kagabi, or kaninang madaling araw, nanonood ako ng South Park sa Jack TV...
ang episode nung time na yun ay ang tungkol sa sea people na nilagyan nila ng "sea men" na nagmula sa tiyan ng kanilang yumaong guro dahil akala nila na ang kanilang sea people ang naging COD ng guro nila...
nag ilagay nila ang "sea men" sa aquarium nila, naghalo ang "sea men" at ang brine shrimp na siyang sea people nila, at nakabuo sila ng "sea society"... dahil sa discovery na ito, bumili pa sila ng sea people at naghanap sila ng "sea men" mula sa isang sperm bank, at dahil kulang ang meron sa sperm bank, sa masamang paraan nakuha ni Cartman ang kanilang pangdag-dag na "sea men"...
nang ihalo na nila ang bagong set ng sea people at "sea men" ay nakabuo sila ng malaking "sea society" at doon ay nagkaroon ng dalawang grupo ng "sea society"... ang grupo ng mga taong sumasamba kay Cartman, at ang isang grupo naman ang sumasamba kay "Tweak"...
dahil nagkaroon ng pag-aaway kung sino ang dapat sambahin, nagkaroon ng giyera ang "sea society" at sila ay nawala sa loob ng isang iglap...
ayon kay Stan, or si Kyle ata ang nagsabi nun, (paraphrased ito...) giyera lang talaga ang nagiging kasagutan sa lahat..
ang tanong na nagpa-ikot sa akin bago matulog ay nang-galing kay Cartman... sabi niya: "Yes, why can't we all get along?"
ang ganda pag-isipan diba??
bakit nga ba hindi magkasundo ang lahat ng matahimik ang buhay...
ang sagot ko dyan, dahil kapag lahat tayo ay laging nagkakasundo, hindi na magiging exciting ang buhay ng tao... magkakaroon ng pagkukulang sa balance ng love and war...
yang ang ikinaganda ng mga "kalokohang palabas" na maaari mong mapanood sa Jack TV... minsan, kahit gaano kalaki ang katar********* ng ipinapalabas nila, may aral kang pwedeng pag-isipan sa huli...
sirain man ng umpisa ang braincells mo dahil sa kalokohan, bumabawi sila dahil may pag-iisipan ka sa bandang huli...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment