Thursday, November 29, 2007

Mapua Unplugged.. Nov. 29, 2007

ito ang araw na idineklarang "free day" para sa environment ng mapua... which is actually kind of pointless if para sa environment ang talagang balak nila... I'll get to that later... uunahin ko muna ung mga nangyari sa akin bago ang small problem na nangyayari pag gumagawa ka ng concerts for the environment...

nung umaga, dumating ako ng 7:30 sa mapua kasi gusto ko sana kunin ng maaga ang aking package "protect" stuff... eh ang sabi sa akin mamayang hapon na lang daw, "edi mamayang hapon na lang bago mag-p6" ang sabi ko sa sarili ko... kaso, late na nag-umpisa ang animal handling seminar na pinuntahan ko dahil ang tagal bago nag-umpisa ang opening ceremony ng aming "free day" for the environment... oo nga pala, may mga prof na nagbigay ng klase kahit ito ay freeday dahil sa dami ng mga suspension of classes na nangyari...

anyhow, nahirapan ako sa daga ko dun sa animal handling kasi sobrang kulit niya... ayaw niya tumigil sa kakagalaw... hindi siya napapakali pag hinahawakan siya sa kanyang loose skin at pinapakitaan ng syringe... kaya nahirapan ako sa karamihan ng experiment... buti nga mas kalmado na siya after ko makakuha ng dugo mula sa likod ng mata niya eh.. kaso onti rin lang ang nakuha ko so mahirap din...

oo nga pala... naging crime scene ang NW401 (ung lab na ginamit namin) kasi napatay ni kuya (aka CCE-4) ang daga ni ate Kringle... aun, maaga tuloy ang autopsy ng daga.. dapat sa huli un gagawin at dapat sedated lang ang muna ang daga para nakikita pa naming gumagalaw... si ate Boldi naman nandidiri sa pag-kuha ng dugo ng daga kasi naiisip niya ang sakit na pwedeng maramdaman ng daga kapag ginawa din un sa kanya (uu nga naman, although pwede kaming tamaan ng karma pag ginawa namin un, we do it dapat for science and not for our emotional issues)..

na-late ako sa p6 pero maaga rin siya nagpalabas at makukuha ko lang daw ang plus points ko kapag maaga akong pumasok sa tuesday (which is 100% possible kasi may klase ako ng 7:30 at wala akong balak kumain sa labas ng mapua pag tuesday)... simple lang naman ang tinuro niya tungkol sa fluids kasi nakuha ko na rin naman ung iba sa lab, pero at least alam ko ang mga expected na ilalabas ni sir...

habang nasa klase ni sir Jimenez, naka-tanggap ako ng text galing sa dad ko na may kalokohan nanaman sa makati at nang lumipas ang oras ay nalaman kong si Trillanes pala ang sira ulong gumawa ng coup de 'etat sa makati... tuloy, nagkaroon ng curfew (car-few sabi ng isang tao sa gym nung pinapa-madali niya si Ebe na umakyat sa stage) at nag-alinlangan ang ilang mga tao na umuwi kaagad para maka-abot sa 12:00 curfew...

nagkaroon ng fashion show sa west lobby na ang gagamiting mga materials ay mga basura or recyclable items ang majority of the clothes... representative ng ChemSoc sina Guccie at BCC-2 (note: hindi siya second year student... for more info, pls help us look for the "bond 007, the return of the comeback" and it will tell you all you need to know...

nanalo si Guccie bilang 2nd runner-up sa mga lalake... nung first place na para sa babae, sinisigaw ng chemsoc ang pangalan ni BCC-2 dahil gusto namin siya ang manalo... nang makita namin na ang HSM ang nanalo as first place, bitter ang ibang chemsoc at sinasabi na lang nila na "dinaan tayo sa red tide"... ako, hindi masyadong affected kasi mas nag-enjoy ako sa asaran ng chemsoc sa isa't-isa kaysa sa fashion show...

pagdating sa concert, late na kami pumasok ni Claudio kasi hindi naman namin inaasahang dumating kaagad ang mga bandang tutugtog... pero nagulat kami kasi may nasa stage na tapos hindi pa namin sila kilala... walang naka-kilala sa kanila at sobrang amateur nila kasi hindi sila marunong pumili ng song na kayang kantahin ng boses nila... nang umalis na sila, dumating si ate Cy na dating DJ ng campus radio... madami siyang palaro at papremyong binigay sa mga lalake, babae, binabae, at mga pekeng binabae na sumali sa pampalipas oras nila... dumating ang Treadstone at natuwa ang karamihan kasi sila pala ay kasali sa top 10 finalists sa Red Horse Musiklaban kaya puro rock talaga ang tinugtog nila... ang lakas pa magmura ng vocalist tungkol sa gobyerno kaya lalong natuwa ang mga tao... at higit sa lahat, may kawawang estudyante na sinundo ng mga magulang niya... anong masama dun? ang naglabas ng announcement ay ang vocalist ng treadstone kaya narinig ng lahat ng mga nasa gym... >:)

habang tumutugtog at nagmumura ang vocalist ng treadstone, naisip ko ang mga SLHS profs at ang mga pipol of high power sa mapua na nag-approve na tumugtog sila sa mapua dahil ang lakas magmura ng vocalist, at malamang ay hindi nila music ang tinutugtog nila... pero nagulat ako nang makita ko si ma'am Canlaz na nakikisama sa pag-enjoy ng music dahil ang pagkakatingin ko sa kanya ay hindi ganun klaseng rock ang gusto niya... oo panahon niya ang metallica, guns and roses, the beatles, and many more, na kahit iba't-ibang genre of music pa man yan, ay nasa side siya ng genre ng the beatles (base ito sa nasabi niya na gusto niya ang isang song ng the carpenters)...

nung dumating na rin sa wakas ang sugarfree, mejo masaya na ang mga tao kasi kaya pang matapos ang gabi bago mag-10 pm kasi hanggang 10pm na lang daw ang concert dahil sa curfew.. kahit bandang 9pm na sila kumanta, ayos na rin kasi napataas niya ang energy ng mapuans kasi sa bawat kanta ay sinisingit ni Ebe ang mapua sa tuwing makakaya niya or sa tuwing makakalimutan niya ang lyrics ng kanta... hahaha... aus na rin kasi mahirap mang-galing sa isa pang gig bago sa mapua... ang bamboo naman, hindi ko alam kung ganun lang talaga si bamboo kumanta or dahil nasira ang mood niya sa pumalpak na mic, pero nakita ko sa mata niya na naging bad-trip siya... kung ano ang dahilan, hindi ko alam...

nang makalabas na kami, nagmadali akong makasakay papuntang las pinas kasi baka maabutan ako ng curfew, awa ng diyos, okay pa ako hanggang nakarating sa bahay ni Sam para makagawa ng mga projects...

so, ano ang pointless na nangyari sa araw ng Unplugged?? una: we can assume na mas malakas ang consumption ng mapua sa kuryente pag may event dahil maraming mga electronic devices ang mula umaga ay naka-bukas na... pangalawa: humingi ang greenpeace sa mapuans to be of bigger help sa environment and sa ethics issues ng greenpeace which also involved GMO's... ang problema dun ay hindi mangangako dun ang mga biotech/biological engineering students dahil GMO talaga ang ginagawa nila... pangatlo: ang concert na naganap... hindi naman sa ayaw ko ng concerts, pero pag ang concert mo ay para sa environment, tapos meron kang lights, smoke machine, high-end speakers, and hundreds of students as audience, walang silbi yun kasi dumagdag ka lang ng CO2 sa atmosphere... which will enhance our problems with global warming...

2 comments:

Anonymous said...

Re: GMO

Alam mu b pinagsasabi mo?

excelia58 said...

siguro kung tinanong mo yan sa akin nung bandang december masasagot ko kaagad ang tanong mo...