kanina.. analytic chem lab namin.. preparation and standardization of potassium permanganate (sa mga hindi nakaka-intindi, gumagawa lang kami ng solution ng isang chemical)... dapat, pati determination of CaO in limestone gagawin namin, kaso hindi kami naka-abot sa oras kasi nahilo kami sa paghanap ng malapit sa 0.02M na KMnO4 na un pala ay dapat malapit sa 0.05M (concentration po yan ng solution)...
mejo natuwa kami ng groupmate ko kasi kanina may kaklase kami na tinamad pumiga ng pamunas kaya pinagpag lang niya sa taas ng sink.. kaso, malapit sa sink ang mga beaker namin na may pina-init na distilled water.. syempre magagalit kami kasi pina-kulo namin yan para mawalan ng impurities tapos ganun lang ang gagawin niya sa pamunas.. eh wala siyang pake alam, so sabi ng groupmate ko "ano? tuluyan na natin!".. sabi ko naman "'wag na.. kakarmahin din yan"...
ilang minuto ang makalipas, may nagbulong sa akin na "nakabasag si ano ng thermometer".. natuwa ako kasi kinarma nga ang loko... dahil sa kalokohan niya, nakabasag tuloy siya ng thermometer.. mahal pa naman ung nabasag niya, so nakuntento ako sa nangyari.. nang lumamig na ang tubig namin, naisip bigla ng groupmate ko na "baka karmahin din tayo kasi pinagtawanan natin siya"... ako naman, sabi ko "baka nga.." kasi hindi naman talaga natin alam kung paano tumatakbo ang karma...
since tapos na kami sa experiment and calculations, binalik ko na ung mga gamit na hiniram namin na wala sa locker namin.. nung binalik ko ang mga gamit, ang sabi ni kuya "volumetric nasaan?".. so binalikan ko ang volumetric.. at pagbalik ko, nagulat ako dahil bigla niyang sinabi "ay! may breakage ka pala"...
nagulat ako kasi ang pinakita niya sa akin ay buret (basta apparatus yan)... natakot ako kasi ang never ako nagkaroon ng major breakage... last year, test tube lang ang binayaran ko, tapos ngayon nakabasag ako ng buret.. ang pinakita niya sa akin ay isang maliit na crack sa may mouth ng buret kung saan kami naglalagay ng funnel para lagyan siya ng acid... breakage na daw un kaya kailangan ko nang bayaran, pero sa akin na daw ang buret... P540 ang buret ko kasi made in china ung buret.. mura na un kasi ang alam ko nasa 2K ang mga buret...
huling nagbalik ng gamit ang nakabasag ng thermometer... gusto ko makita kung ano ang reaksyon niya sa mahal ng babayaran niya... mukha namang hindi siya masyadong tinamaan kasi ang nasa isip niya lang ay "bawas nanaman allowance ko"...
ako, first major breakage ko un kaya mejo nakaka-down ng pakiramdam... on the other hand, P960 ang thermometer kaya may pampasigla pa ako... hahaha ^^
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment