Saturday, February 28, 2009

a blog before finals week..

march na!!! and in 2 weeks, tatapusin na ng mga prof ko ang lectures!! tapos, from the 15th onwards, it's gonna be the busiest of my life! hahaha!!

let's start witht thermo 2.. so far, masama as in masama ang standing ko sa subject na yan.. pero nagbigay si sir Bungay ng pag-asa basta maayos ang pagkakagawa ng project namin.. XD

next, econ.. ang tanging natutunan ko lang sa econ ay ang mag-compare ng mga magagandang alternatives.. probably because sa tuwing nagtuturo si ma'am elay, un lang ang naiintindihan kong gawin.. ung iba kasi kahit madali lang dapat ung process, hindi maayos ung explanation..

ana chem lab naman.. no comment.. XD.. kaya kong pumasa dito.. sana naman higher than 2.00 ang makuha ko rito.. namimiss ko na kasi ang mga final grade sa chem lab na 1.75 eh.. XD


next on the list is ana chem lecture.. hinihintay ko pa ang score ko sa quiz 3 para alam ko na ang magiging pakiramdam ko for quiz 4.. pero alam ko mas maganda ang mga sagot ko dito sa quiz 3 compared dun sa first 2 quizzes combined.. so sana mataas talaga.. XD

finally, fluids.. aun, naghihintay rin ako ng resulta ng quiz.. pero okay naman ang feeling ko sa subject na ito.. hindi man ako umabot ng mas mataas sa 2.00, at least alam ko kaya pa.. wala pa naman akong bagsak na quiz dito eh.. hahaha!! xD


aun... that's my status so far sa lahat ng subjects ko this term..

why I'm doing this? probably just to kill time.. or maybe may gusto akong kausapin pero dahil high ang pressure ng finals week, hindi ko kayang mag-unli.. kung tutuusin hindi ko rin naman alam ang mapapala ko pag mag-unli ako eh.. baka busy xa maxado para makipag-text..

anyway, wala rin naman akong ginawang pag-aaral ngayon, kasi nanood lang ako ng anime at naglaro ng FF tactics.. pero okay lang sa akin un kasi two weeks na akong sabaw.. buti nga nagkaroon ako ng panahon na makapag-relax sa gitna ng term na ito..

ang kulang lang sa term na ito, ay manood ng sine sa wide-screen.. hahaha! XD

No comments: