kagabi, usapan namin ni claudio na 8am ang kita-kita sa mapua bago pumunta ng bambang para maghanap ng condenser para sa aming quick fit.. dumating ako mga 8:15.. wala namang kaso pag mga 15 mins late at umagang umaga diba?? wag niyo na idahilan na hapon ako at dapat bago mag 8am andun na ako, dahil parehas kaming walang klase ngayong araw na ito...
8:30 na at wala pa ring text si claudio.. so tinext ko na rin xa.. ang sabi nya, nalate daw xa ng gising, tapos may pinapagawa pa sa kanya sa bahay so mga 10:30 pa raw xa makakarating.. so aun.. mga 10:15 na ako umalis ng mapua kasi sabi ni claud sa bambang na lang kami magkita.. pagdating ko naman dun, napakiramdaman kong matagal-tagal pa bago dumating si claudio.. so naglakad muna ako along bambang para maghanap ng mga may condenser.. minalas naman ako at lahat ng mga nakita kong may nakalagay na "laboratory equipment" ay hindi alam kung ano ang condenser or quickfit.. siguro kasi apparatus ang hanap ko at hindi equipment.. so, tinext ko na sina vryan at aldrin para magtanong kung saan nila nahanap ung store na merong condenser..
matapos ko marecieve ang reply ni aldrin, sabi ng esp ko na malapit na si claudio, so inabangan ko na ung mga jeep na dumadaan (assuming na galing siya ng lawton).. nang sinabi niya na nasa baba na siya ng station ng lrt, nagtaka ako kasi ako mismo nandun sa ilalim ng lrt station.. at dahil wla siya sa side ko, malamang nasa kabila siya..
matapos maglibot sa iba't iba pang mga tindahan ng mga laboratory apparatus (na sobrang onti lang) may nahanap na rin naman kami na may magandang offer sa condenser.. papunta na kami ng morayta area kasi may nihongo pa ako ng mga 2pm.. pero 12nn pa lang nun.. eh ayon sa lrt, mga 3 or 4 stations lang ang distance ng central and bambang, so naisip ko na lakarin na lang ang morayta.. hindi ko alam kung ano ang nakain ni claudio at nakisama siya sa trip ko.. aun, mga 20 mins lang ang lakad namin, dumating na kami sa recto..
so aun.. yan ang kwento ng aming condenser..
oo nga pala, wala pang stock ung nakita naming tindahan, so babalik pa kami next week...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment