I'm expecting the worst.. kasi naman eh.. hindi na siya naawa sa kanyang mga ginagawa...
5/28... ano naman ang meron sa mga numerong yan?? hindi yan May 28.. hindi rin yan score sa seatwork or quiz... yan ang bilang ng mga estudyanteng pasado na sa Phy140L/B4... sad to say.. hindi ako kasama sa 5 na yan...
passing grade kasi is 70%.. ang iba sa inyo, balita ko 75% pa ang passing para sa 3.0.. pero consider niyo naman na semestral kayo.. kung hindi ka science major, madali lang mag-adjust sa prof kasi kailangan mo lang gandahan ang ginawa mong kwento/plate... or maybe kailangan mo lang ng mas detailed analysis ng book report mo... ewan ko.. basta.. para sa isang estudyante na apat na beses sa isang taon nagbabayad ng tuition, at nag-aaral siya ng 10 linggo para lang mag-exam sa pang-11, at malalaman na ang grade sa pang-12, malaking bagay na ang 70% passing grade.. lalong lalo na kung majoring subjects mo yan...
pero hindi eh.. ang mga majoring subjects ko sa ngayon ay nasa 60% passing pa naman.. so kaya ko pa pumasa sa mga yun.. actually, isang subj na lang ang problema ko kasi hindi ko pa alam ang aking projected grade sa kanya... ang iba naman, nag-estimate na ako.. sa organic lec, salamat sa plan B, mukha namang papasa na ako... sa Phy chem, salamat sa tsamba kong sagot at may mataas akong pre-finals... sa Che-cal 2, kaya pa naman kasi lahat ng quizzes ko above 60%... sa Physics lec, salamat sa seatwork/homework/quiz na pare-parehas at ang pinaka-maliit kong makukuha ay aabot ng 2.25...
o, aus naman pala ang subjects ko ah! so ano pinoproblema ko?? una, organic lab.. natatakot lang ako kasi mamaya bigla niya kami ibagsak ng hindi oras.. bwiset.. nasa singapore pa naman ang prof namin ngayon dun.. tinatakasan nanaman ang mga maghahabol sa kanya pagdating ng labasan ng grades... susunod, ang aking physics lab...
malamang ang iba sa inyo, ang sinasabi ngayon "PHYSICS LAB LANG BABAGSAK KA PA?!!?!"... ang iba naman siguro, sinasabi ngayon "ulol Malaya! hindi ako naniniwalang babagsak ka!".. maniwala ka man o hinde, 70% ang passing sa physics lab.. 61.25% lang ang aking over-all average... sayang.. kung 50% pa sana ang passing sa physics, matagal na akong nakakahinga ng malalim... pero hindi eh.. 70% na ang passing.. at hindi pa Ph D. ang prof na un para ibaba ang passing...
so.. worst comes to worst.. by next week, baka makita ko na ang aking first blood sa buong buhay ko... never ako nagkaroon ng pulang grade sa aking mga subjects.. well maybe noong elem, pero wala pa akong malay sa mundo noon para magkaroon ng pakialam sa grades ko nung elem ako... nung high school?? 76 ang lowest ko sa isang quarter.. pero 80+ ang overall average ko sa subj na un... college?? sinwerte ako noon sa iba kong mga subjects.. ang isa sinabi "lowest niyo ang 3.0".. ung iba naman, hindi ko alam kung anong ginawa ko pero binigyan nila ako ng 3.0... tulad ng drawing.. hindi ko alam kung anong kinain ng prof ko at binigyan niya ako ng 3.0... tapos ang iba namang mga kasing-dumi ko lang naman gumawa ng plate ay may 1.50... di ko naman ginalit ang prof na un... multivariable calculus?? wala.. mahirap talaga ang math na un.. buti nga 3.0 ako eh... differential equations?? nabobo lang ako sa mga quiz.. pero kung hindi sana nangyari un, hindi ako 3.0 dun...
sabi ko pa sa sarili ko noon "hindi ako papayag ng 5.0!! kung meron man, sa stat lang!!"
nagawa ko pang sabihin un kasi nung high school stat, may mga lectures na wala ako, so hindi ko naintindihan ung lecture... kaya mejo bumaba ang average ko sa math nung year na un.. tapos, expected ko pa na ang makukuha kong prof sa stat ngayong college (if ever) ay si sir Jerome Dela Cruz... iba ayaw sa kanya kasi babagsak lang sila doon.. ako? gusto ko sa kanya kasi magaling daw siya magturo.. at pag magaling magturo ang prof, maganda nman ang resulta ng mga quizzes ko..
so aun.. yan ang drama ko ngayon.. ang aking unang dugo.. ang aking unang bagsak... ang aking unang 5.0...
LORD!! SANA MAG-BABA SI SIR BAUN NG PASSING!!! KAHIT 60% MAN LANG ANG 3.0!!! T.T
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment