapatid ko na galing Japan... dumaan kami sa may C5 para maka-iwas sa EDSA...
Sarap na sarap ako sa biyahe ko dahil hindi masama ang traffic... gumagalaw naman kahit sa mga lugar na usually mabagal... 12:30 na noon at hindi pa ako nakakapag-tanghalian kaya dumaan kami sa jollibee para mag drive-thru... pag-akyat ng tulay, nakita na namin ang Pasig City area... tuloy-tuloy lang kami... dumating na kami sa may Pasig Bridge... sa umpisa okay lang ang daloy ng traffic kaya sabi ng mom ko akyat na lang kami... nung pababa na, hindi ko napansin na masyado akong nakatingin sa dulo at hindi sa harapan ko... nung sinabi ng mom ko na mabilis, nilakasan ko ang preno dahil muntik na namin mabangga ang nasa harap na Altis... muntik lang dahil malaki pa naman ang agwat namin para ako ay makapag-diskarte kung sakaling tumigil siya ng hindi oras... tuloy-tuloy na kami at malapit na sa kalayaan ave., nang tumigil ako, biglang lumabas ang isang MMDA at tinawag ako... ang sabi niya sa akin, "tumingin ka sa likod mo... diba ikaw lang ang gumalaw? tingin ka sa taas, may stop light doon, naka-pula tapos ikaw lang ang gumalaw..." PU!@#$%^&*!!!! HINDI LANG AKO BEATING THE RED LIGHT!!! TALAGANG GUMALAW AKO SA RED LIGHT!!! HINDI KO AGAD NA KITA ANG STOPLIGHT DAHIL HINAHARANGAN SIYA NG ISANG OVERPASS!!! naki-usap kami sa MMDA kasi nagmamadali kami at may narating naman kami na "USAPAN"... nang paalis na kami, nagtanong nanay ko kung saan pwede ireklamo ang stop light na nagtatago... ang sabi ng MMDA, "ireklamo niyo ho iyan sa Engineering namin... sila ang naglagay niyan diyan eh"...
Ayan, Engineer daw ang dahilan kung bakit hindi makita ang stop light... matanong ko lang, tama ba na gawan ng stop light ang isang U-turn slot?? kasi stop light ng isang U-turn slot ang nagtatago sa likod ng overpass eh... at isa pa, kaya raw may MMDA doon kasi marami raw ang hindi nakakakita ng stop light... baka raw ma-aksidente ang mga tao... ma-aksidente o makukurakot?? either way, nandoon si manong upang maningil, kunin ang lisensya, at sabihing mag-seminar ka doon sa kanila...
Bahalanar... (Future) Chemical Engineer ako kaya hindi ko kasalanan ang maglagay ng stop light sa likod ng overpass... on the other hand, mabait naman si manong MMDA kasi binalaan pa niya kami doon sa mga iba pang nagtatagong stop light, at hindi niya siningil ang nanay ko dahil wala siyang seatbelt... hehehe
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment