Saturday, November 8, 2008

this is not my weekend...

warning: this blog will include engineering terminologies.. be advised nosebleeding may occur while reading..

like the title implies, this is not my weekend.. there are a few things that I'm happy that happened, but overall, my weekend is an endothermic reaction with a very low conversion..

nevermind my weekdays kasi hectic naman talaga ang mga weekdays ko.. araw-araw akong pumapasok ng 9am, at araw-araw akong umuwi pag lumulubog/lumubog na ang araw..

sabado.. dumating ako sa intramuros with 10 minutes to spare sa aking first class.. saktong oras lang para magpa-print ng report.. lahat ng pinupuntahan ko para magpaprint may problema ako..

sa "wooden door", nagkaka-problema ung black ink ng printer.. kaya lumipat ako sa kabilang printing station.. kaso, kabubukas lang nila at marami na ang naka-pila.. so pumunta ako sa e-forums.. pangatlo ako sa pila.. pero ung nasa unahan, 13 ang pinaprint na nagvavary ang pages from 3 - 28!! leche..

ung sumunod naman, 3 pages lang, kaya mabilis lang xa..

pagdating ko sa CPI lab, si Janine pa lang ang tao.. tapos si sir Medarlo mukhang bad trip na bad trip na..

8am na, at marami pa rin ang wala..kaya nagsulat na lang si sir sa board at umalis.. nung una, ang nababasa ko lang was the quiz and the experiment next meeting.. hindi ko maintindihan ung naunang nakasulat.. later nung marami nang tao, dun ko lang nabasa na ang nakalagay ay "borrow the needed apparatus and proceed with the experiment".. dun ko lang nalaman na nagalit na pala si sir sa amin at nag-walk out na xa sa amin..

after ng experiment, binalikan kami ni sir Medarlo at chinekan ang aming mga PDS.. umails na kami after nun at nagpaturo sa akin sina bryan at sam sa che cal bago mag-exam..

nihongo na after ng aking day sa mapua.. binalik sa akin ung mga papel ko sa first half ng aming mock JLPT.. natuwa naman ako sa aking score.. isang 98/100 at isang 164/200.. tanggap ko ung 98 kasi alam ko namang isa lang ang hindi ako xur.. ung 164 ko hindi ko alam kung bakit 164.. malalaman ko pa sa 22 kasi wala kaming pasok sa 15.. pero, may mga topics pa kasi kami na hindi pa natatackle at siguro ilan na sa mga maliko ung mga nandun sa mga topic na un..

kinuha rin namin on that day ang final half ng mock JLPT exam.. isa ako sa tatlong highest with 82.35%.. wag niyo na tanungin kung bakit may .35% pa.. basta yan ang equivalent nun over 100.. total score: 344/400.. highest sa section namin (12 kami.. kaya wag niyo sabihing ako lang ang estudyante run..).. wag niyo rin sabihing advantage ko kasi hapon ako.. may mga Pilipino rin dun na marunong.. iba ko ngang classmates Chinese eh.. pero ang advantage lang nila ay ung mga chinese characters na lumalabas.. fair pa rin ang laban kasi majority ng exam is vocabs na tinuro naman sa amin.. un lang ang nagiging advantage ng iba sa akin ay kung gaano karami ang memorize nila..

kanina naman.. may 2 games ang basketball ng chemsoc.. isa kalaban ang PIChE.. ang isa naman, ang aming favorite team na Biologic (Hi guys!).. sa PIChE, nagawa pa namin ang tie.. pero kinuha rin nila nung last 2 minutes.. bago ang second game ng basketball.. volleyball dapat muna.. un lang lahat ng games ng volleyball ay naging default kasi lahat kulang ng players pwera na lang sa Thinkers.. hindi ko na alam kung ano mangyayari sa kanila, pero either way, hindi magpapatalo ang chemsoc jan dahil kay Kuya Renz.. hahaha!

going back to game 2 ng basketball, nung first quarter, maayos naman ang scoring namin.. un lang, scoreless kami nung second quarter kaya dun kami nadali.. nung third quarter nga nahalata kong pinapabayaan na lang kami eh.. anyway sure win na sila kahit ano mangyari so hinayaan na nila kami mag-score.. kahit na may mga tumitira pa rin ng tres at may ilan na pumasok (tulad nung kay Titus).. overall, natuwa naman ako sa game kasi kahit na tinambakan kami, nakapag-score naman ako.. pero badtrip pa rin kasi hindi pumasok ung tres ko.. nasiko pa nga ako ni Albert sa labi eh.. kaya may sugat ako ngaun.. sana umarte ako ng onte para natawagan xa ng foul.. XD

aun.. that's most of what happened this weekend.. of course save the best for last diba??

unfortunately, this is the part where I turn to my engineering terminologies.. so here goes..

may reaction kasi ako na matagal nang kinakailangan ng extreme heat para naman tumaas ang conversion.. so kinailangan ko ng superheated steam.. nang dumating na ang superheated steam, imbes na pumasok sa reactor na kailangan ko.. dumaan xa sa heat exchanger na may malaking sira kaya ang lumabas ay isang baso ng tubig.. sana nilagyan ko na lang ng ethene ung tubig na un.. may ethanol pa sana akong maiinom.. XD

aun.. sa mga nagbasa ng nito, maraming salamat sa pagbabasa.. sana naman may nangyari sa pagbasa ninyo nito.. hahaha!! XD


No comments: