today is the last day of the Che-Chm sportsfest 2007... pasok sa finals ng basketball and volleyball ang Che-Chm Tinkers... and here is their fate...
na-late dumating ang mga players ng volleyball kaya late na rin ang start ng games... pero dahil una ang laban ng PIChE and ChemSoc, nagawa pa nilang makahabol... since alam naman ng PIChE na hindi nila kayang tumapat sa competition sa volleyball, they played for fun and not to win (hindi tulad ng freshmen na nagback-out kasi feeling nila talo na rin sila..)... so, tinalo in 2 sets ang PIChE... pagdating sa laban nila sa TINKERS, nagagalit si kuya Renz kasi andaming wala sa team ng ChemSoc na dapat maglalaro... buti na lang at 5 sets ang finals kaya nakahabol pa ng unti-unti ang mga players... hindi ko rin sila masisisi kung bakit sila matagal kasi galing pala sila sa exams...
kinuha ng TINKERS ang first set with a score of 31-29... ganun katindi ang laban nila sa first set... pero hindi nagpatalo ang ChemSoc at kinuha nila ang second set... nag-alternate ulit ang TINKERS and ChemSoc sa next sets kaya 2-2 ang score nila... sa final set, minabuti ng ChemSoc ang kunin ang early lead, para matapos kaagad, pero nang magpalit na ng side ng court, minalas ang ChemSoc at nilampas nila ang score at ginawang 10-14... nagkaroon ng minor error ang TINKERS kaya naging 11-14 ang score, at ChemSoc na ang magseserve...
dito na pumapasok ang player of the set na si ate Gilda... ang lahat ng mga audience ay nakatayo na sa excitement dahil 2 years ago, champion ang ChemSoc sa volleyball, at gusto nila ituloy ang streak... sa bawat serve ni ate Gilda, nagkakamali ang TINKERS hanggang sa naging 14-14 ang score... hindi nagsawa si kuya Koko na sumigaw upang magbigay ng motivation kay ate Gilda... at dahil na rin sa carelessness ng TINKERS, nakamit ng ChemSoc ang kanilang hinahangad na championship sa volleyball (second na ata nila in 3 yrs dahil kay Happy na hindi nagpa-volleyball last year)...
bumawi naman ang TINKERS sa basketball dahil tinalo nila ang ChemSoc upang makapasok sa finals ng basketball, pero hindi naman kami nagpatalo dahil 7 points lang ang lamang nila, kung nanood ka sa game, masasabi mong kaya sana namin manalo, kaso, minalas lang talaga...
kwento ko muna ang ChemSoc bago ibalik sa TINKERS, natalo ang Drinkers sa PIChE sa basketball kaya't ang Drinkers ang nakalaban namin sa battle for third... dahil fresh lang ang Drinkers mula sa laban nila sa PIChE, minabuti na naming manalo... isa pa, kapag natalo ang ChemSoc, lahat ng players sa basketball ay required na sumali as a candidate to become Mr. Che-Chm... pero pag nanalo naman kami, si kuya Aldrich lang ang pipiliting sumali.. hahaha
anyway, tinalo namin ang Drinkers para makuha ang third place, at nanood kami ng final game para naman makita namin kung ano ang magiging fate ng TINKERS and PIChE...
close fight ang TINKERS and PIChE.. ni isa hindi nagpapatalo... pero nung 4th quarter, nag-umpisa nang manghina ang TINKERS kasi unti-unting na-iinjure ang mga players nila... sa last 15 seconds, lamang ang PIChE ng 1 point, 44-43 ang score... inbound nila, pero naagaw ng TINKERS... at inubos na lang ng TINKERS ang oras bago sila tumira... may nag-drive papunta sa loob, lay-up, akala namin pasok na, eh niluwa ng ring, rebound ng TINKERS, depensa agad PIChE, nag-ring na ang buzzer, at nanalo ang PIChE sa 2007 Che-Chm sportsfest sa basketball...
kita niyo ung irony na naramdaman ng TINKERS? nakapasok na nga sila sa 2 na finals, hindi nila nakuha ang championships... ang sakit sobra... kami mejo tanggap namin pagka-third namin kasi may mga araw na talagang wala kaming shooting... pero next year hindi na ganyan ang magiging standing namin... dapat higher na kami sa third place!! kailangan un!! wahahahahahhahahah!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment