Wednesday, July 30, 2008

comic lines 3.1

as of now, tinatamad pa ako gumawa ng aking part para sa lab report.. so to compensate for my boredom, gagawin ko na ang aking college profs 3.1...

let's start with something simple..

Math109 - Probability and Statistics.. prof ko?? none other than THE Prof. Jerome Dela Cruz.. hahaha! sino may tips para pumasa sa mga quiz niya? so far ang nakita ko lang is matrabaho xa magpa-exam, pero kaya naman dapat..kung hindi lang ako na-mental block nung exam, kayang kaya ko sana pumasa sa exam niya.. hahaha!! sa mga iba jan na napunta kay sir Earnhart, kahit pa inggitin niyo ako at open formula kayo, at least ako sure akong alam ng prof ko lahat ng tinuturo niya kahit na malakas siya mambagsak..

Mec201 - Engineering Mechanics 1.. prof ko dito si Engr. Bong Santos.. galing siya sa CE dep't.. sa klase niya, never magkakaroon ng dull moment kasi lagi siyang nagpapatawa.. kahit minsan mejo green ang mga jokes niya, hindi lang naman jokes ang nakukuha namin sa kanya eh.. meron ding mga words of wisdom, astig na trivia, at pag nagtuturo naman siya, alam naman talaga niya ang ginagawa niya.. minsan naman sumasablay siya pero sobrand madalang un mangyari.. plus, he likes to makes things "simplier: for us, "henceforth" binibigay niya sa amin ang best explanations para maintindihan ang mga lecture, tapos bahala kami mag-apply sa homeworks and quizzes.. oo nga pala, 50% ang passing sa kanya.. XD

Chm275L - Physical Chemistry 1 Laboratory.. prof ko dito si Ma'am Marilyn Miranda.. ang masaya kay ma'am, kahit ginawa niyang once a week ang aming schedule na double period, at least very understanding siya kasi alam niya rin ang pressure na nararamdaman ng isang estudyante sa Mapua.. "tama ba?".. tapos, as we should expect of ma'am Miranda, lagi niyang sinasabi sa amin na dapat after namin mag-perform ng experiment ay dapat mag-break din naman kami.. "tama ba?" XD

CHE230 - Chemical Engineering Calculations 3.. prof ko dito si Sir De Jesus.. "so basically", pagdating sa lecture niya, naiintindihan namin ang mga solutions na pinapakita niya.. favorite ko so far ang reaction of nitrogen to form ammonia.. "in particular", ung given ang mixed feed at kahit isang component ng recycle stream.. wag muna ung tatlong system.. mababaliw ako dun.. as of now, sa lahat ng aking mga subjects na under ChE (namely intro, che cal 1, che cal 2, and che cal 3), pinakamahirap talaga ang che cal.. "in particular", ang che cals 1 and 3.. kasi kung ang thermo namin ay hahawakan ni sir Aguilar, edi wala na akong problema dun.. (hahaha!! mayabang na ako pagdating kay sir A kasi alam ko na ang style niya sa pagtuturo..)

Phy140L - Physics 4 laboratory.. yup, kinuha ko na siya ulit para matapos na.. ayos nga sked ko dito eh.. dapat monday ng umaga.. eh abolished.. so lumipat ako sa wednesday.. natakot ako kasi akala ko hindi ko na makukuhang prof ang kinuha kong prof para sa monday class.. un pala, siya rin ang humahawak ng wednesday class.. so sino prof ko? si Engr. Ricardo "R2" "Dele" De Leon.. hahaha!! marami raw siyang binibigay na plus points para sa lab reports.. pero binabawi niya ang plus points through lecture type quizzes.. sa kaso ko, okay lang sa akin un kasi alam ko naman kung paano magpa-exam si sir Dele pag lecture.. physics 3 lecture ko xa eh.. kaya ko un basta memorize ko ung formula or theory behind the problem.. XD

and finally.. ang aking last 3 units for the term..

EE072 - Elementary Electrical Engineering for ChE.. bakit for ChE? kasi may mga kaibigan ako na kinuha ang EE073 na equivalent course.. ang difference lang is for ME ang 073.. hindi ko maalala ang name ng prof ko dito probably because never ko tinanong.. kahit pa tinanong ko na sa iba kong kaklase, nabura ko na ung text kung saan nakalagay ang name niya.. all I know is muslim ang name niya.. tapos dahil basics lang naman ang kailangan namin, binibigay naman niya ang mga basic concepts tapos bahala na kami umintindi.. kaya naman eh.. simple lang naman ang mga concepts na tinuturo.. also, HINDI TULAD NG EE073 NA MARAMING TOPIC, ANG EE072 AY KAYA SANANG TAPUSIN IN MAYBE 7 WEEKS PAG TINIGNAN ANG TOPICS NG 072 AT ANG TOPICS NG 073..

isa lang ang problema ko pagdating sa EE class namin.. first class ko siya pag T-Th-S, tapos, para maintindihan ng mga Che-chm-bt ang aking pagdurusa.. siya ang Kevin Dagbay ng EE.. un nga lang hindi siya "high end".. tinuturo niya ang mga "essentially" dapat malaman namin.. pero "hello!" 7:30 ang klase hindi 8:30.. 3 units ang subject na yan hindi 1 lab unit na ginawang 3x a week..





oh yeah.. baka nagtataka ang iba kong readers kung bakit may quotation marks akong nilagay sa ibang mga prof.. to put it simple, yan ang kanilang trademark lines during the class.. let me enumerate:

Engr. Santos - "to make things simplier", "henceforth! ..."
Kevin Dagbay - "hello!", "high-end yan", "essentially, ...", "my God! hindi mo alam yan?"
Engr. De Jesus - "so basically, ...", "in particular, ...",
Ma'am MIranda - "tama ba? *with matching smile*", "mag-break kayo mamaya ha.."

p.s. hindi ko prof ngayon si Kevin.. pero pag wala kaming magawa.. napapa-"high end" kami.. XD

No comments: