minsan sa aking nihonggo class.. ang prof namin ay mahilig magbigay ng mga kaka-ibang nick names, depende sa ginagawa ng estudyante, or kung may mali syang sinasabi, or kung trip nya lang bigyan ka ng pangalan na cute na meron sa physical state mo...
sa kaso ko, matt-chan ang pinaka-weird na binigay nya para sa pangalan ko, since wala xang ibang tinawag sa akin kundi yan or Matsuura-san...
pero hindi yan ang pinaka-point ng blog na ito...
kalahati kasi ng klase namin, ay mga kaklase ko sa elem 1 from june to december last year... the other half galing sa iba't-ibang klase... itago natin sa pangalan "rival" ang tao na nais kong pag-usapan kasi as of the midterm exams namin, xa ang top sa klase, ako dahil nagkalat, mababa ang score pero mataas naman from the passing grade... anyway, minsan naging kagrupo ko si "rival" sa isang rpg (oo, role playing game.. pero hindi xa sa kahit anong console... in short, pinagawa kami ng isang skit sa klase) at para mabilis magsulat ng script, "Matsu" lang ang nilagay sa papel.. kanina, noong pinapasulat sa white board ang mga magkaka-grupo at mga group number nito para maging basis ng prof sa mabilis na pagtawag sa next group, si rival ang nagsabi kung sino ang group members kasi xa ang pinaka-malapit sa board... pagdating sa pangalan ko, syempre, pag hindi mo ako kilala, hirap ka sa spelling ng last name ko (magkaka-kilala kasi kami either through our last names, or through our special nick names) kaya sabi ni rival "Matsu na lang ilagay mo"...
la lang.. hindi lang ako sanay na tinatawag na "Matsu"... pag ang ginagamit ay "Malaya", at ginagawan ng modification, okay lang siguro sa akin, si Claudio Novida (naks! special mention!) naman minsan short-cut ang Matsuura, pero walang kaso sa akin un... pero ang marinig mula kay rival na "Matsu na lang" na wala man lang akong sinasabi eh ibang kaso... ba't naman Matsu lang? eh kalahati lang yan ng kanji characters ng last name ko...
senseless blog noh? buti nga binasa mo hanggang dito eh.. hahaha!
trivia lang: rival-san ha onna desu...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment