sensya na sa mga nag-aabang ng aking mga profs for the term... ayon kasi sa prof ko sa rizal, baka hindi na siya ang maging prof namin dahil sa mga re-shuffling of teachers ekek... anyway... masaya ang linggo ko... pero pinaka-masaya ako ay noong thursday (sa mga nakaka-alam: hindi noong friday)...
bakit thursday?? dahil nagpunta ako ng SM North Edsa para sa Album Launch ng Silent Sanctuary... nung una, hindi nila ako pinapapasok sa mga upuan dahil priority nila ang mga bumibili ng cd sa harap... mga 3:20 na sila nagpapasok ng mga matagal nang meron... ang nakalagay sa friendster bulletin, 4pm daw ang start nila... pero dahil sa astig na media people na matagal dumating, nag-umpisa kami ng mga 5:30... 30 mins after the said time doon sa website ng silent sanctuary (www.silentsanctuary.com)...
bakit nga pala naging astig ang media people?? dahil may baka sa isa sa kanila... hindi baka na sa hapon ay bobo kundi baka as in cow... Oo!! nakita ko roon si Ma'am Mauricio!!! Moo!!! akala ko, wala akong makikitang kilala ko roon kasi hindi naman lahat sa amin ay mahilig sa Silent Sanctuary... karamihan lang ng mga pumunta roon ay babae dahil "Cute" daw ang mga nasa banda... ako, nagpunta ako para sa concert at para sa autograph signing afterwards...
ininterview sila sa umpisa, tapos tinanong ng host kung may gustong magtanong sa aming mga audience, pero ayaw namin dahil gusto namin sila tumugtog... pero ang sabi ng host, may surprise band pa raw... and to my surprise, sila pa talaga ang pumunta... ang Itchyworms!!! :D
astig!! natraffic daw si Chino kaya kinuha nila si Chino... tinugtog nila ang Season of Smiles tapos ginawang summer ang Christmas sa lyrics... tapos sa may gitna ng kanta, dumating si Chino at nakisama na sa Jamming... umalis na si Chino at kumpleto na ang Itchyworms... may ibang version pala sila ng Love Team kasi mas iba ang intro nila... may kung ano silang tinugtog, tapos dumating na sa intro na alam ng lahat... sa music video, makikita na 2 cymbals lang at 3 parts ng drums ang kailangan ni Jazz para tugtugin ang ang Love Team, pero sa concert, ginamit nya lahat... siguro dahil sayang ang drum set kung hindi gagamitin...
nang matapos sila sa dalawang kanta, at paulit-ulit na pasasalamat at pagsabi na hindi sila handa para sa concert na yun dahil biglaan raw ito, kaya last song na raw nila bago ang Silent Sanctuary... nagulat ako sa tinugtog nila dahil hindi ko ito inaasahan... ang Theme for NTS ang tinugtog nila... !@#$%^&*()!!! tinugtog nila ang theme for NTS!!! !@#$%^&*()!!! naintindhan kaya yun ng mga nanood?? alam ba nila na totoo ang nilalaman ng kanta?? basta ang alam ko kung nagawa ng bamboo ang tatsulok, bakit kaya tututol ang Universal sa pag-gawa ng video nun??
ngayon Silent Sanctuary na... isa-isa silang tinawag at una nilang tinugtog ang Pink 5ive... tapos, tinugtog nila ang 14... sinunod nila ang kundiman, ikaw lamang, ingat ka, rebound, at summer song... tae ang sarap pakinggan ng Silent Sanctuary pag live dahil naririnig mo talaga bawat instrument na meron sila, tapos ang pagkakabalance ng kanilang projection, tapos nakikita mo sa banda kung saan talaga sila sa kanta... talagang bawat nota na tinutugtog makikita mo ang passion nila sa musika...
hahaha.. yun lang.. next time na ang mga prof kasi hindi pa sila sigurado...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment