so ako nanaman...
anyway, umpisahan natin ang entry na ito sa isang napaka-gandang sched...
Sunday, May 18, 2008: Quiz 2 sa Organic 2 (coverage: quizzes 2,3, and 4 ng batch '05)
Monday, May 19, 2008: Quiz 3 sa Che Cal 2
Wednesday, May 21, 2008: 9pm na naka-alis ng SM Manila dahil nagpalipas kami ng ulan at tumagal ng di namalayan sa club synergy...
Thursday, May 22, 2008: Quiz 2 sa Physics 4, at Quiz 1 sa Physics 4 Lab
sarap ng linggo ko noh??
at dahil mga 10pm na ako nakarating ng bahay, at may assignment pa ako sa physics na hindi pa nagagawa nung mga oras na un, mga 3am na ako natulog, at gumising ako ng 5:30 para maghanda para sa klase ko ng 7:30... buti na lang talaga may nagtimpla ng kape kahit hindi ako nagsabi.. nagising ako mula 11pm hanggan 3am para matapos ang 15 items na assignment, at pati na rin ang pag-ayos ng gamit para sa araw.. hahaha!!
tapos, mga 9:30am kanina, naramdaman ko na ang antok.. nawala na ang epekto ng kape (uminom ulit ako ng isang baso bago pumunta ng mapua) pero hindi nagtagal ay nawala rin ito... kung paano nawala at ang tanging ininom ko lang pagkatapos nun ay mango juice ay hindi ko alam...
kakaiba pala magpa-exam si sir Utanes sa physics.. ung sa set na nakuha ko, lahat ng tanong galing sa assignment na ginawa ko bago matulog, pero ang kaibahan lang ay may isang number na nilagyan niya ng mga values, tapos the rest, pinaghalong assignment 1 and 2...
si sir Baun naman, iba rin magpa-exam sa lab... bago xa dumating, ang tinignan ko lang sa mga procedure sa lab ay ang mga formula na pwedeng gamitin... pagtingin ko sa questionaire, ang meron ay puro mga essay type questions.. explain daw namin kung paano nangyari un...
tapos, binalik na rin niya ung aming experiment 1.. waw.. ako na ang pinakamataas sa grupo namin sa reports... tapos, 70 pa ang score ko... tumingin ako sa ibang grupo, may naka 75... ung iba naman hindi ko na nakita kung ilan ang score..
pauwi na ako galing quiapo kasi magpapa-palit sana ako ng kopya ng dvd kasi may topak.. eh hindi ko nakita suki ko, so umuwi na lang ako dahil wala rin akong pera pambili ng mga bagong dvd... sumakay ako ng bus at mataas pa ang araw.. grabe ang init... kaya naman ng aircon ng bus ang init kaya nagawa kong matulog habang nasa biyahe... pag-gising ko, makulimlim na sa may Philcoa.. akala ko, mamaya pa bubuhos ang ulan.. pagdating naman sa may amin, ang lakas ng buhos, at wala pa akong payong...saya noh? mga 30mins din ang inaksaya ko nakatunganga lang sa gilid ng mercury drug dahil sa lakas ng ulan...
aun.. tapos bukas, puksaan nanaman sa phy chem... 15 items naman ang assign na binigay sa amin.. at wala pa kaming mga OHP na ginagawa... hahaha!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment