kung ikaw ay nasa may 14 - 27 (cgro) ngayon, at nasa JASMS ka noong mga panahong February 2000, malamang ay nakita mo ito...
ganito ang kwento... nagligpit ang kapatid ko ng kwarto namin, tapos may tinira xa para sa akin... habang nagtatapon ng mga papel na hindi na kailangan, may nakita akong font na alam ko na unique sa ibang mga font kasi may hugis tao sila...
souvenir program xa ng "Metamorposis"... dahil February 25 - 26, 2000 ang date ng program, grade 5 ako nito, at ayon sa program, kasali ako sa performance bilang isang miyembro ng Himig Plauta... noong mga panahon kasi na yan, mejo tinamad ako sa Munting Tinig, siguro kasi mas natuwa ako mag flute kaysa kumanta.. hehehe
anyway, the point of this blog is not to talk about the nostalgia of my elementary days.. more to that, what caught my attention talaga was the font...
ung font kasi na ginamit was also used by TaTaK-JASMS (Tanghalang Tanyag ng Kabataan - JASMS) which is the theater arts group of the JASMS High School (my high school alma mater)... apat na taon din ako kasali sa grupo na to... at naging secretary general din ng isang taon.. although aaminin ko nagkulang ako nung ako ang naging secretary general, things were never really the same after what happened to Sir O...
hindi ko pa binabasa ang message na nilagay niya dun sa program, kasi mas natuwa kasi ako sa nakita ko sa dulo... ang elementary, high school, at college levels ng buong QC campus ng PWU-JASMS ay kasali sa program, at marami pa ang mga miyembro nito... ngayon, konti na lang ang mga miyembro ng mga organisasyon na ito, at ang iba naman sa kanila ay namatay na lang bigla, or sobrang inactive sa mga activities ng buong campus...
ito na lang siguro ang hiling ko sa darating na June para sa paaralang minahal ko...
sana, kahit na maraming pagbabago na nangyayari ngayon, kahit pa na may mga gago sa admin, at kahit pa na mawawalan kayo ng mga guro na alam ang ibig sabihin ng paggiging isang JASMS, sana talaga, wag niyo kalimutan na ang JASMS ay ginawa para maging masaya ka sa buhay mo bilang isang estudyante... dahil paglabas mo ng JASMS, sigurado, kahit pa hindi ka academically inclined, at least, marunong ka sa buhay bilang isang taong may mga moralidad (kahit na sabihin mo pang isa kang gagong estudyante)...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment