Tuesday, June 10, 2008

break muna tayo sa chem..

siguro pagod lang ang utak ko sa kaka-isip ng mga pwedeng reaction sa isang bagay na laging ginagamit sa mga laboratory pag kailangan ng indicator...

anyway, hindi chem ang topic ng blog na ito..


tungkol lang naman sa ginawa ko kanina noong physics lecture...


monday ng hapon kasi kami naka-uwi galing Cavite kasi galing kami ng outing (details about outing next time)... bottom line, hindi ako nakatulog noong outing, tapos ang aga pa ng pasok ko kinabukasan (which was today)... pagdating ko sa classroom, wala pa ang prof, so pwede pang pumikit ng onti.. pagdating niya, edi nag-lecture na siya.. tapos, as usual, may kapangyarihan si Sir na magpatulog ng umagang umaga.. usually, hindi ako nagiging biktima ng sobrang antok kay sir.. pero kanina, ibang kwento.. ang nangyari kasi, ang lecture niya was very obvious kung ano ang dapat mong approach dun sa problem.. ang inabangan ko na lang was kung bakit un ang ginamit niyang value eh wala naman siyang sinabing ganito ganyan (less details sa mga tinuturo kasi baka mag-nose bleed ang mga hindi mahilig sa math at physics)...

at some point, umpisa na ng bagong lecture, at tungkol naman ito sa handout na binigay niya last time nag-meet kami.. ang nangyari, binuksan ko na lang ang hand out ko at yumuko.. dahil mabigat ang mga mata ko, naisip kong pumikit habang naka-yuko anyway lahat ng sinasabi niya ay nasa hand out na... hindi ko namalayan, nagawa kong umidlip habang naglelecture si sir... pag-gising ko, nasa sample problems na siya, at last number pa.. kahit pa na hindi niya naman sinasagutan lahat ng sample problems, the fact na hindi ko narinig ang ibang problems is a problem kasi mamaya may kaabnormalan nanamang ginawa si sir na hindi direct substitution...

so anong nakakatuwa sa nangyari kanina?? simple lang... alam ng mga friends ko nung high school kung paano ako umasta pag may klase.. so most likely, dapat magreact ang mga naging kaklase ko nung high school sa ginawa ko...

sa mga hindi naman ako nakilala noong high school, ganito lang un kasimple... kahit gaano pa kaboring ang prof, kahit pa sleeping time ang tawag sa kanya, ang tanging dahilan ko lang para makatulog sa gitna ng lecture niya ay dahil masakit ang pakiramdam ko.. kanina, puyat lang un so hindi masama ang pakiramdam ko.. madalas na rin kasi ako nagiging puyat pero pag may klase naman ay kaya ko pang makinig ng maayos...

haaaaaaaaayy... oh well.. back to work.... @_@

No comments: