Thursday, November 13, 2008

ang stirling cycle.. bow

kanina, lecture namin sa phy chem about cycles..

ang sabi sa stirling cycle, naglagay sila ng dagdag na heat sa isang carnot engine para tumaas ang work na magagawa mo based sa graph.. dahil lumaki ang area na sakop ng graph, mas malaki ang work na nagagawa ng engine mo..

pero may tanong si sir A.. bakit mo raw tatanggalin ang isentropic step, para palitan ng isochoric step?

ako, hindi ko pa rin alam kung bakit pa ginawa ni stirling un.. ang alam ko lang, mas mahaba ang isentropic step kaysa sa isochoric step..

ang alam ko lang.. isa akong sterling cycle ngaun.. nasa step na ako ng constant volume 1.. at malayo pa ang tatahakin ko para makaabot sa step para dumating sa heat reservoir..

buti sana kung carnot engine ako.. ang ikot ko nasa reservoir, work, sink, at reservoir lang.. pero kahit pa carnot engine ako, malayo pa ako ngayon sa heat reservoir.. ang masakit pa kapag ikaw ay isang engine, ay walang catalyst na pwedeng magpabilis sa pagabot mo sa heat reservoir.. talagang step by step ka papunta roon..

leche.. gusto ko na marating ang heat reservoir.. para tumaas ang aking enthalpy.. at para maabot ko na ulit ang aking carnot efficiency, at higit sa lahat, gawing spontaneous ang ginagawa ng engine na tinatawag na ako..

No comments: