Sunday, January 20, 2008

muntik ko na makalimutan gumawa... hahaha

hindi pa pala ako nakakagawa ng aking prof review 2.3... hahaha


game! umpisahan na natin sa:

CHE250 - tawagin na lang natin itong ChE Math para sa mga hindi nakaka-alam... si ma'am de vera ang prof namin dito... although mukha siyang seryoso tuwing nagtuturo siya, nakakahanap pa rin kami ng mga oras na nagbibigay siya ng mga joke kahit na hindi naman niya ata sinasadya... sure pass daw si ma'am basta may OT... ang problema, nahalata na ata niya na may gumagawa nun kaya pinapalagay na niya sa portfolio ang mga quizzes na binibigay niya...

Phy130 - physics 3 naman ito... tungkol lang sa heat, light, and electricity... prof ko dito si sir Ricardo De Leon... ang isa sa mga nakakatuwang prof sa physics department... adviser din siya sa MITMC kaya kilala ko na si sir... although may mga prof sa physics department na nagsasabing minamataan niya daw ang posisyon bilang terror sa physics 3, hindi ako natatakot kasi hindi naman talaga terror si sir dele...

Phy130L - sa lab naman, si engr Bobby D. Manlapig ang prof ko (Oo, Bobby D. Manlapig talaga yan... tumawa man kayo o magulat, siya ay si Bobby D. Manlapig)... minsan, pag may nagtatanong kung sino ang prof namin sa lab, ang sinasabi na lang namin si Bobby D. (pronounced bobidi) para astig... sa ngayon, mababa ang reports ko sa kanya, pero at least, alam ko dahil un sa aking correction tape... titignan ko pa kung kaya ko pang pataasin ang score ko sa experiment 2..

CHE210 - chemical engineering calculations ito... so far madali lang ang ginagawa namin kasi puro isang system pa lang ang binabalance namin... prof namin dito si Sir Manuel, aka sir Degz (De Guzman kasi ang last name)... lahat ng mga higher batch ang sinasabi ay magdasal na daw kami na pumasa, pero sa ngayon, hindi ko pa nakikita ang kanyang pagkaterror... plus, academic adviser naming mga CCE siya kaya parang hindi kami sanay na makarinig na terror siya...

CHM245 - organic chemistry for science majors... bakit kamo may for science majors pa? kasi ako ay isa ring chem student... ang mga chem eng kasi, hindi masyado kailangan ng intensive study sa organic kaya hanggang organic 2 lang sila... syempre, dahil isa akong chem student, prof namin dito si Sir Baluyut... for more info, refer to my original blog sa friendster... hahaha

CHM 245L - sa lab, akala namin si sir John din ang magtuturo, pero nang sinabi ni kuya Edison na wag gagalitin ang prof namin, nagtaka na kami kung sino... nakuha namin si Engr. Nanette Santos, isang prof na although alam naman niya ang organic chemistry, hindi siya nagbibigay ng background about the experiment... pagdating niya, kami na ang bahala gumawa ng experiment... sasabihin niya lang kung nasaan ang mga chemicals and reagents na gagamitin, tapos bahala na kami gumawa...

ayun, that was my 14 units for this term... sana naman wala pa rin akong dugo... lol

No comments: