kanina, nanood ako ng news para malaman kung ano na ang gagawin nila sa darating na August 27.. dahil marami sa ating mga estudyante ang hindi pa rin nakaka-alam kung holiday na nga talaga sa 27... para sa mga nagbabasa ng blog ko na ito, paki sabi naman kung ano ang alam ninyo...
anyway, may narinig ako na news na ikinagulat ko ang nakalagay... ayon sa name ng news, "PGMA, inaprubahan ang pag-aaral ng Nuclear Power"...
una sa lahat, inaaway na nga natin ang NoKor dahil pinag-aaralan nila ang pag-gamit ng nuclear power tapos ngayon gusto mong pag-aralan natin itong posibilidad na ito??
para fair, maganda rin naman ang arguement ni DoE secretary Angelo Reyes... sabi nya, ang mga foreign investors daw ayaw sa Pilipinas kasi mahal tayo maningil ng kuryente... ang mabibigay daw ng Nuclear Power ay murang kuryente, at high-tech na mga gamit para sa Pilipinas...
uunlad ang Pilipinas sa kahirapan pagkatapos nating gamiting source of energy ang Nuclear Power...
kaso, marami din naman ibang murang alternatibong paraan upang makakuha ng kuryente...
hindi lang basta waterfall generators ang ibig kong sabihin...
dahil pwede rin naman tayong gumamit ng solar power dahil tayo ay nasa tropical climate...
pwede ring geothermal dahil marami tayong mga volcano...
marami pa tayong pwedeng kunan ng source of power eh...
again, ayon kay DoE secretary, pag-aaralan lang naman ang possibility... hindi daw dapat alisin ang Nuclear Power as an option...
kaya ano ang Good and Bad??
ang bad ay dahil nga sa pagsabak nating gumamit ng Nuclear Energy kahit na nakikisama tayo sa ibang mga bansa na pigilan ang NoKor sa paggamit nila nito...
at ano naman ang good na magagawa nito??
bukod sa murang kuryente, at pag-ahon sa teknolohiya...
magkakaroon ng trabaho ang mga Chemical Engineers ng Pilipinas!!!!! =))
ang babaw noh?? pero di nga, bumababa na ang dami ng kumukuha ng ChE dahil ang alam ng mga tao ay wala silang makukuhang maganda dito.. puro na lang sila ECE, CE, CoE, at Architecture kasi yana ang alam nilang engineering na may kinabukasan...
Oo, yan ang mga engineering na siguradong may trabaho ka mula sa kasalukuyan hanggang sa hinaharap.. pero may pag-asa pa rin ang mga ChE sa ibang bansa dahil kung hindi dahil sa amin, hindi magkakaroon ng mga quality control managers sa mga bagay-bagay!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment