haba ng title noh?? la kasi akong magawa...
haay... kwento ko na lang kung ano ang mga nangyari sa akin ngayong unang summer ko sa college...
March 16
- pumunta kami sa Laguna para mag-swimming sa isang parang bahay na pinapa-rent for private parties... may maliit na pool, maliit kasi hindi naman olympic size at hindi umaabot ng 6 ft ang lalim... kasya ang mga 3 kotse sa garahe pero 1 lang naman ang dala at 1 rin lang ang magkakasya dahil sinakop na ng billiards table ang garahe...
ang view sa may pool ay ang gilid ng Mt. Makiling na minsan ko nang napuntahan dahil sa mga camping sa Boy Scout... bukod dito ay mayroon ring mga bahay na makikita dahil nasa loob ito ng subdivision...
siguro maganda ang view ng pool pag dating ng hapon kasi nasa may west siya ng bahay... sunset with the mountain... hindi ako sure roon kasi wala na ang araw pagdating namin doon...
kinabukasan umuwi na kami kasi overnight lang naman ang rent namin hanggang 12nn... ang mga nakatira sa loob ng Metro Manila ay nagsama-sama, habang ang mga sa labas ng Metro Manila (or sa gilid man nito) ay nagsama-sama rin... maliban na lamang kay P.J. na nagpunta sa bahay ng kaklase sa Los Banos...
March 21
- nagpunta kami sa Ifugao para makita na rin ang Banawe Rice Terraces... para masaya, road trip kami... dala ang revo, ako, ang nanay ko, at isa sa mga uncle at auntie ko (marami kasi sila) ay nagpunta ng Ifugao via NLEX, daan sa Bulacan, daan sa mga Nueva, at dumating rin sa Ifugao... madaling araw kami umalis at isang tinapay lang ang kinain ko... dumaan kami sa Sta. Rita Bulacan para dumaan sa mga Nueva papuntang Ifugao... pagpasok namin ng San Miguel, tinamaan na ako ng gutom, pero yung tipong kaya pang pigilan... ang masarap dito, mga 6am pa lang nun at lahat ng mga makakainan ay sarado pa... okay lang sana sa 7-11 kaso parking ang problema namin, kaya dumeretso na lang kami... paglampas ng San Miguel, wala na ang mga food establishments na pwedeng kainan, kaya sabi namin deretso lang hanggang makahanap kami...
6:50am, nakapasok na kami ng Gapan City, Nueva Ecija... at nakakakita na ako ng mga mukha ng bubuyog na nagsasabing malapit lang kami... "DAW"... dahil kapapasok lang namin, wala pa kami sa city proper... at malayo-layo pa ang makakainan... may nakita kami, isa pang mukha ng bubuyog, ang sabi punta lang daw sa waltermart... 'Ayos!' sabi ko... makakakain na rin!! pagdating namin sa waltermart, sarado pa ang lahat.. dahil ito ay parang SM ng Maynila... kaya, mga 9am pa ito magbubukas... T_T
deretso pa kami, may nakita kami ulit isa pang mukha ng bubuyog... "Open 6:00 am - 12:00 mn"... nagtaka kami kung saan ito, at pagdating sa heart of the city kung tawagin, nakita namin sa may kanan namin ang malaking bubuyog na naka-ngiti... hindi na kami nagdalawang-isip pa at kumanan na kami para makakain muna at makagamit ng CR...
Pagkakain namin, balik na kami sa biyahe... balik sa highway... balik sa tabi ng mga truck... dinaanan namin ang CLSU... a.k.a. Central Luzon State University... maganda ang campus, kahit nasa gitna nito ang highway, mas maganda ang feel ng atmosphere doon kaysa sa UP Diliman at UP Los Banos (no offense sa mga nag-aaral doon o nag-aral doon dahil iba pa rin ang brand ninyo...) deretso lang kami sa highway, walang dalang mga cd kaya corny jokes lang ang katapat namin... in the words of my late Lola Auntie, "tinuyaw" ang mga jokes namin... (Waray-waray it akun pamilya ha nanay... (tama kaya grammar ko??))
pagdating namin sa may Carrangalan... sa may brgy San Agustin ata... may nabangga kaming motor... hindi naman talaga bangga... pero nagas-gas namin ang gulong niya sa bumper namin... tumigil kami at sinubukang kausapin ang nakasakay pero sabi niya okay lang daw siya at wala nang kailangang pag-usapan... minasdan ko siya habang sinesenyasan niya kami na okay lang siya... may kamukha kasi siya... si Ebe ng Sugarfree... pero alam kong hindi siya yun dahil nakita ko na si Ebe ng personal at hindi siya ganun ka bata... hindi ko alam ilan ang mga bata niyang kapatid or anuman sa kaniyang family tree... bukod sa isang bagay... kapatid niya ang kapit-bahay namin...
drive sa bundok, pasok Nueva Viscaya, daan, etc etc etc... 'Welcome to Ifugao!' ang malaking bati sa amin nang makarating kami sa Ifugao... tuloy-tuloy lang kami sa highway hanggang sa may Lamut kung saan tumigil kami saglit... sa gilid ng highway, sa may gilid ng bundok, na ang katabi ay rice field... anong ginawa namin?? nagpalit ng driver... Oo!! nag-drive ako sa national highway!! ^-^!!! daming mga blind curve, pero kaya naman... tapos habang ako ang driver, ang nanay ko ay hindi makatulog dahil natatakot na baka kung ano ang mangyari... pero wala naman... ang masaya rito ay nakatulog ang uncle ko kaya ako ang driver hanggang sa makarating kami sa labas ng Banaue Hotel!! ^-^!!! pinapunta kami sa town proper para sa registration, tapos doon pa lang ay nakita na namin ang mga terraces... sa mata ko, hindi naman ito mukhang deteriorated... pero sa mata ng nanay ko, at sa pagkaka-alam niya, deteriorated na ito at hindi na sinali sa 7 wonders of the world...
natulog kami sa "Banaue Ethnic Village"... inakyat namin ang bundok gamit ang kotse para lang makapunta roon... isolated siya sa town proper kaya mahirap puntahan kung wala kang sasakyan... kung trip mong maglakad ng 7km na may dala-dalang malaking bag sa likod mo, sige, be my guest... kung tatanongin mo ako kung gagawin ko yun, siguro ang sagot ko sa iyo ay "Oo..." dahil solve na solve ka sa sunrise, at sa terrace view na makikita mo sa may cottage 2... as in @_@ na ^-^ ang pakiramdam... :D
kinabukasan, bumaba na kami para umuwi ng Maynila... dahil municipality lang ang Banaue, at malayo sa sibilisasyon, walang tumatanggap ng credit card... cash only lahat... kaya, naisip namin na umuwi na lang... ang pera na dapat pang-isa pang gabi sa labas, pinambili na lang nila ng souvenirs, at dere-deretso na kami sa Maynila... ang mga sidetrip na lang namin ang isa pang gusto sana namin matulugan dahil doon ay kumpleto mo ang view ng Banaue Rice Terraces... ang problema, dirt road ang dadaanan mo at isang maling maneho lang dedo ka na...
Oo nga pala... ang mga picture na nakikita natin sa posters or post cards ng Pilipinas na pinapakita ang Banaue Rice Terraces... ung foreground mo nasa kanan ang isang set ng terrace... parang ganito:
yan.. nakita namin yan... pero mas maganda ang mga pics na nasa pc ko.. pag nakahanap na ako ng oras at sipag para ausin ang mga pics from the scan, ilalagay ko ito sa photobucket ko...
Holy Week
- nagpunta kami sa S.B.M.A. ...
hindi sa Subic... SBMA = Sa Bahay Muna Ako... :D
SBMA unless pumupunta ng mall para sa mga reunion ng mga officemates dati ni nanay, or may mga lakad na kailangan ng kotse... in short, driver... buti nga nagagamit ko ang kotse eh... para sa susunod, sa magandang traffic ng Maynila naman ang haharapin ko... :D
hanggang sa isang araw, noong April 9, nagpunta ako ng Heart Center of the Philippines... si Guccie kasi naghahanap ng mga donor para sa kanyang dad na kailangan ng surgery the next day... ako lang ang pumuntang batch 2006 kasi ako lang naman ata ang pinakamalapit... ang iba raw kasi nasa bakasyon, or kung hindi man, ang layo ng mga bahay (e.g. Bryan Diaz, San Pedro Laguna)... sa mga iba pang pumunta, si ate Tiffany, si ate Kat, si kuya Jerome, si Wendy Lim, and other Mapuans na ChemSoc na hindi ko kilala... hindi ko na naabutan si kuya Judz kung pumunta man siya... sa mga pumunta naman sa aming mga ChemSoc, ako, si Guccie, at si kuya Jerome lang ang kinuhanan ng dugo... yung iba kasi underweight, or may mens, or kulang sa hemoglobin sa dugo, or nagka-sakit na hindi pwede until 1 year after ng certain date, or minalas na hindi mahanap ang mga ugat... sa kaso ko, wala pang 3 months ang last donation ko pero pinayagan ako kasi hindi ko na rin maalala kung kailan ako huling nagbigay... ngayong alam ko nang at least 3 months bago ulit magbigay, kaya ko nang sabihin kung sakali... buti na lang, hindi lang kami ang nagpunta para magdonate... parang kaming susugod sa giyera kung kinumpleto mo lahat ng mga nagbigay eh... or at least lahat ng nagpunta sa may blood bank...
sa gitna ng mga yan, nagbasa rin ako ng 2 pocketbook... ang una, ay ang "Memoirs of a Geisha" na matagal nang sine na hindi ko napanood pero gaya ng sabi nila, "MAS Maganda ang LIBRO"... at ang "Tuesdays with Morrie" na gawa ni Mitch Albom, author ng "The 5 People You Meet in Heaven"...
ganyan ang buhay ko hanggang sa araw na ito... ang ibang mga nangyari ay ang mga typical na nangyayari sa akin at hindi na kailangan pang ikwento sa blog... kung may tanong kayo, madali lang ako i-text... para sa mga bigla na lang tatawag, please lang may klase ako Monday - Friday... tawag kayo after 2pm para okay lang sa akin...
Para naman sa mga magya-yaya ng mga outing (e.g. B.A.)... mas maganda weekends para sa akin... pag gimik lang sa mall or mga ganun... Tuesdays na lang para hindi na kayo maghihintay ng weekend unless weekend lang talaga...
at dito nagtatapos ang aking unang blog sa buwan na ito... next blog ko siguro ang term professors version 1.4 (dota ba yan?)...
p.s. hindi ko alam kung bakit ganun ang nangyari sa post ko... iba-iba ang font size..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment