Wednesday, March 11, 2009

Walang Acetic Acid..

nanonood ako ng TV kanina.. at somewhere along the commercials, nagpakita si Winnie Cordero at ineendorse nanaman niya ang Datu Puti Vinegar..

wala akong problema kay winnie cordero..

un nga lang.. naging biktima xa ng kabobohan ng mga writers..

san kau nakakita ng suka na walang acetic acid??

fine, may mga suka na according to the consumers nilalagyan daw ng acetic acid talaga at ginagawang approximately 4% ang concentration..

eh anong magagawa natin.. acetic acid ang dahilan kung bakit maasim ang amoy at lasa ng suka..

pero ang pinaka-malupit na banat, ay sinabi nila sa commercial na "walang acetic acid" ang (insert brand here)..

the problem is, kung walang acetic acid ang suka mo, edi wala kang suka.. oo ang ibig sabihin nila ung acetic acid na galing sa mga reagent bottles.. pero mali pa rin ang sabihin na walang acetic acid ang suka mo dahil nga ito ang nagpapalasa at nagbibigay ng amoy ng suka..


No comments: