Sunday, September 23, 2007

ano ba ang meron sa panaginip? paano ba nananaginip ang tao??

ano nga ba ang meron sa panaginip?? bakit ba nananaginip ang tao??

sabi ng isang kanta na ginawa ng Disney para sa isa nilang movie, "A dream is a wish your heart makes when you're fast asleep"... ibig sabihin ba nun na kung ano ang nakikita mo sa panaginip mo, ay un ang hinihiling ng puso mo?? ang panaginip mo ba ang nagsasabi kung ano ang ikatutuwa ng puso mo??

bakit ko nga ba natanong ito?? at bakit naman ganitong oras kung saan marahil ay matutulog pa lang ako?? simple lang.. pinag-isipan ko ng mabuti kung ano ang ilalagay ko dito sa blog na ito...

kagabi kasi, or kaninang umaga na lang since kaninang madaling araw ako natulog... may panaginip ako... hindi ko man maalala ang eksaktong nilalaman ng panaginip ko, isa lang ang nasisiguro ko... nandun siya at nararamdaman ko sa panaginip na yun na mahal ko siya...

for my own personal reasons, hindi ko siya papangalanan dito dahil ang ilan sa mga nasa contacts ko sa multiply ay kilala siya... kausapin niyo na lang ako sa tamang oras kung gusto niyo malaman kung sino siya...

anyway, going back... bakit nga ba siya ang nasa panaginip ko?? eh madami pa namang ibang babae na pwedeng pumasok sa panaginip ko (walang malisya ha..)... bakit naman siya pa talaga??

pinipilit ba ng puso ko na siya dahil mahal ko pa rin siya?? kahit na matagal ko nang sinasabi na hindi kami pwede sa isa't-isa?? hay nako.. tignan ko muna kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw...

pero hindi pa rin nasasagot ang tanong ko... paano nga ba nananaginip ang tao?? ikaw, alam mo ba kung bakit??

No comments: