kahapon, oras ko sa peer advising.. dahil hirap ako sa homework sa mec dahil sa dami ng mga pinapagawa, naisipan kong tumambay na lang dun since malamig na rin.. anyway, pag may dumating naman para magpaturo, willing na kami (meaning lahat ng mga kasama kong mga peer adviser nung mga oras na un) gumalaw..
actually, nagpapaturo sa akin si Rolan and friends sa mec nung period ko.. un lang pa sila dumarating kaya ang tagal kong naghintay sa kanila.. habang hinihintay sila, nagtanong sa akin ang isang co-adviser tungkol sa mga pwedeng approach sa physics 2.. after nun, naka-tunganga nanaman kami sa advising..
maya-maya lang ay may pumasok na student.. tumingin kaming lahat sa kanya.. ang sabi niya "magpapa-PEERma po"..
ang rinig ko naman, magpapa-peer xa.. so tinanong ko "anong subject??", un pala, magpapa-pirma para sa dropping form niya..
after nun, tunganga nanaman hanggang sa dumating na ulit si Rolan para magpaturo na rin ng mec.. natapos din ang blues ko sa advising.. ung iba na lang ang na-bore.. XD
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment