Tuesday, January 30, 2007

nyemas naman o!

kanina, habang kami ay nasa matlab, pinapag-aral kami ng prof para sa long quiz namin... 10am pa raw un... eh 7:40 pa lang nandun na kami... so batong-bato ang block namin kaya't naisipan namin pagtripan ang mapua chatbox... bawat tao, iba-iba ang nick... ang isa sa amin, may bagong "customer"... nilalagay pa namin ang mga cp number namin na bihira nang gamitin... nang gusto namin malaman ang pangalan ng isa't-isa, may iba na nagpapahalata kung sino sila... ayos na sana eh, kaso bigla ba naman ibalik ang nakaraan na akala ko'y nabaon ko na sa ilalim ng lupa... bumangon ulit ang pakiramdam mula sa kanyang ikinatataguan... bakit kaya ayaw niyo akong payagan na ibaon na ang pakiramdam na yan sa lupa?? nananahimik na ang halos 2 linggo ko tapos bigla ba itong ibangon ulit??

Saturday, January 27, 2007

A simple lesson from a critically acclaimed show...

kagabi, or kaninang madaling araw, nanonood ako ng South Park sa Jack TV...

ang episode nung time na yun ay ang tungkol sa sea people na nilagyan nila ng "sea men" na nagmula sa tiyan ng kanilang yumaong guro dahil akala nila na ang kanilang sea people ang naging COD ng guro nila...

nag ilagay nila ang "sea men" sa aquarium nila, naghalo ang "sea men" at ang brine shrimp na siyang sea people nila, at nakabuo sila ng "sea society"... dahil sa discovery na ito, bumili pa sila ng sea people at naghanap sila ng "sea men" mula sa isang sperm bank, at dahil kulang ang meron sa sperm bank, sa masamang paraan nakuha ni Cartman ang kanilang pangdag-dag na "sea men"...

nang ihalo na nila ang bagong set ng sea people at "sea men" ay nakabuo sila ng malaking "sea society" at doon ay nagkaroon ng dalawang grupo ng "sea society"... ang grupo ng mga taong sumasamba kay Cartman, at ang isang grupo naman ang sumasamba kay "Tweak"...

dahil nagkaroon ng pag-aaway kung sino ang dapat sambahin, nagkaroon ng giyera ang "sea society" at sila ay nawala sa loob ng isang iglap...

ayon kay Stan, or si Kyle ata ang nagsabi nun, (paraphrased ito...) giyera lang talaga ang nagiging kasagutan sa lahat..

ang tanong na nagpa-ikot sa akin bago matulog ay nang-galing kay Cartman... sabi niya: "Yes, why can't we all get along?"

ang ganda pag-isipan diba??

bakit nga ba hindi magkasundo ang lahat ng matahimik ang buhay...


ang sagot ko dyan, dahil kapag lahat tayo ay laging nagkakasundo, hindi na magiging exciting ang buhay ng tao... magkakaroon ng pagkukulang sa balance ng love and war...

yang ang ikinaganda ng mga "kalokohang palabas" na maaari mong mapanood sa Jack TV... minsan, kahit gaano kalaki ang katar********* ng ipinapalabas nila, may aral kang pwedeng pag-isipan sa huli...

sirain man ng umpisa ang braincells mo dahil sa kalokohan, bumabawi sila dahil may pag-iisipan ka sa bandang huli...

Friday, January 26, 2007

Courses and Profs for the term (3rd Edition)

Game.. matagal ko na itong gustong gawin eh!!


Math104 (Differential Calculus) - for this term, ang aming prof dito sa subject na ito ay walang iba kundi ang aking dating prof sa trigo na si Mr. Deo Llacuna [tama kaya ang title ko?? >:)]. He is currently taking his Doctorate degree at 'The University of the Philippines' while teaching in Mapua.

Fil102 (Panitikang Filipino) - para naman sa subject na ito, ang prof namin dito ay si Dr. Cynthia Samia. Kapampangan daw sya... tapos... ahh... mas madali para sa akin ang panitikan kaysa sa wika... ewan ko ba kung bakit...

Eng101 (English for Academic Studies; Listening and Speaking) - For the first few meetings, we had a substitute professor because the original professor assigned to us was out on a leave because she was getting married. Our substitute professor was Dr. Marilou Dela Cruz.. Full of trivia with the english language she is, nice way to keep us entertained while waiting for our class to begin whenever she sends someone out for an errand. Then our original professor came back on the 16th... She met us on the 17th... Her name is Mrs. Geraldine L. Canlaz (formerly Geraldine Lopez, aka G_Lo before getting married)... we haven't had a lesson with her kasi laging may istorbo like the foundation week and a seminar na pinupuntahan ng mga profs... monday pa talaga mag-uumpisa ang lesson namin sa kanya...

Draw102W (Engineering Drawing 2) - Ang ganda ng pangalan ng prof ko sa drawing 2!!! hayop!! iisipin mo ganun kasi ang lagi niyang binibigay!!! Siya si Arch. Arnold P. Cinco (Karina kilala mo??)... kita niyo na?!?! pero mabait siya... ituturo niya ang lahat ng kailangan gawin sa plate, iiwanan ang klase para gumawa, at babalik para kunin ang plates... bakit siya umaalis?? dahil siya ang head ng Department ng Drawing, kaya hindi lang pagtuturo ang inaasikaso niya... pero at least ituturo niya ang lahat ng kailangan gawin... ang ibang prof kasi ipapakita lang ang gagawin, explain kung ano ang requirements sa plate, at iiwanan ka na gumawa sa sarili mong sikap...

Mat101L (MatLab)- bakit MatLab?? dahil ito ay application ng math sa computer using a program called MatLab... basta matrix ang ibig-sabihin ng 'Mat' sa Matlab. ang prof ko dito ay nakilala namin bilang si Engr. Gerardo Usita... grabe, bawal daw maglaro sa pc (mini games lang ang meron like minesweeper, pinball, etc.), nahuli na akong naglalaro, di pa nagalit... di nga namin alam kung sarcastic ang ngiti o hindi eh... pero mabait siya... siguro kasi mabait kami... paano naman kami hindi magiging mabait, eh halos lahat kami na natira sa klase niya ang mga nasa block namin na alam namin na masipag gumawa (no sarcasm)...

NSTP103 - galing sa IE dept. ang prof namin dito kasi wala naman talagang dept ang NSTP... name ng prof namin ay si Engr. Grace Intal (ewan ko kung kaano-ano niya yung guy ng Ateneo)... ayun, masipag dahil talagang pupunta ulit kami ng Pandacan para magbigay tulong sa aming adopted community... pero ayos na rin... nasa NSTP 3 na rin lang ako, tapusin na natin agad hanggang 4 para walang problema...

PE103 (Single and Dual Sports) - all hell has broken loose!! kasi napunta ako kay Ma'am Balagtas!! ang prof ng partner ko nung PE 2!! para sa Jasmites na nagbabasa, asawa ata siya ni Giron... pero walang injection si ma'am...

SS101 (Philippine Constitution) - Oo.. nag-consti ako!!! ganito kasi yan, ayon sa Art. III, sec. 3 (paraphrased), all schools must have Constitution in their curriculum. meaning kailangan lang nasa curriculum ang constitution... sa kaso ng Mapua, ginawa nila yun... yun nga lang, nasa estudyante na kung kukunin niya ang constitution bilang isang subject sa kanyang pag-aaral... kinuha ko naman ito kasi na-isip ko na sobrang dali lang nyan para hindi kunin... haha! prof ko nga pala si Dr. Teresita Buenvenida...

well.. yan na ang subjects ko for the term... sana tumaas na ang average ko!! malaking SANA na ako ay maging half scholar para makakuha ng kickback mula sa Prudential... :D

wahoo!!! screw you friendster!!!

huahahahaha!!!!


una sa lahat, salamat kay Claudio Novida at nahanap ko ang blogger na hawak pala ng google... may silbi rin pala ang gmail ko... :D


sa mga nagbabasa nito, marahil ay nagtataka kayo kung bakit dito ko na-isipan mag-blog...

ang kasagutan dyan, ay dahil sira ang blog ko sa friendster... dahil di ako makapag-log-in sa blog.friendster.com, na-isip kong maghanap ng ibang blog sites, pero tinamad ako maghanap...

nang mapansin ko na may bagong blog si Claudio, natripan kong basahin dahil wala akong magawa ng mga oras na yun, dun ko nakita ang kanyang hyperlink sa blog nya rito at na-isip ko na dito na rin ako makikiblog...


sa Estadilla brothers (kung mabasa niyo ito), wag kayo mag-alala, babasahin ko pa rin mga posts ninyo kahit na hindi na ako makakapag-comment pa...


sa mga ibang tao jan na nagsasabing "bakit blog ko di mo pinupuntahan?!?!", sorry po... marahil ay wala pa kayong post na ginagawa upang ako'y maakit ninyo...


lolz!! dito na ako maglalabas ng aking nararamdaman bukod sa 'Bond'!! (sa mga hindi nakaka-alam, ang bond ay blog ng lahat sa Chemistry Society of Mapua na siyang org na sinalihan ko...)

hanggang sa muli!!