Friday, January 26, 2007

Courses and Profs for the term (3rd Edition)

Game.. matagal ko na itong gustong gawin eh!!


Math104 (Differential Calculus) - for this term, ang aming prof dito sa subject na ito ay walang iba kundi ang aking dating prof sa trigo na si Mr. Deo Llacuna [tama kaya ang title ko?? >:)]. He is currently taking his Doctorate degree at 'The University of the Philippines' while teaching in Mapua.

Fil102 (Panitikang Filipino) - para naman sa subject na ito, ang prof namin dito ay si Dr. Cynthia Samia. Kapampangan daw sya... tapos... ahh... mas madali para sa akin ang panitikan kaysa sa wika... ewan ko ba kung bakit...

Eng101 (English for Academic Studies; Listening and Speaking) - For the first few meetings, we had a substitute professor because the original professor assigned to us was out on a leave because she was getting married. Our substitute professor was Dr. Marilou Dela Cruz.. Full of trivia with the english language she is, nice way to keep us entertained while waiting for our class to begin whenever she sends someone out for an errand. Then our original professor came back on the 16th... She met us on the 17th... Her name is Mrs. Geraldine L. Canlaz (formerly Geraldine Lopez, aka G_Lo before getting married)... we haven't had a lesson with her kasi laging may istorbo like the foundation week and a seminar na pinupuntahan ng mga profs... monday pa talaga mag-uumpisa ang lesson namin sa kanya...

Draw102W (Engineering Drawing 2) - Ang ganda ng pangalan ng prof ko sa drawing 2!!! hayop!! iisipin mo ganun kasi ang lagi niyang binibigay!!! Siya si Arch. Arnold P. Cinco (Karina kilala mo??)... kita niyo na?!?! pero mabait siya... ituturo niya ang lahat ng kailangan gawin sa plate, iiwanan ang klase para gumawa, at babalik para kunin ang plates... bakit siya umaalis?? dahil siya ang head ng Department ng Drawing, kaya hindi lang pagtuturo ang inaasikaso niya... pero at least ituturo niya ang lahat ng kailangan gawin... ang ibang prof kasi ipapakita lang ang gagawin, explain kung ano ang requirements sa plate, at iiwanan ka na gumawa sa sarili mong sikap...

Mat101L (MatLab)- bakit MatLab?? dahil ito ay application ng math sa computer using a program called MatLab... basta matrix ang ibig-sabihin ng 'Mat' sa Matlab. ang prof ko dito ay nakilala namin bilang si Engr. Gerardo Usita... grabe, bawal daw maglaro sa pc (mini games lang ang meron like minesweeper, pinball, etc.), nahuli na akong naglalaro, di pa nagalit... di nga namin alam kung sarcastic ang ngiti o hindi eh... pero mabait siya... siguro kasi mabait kami... paano naman kami hindi magiging mabait, eh halos lahat kami na natira sa klase niya ang mga nasa block namin na alam namin na masipag gumawa (no sarcasm)...

NSTP103 - galing sa IE dept. ang prof namin dito kasi wala naman talagang dept ang NSTP... name ng prof namin ay si Engr. Grace Intal (ewan ko kung kaano-ano niya yung guy ng Ateneo)... ayun, masipag dahil talagang pupunta ulit kami ng Pandacan para magbigay tulong sa aming adopted community... pero ayos na rin... nasa NSTP 3 na rin lang ako, tapusin na natin agad hanggang 4 para walang problema...

PE103 (Single and Dual Sports) - all hell has broken loose!! kasi napunta ako kay Ma'am Balagtas!! ang prof ng partner ko nung PE 2!! para sa Jasmites na nagbabasa, asawa ata siya ni Giron... pero walang injection si ma'am...

SS101 (Philippine Constitution) - Oo.. nag-consti ako!!! ganito kasi yan, ayon sa Art. III, sec. 3 (paraphrased), all schools must have Constitution in their curriculum. meaning kailangan lang nasa curriculum ang constitution... sa kaso ng Mapua, ginawa nila yun... yun nga lang, nasa estudyante na kung kukunin niya ang constitution bilang isang subject sa kanyang pag-aaral... kinuha ko naman ito kasi na-isip ko na sobrang dali lang nyan para hindi kunin... haha! prof ko nga pala si Dr. Teresita Buenvenida...

well.. yan na ang subjects ko for the term... sana tumaas na ang average ko!! malaking SANA na ako ay maging half scholar para makakuha ng kickback mula sa Prudential... :D

No comments: