Sunday, June 15, 2008

I have no regrets...

tumingin ako sa friendster ko kanina at gaya ng aking habit, tinitignan ko kung may bagong update ang mga may bday.. may pangalan na umakit ng aking pansin kasi marami akong kilalang ganun ang pangalan.. pero naisip ko rin na siya un.. gusto ko lang maniguro kung sino...



gaya ng nahulaan ko.. siya nga.. and for once (I think) pic niya talaga ang nandun.. nagbago na rin siya ng background, pero hindi ganun kalaki ang pagbabago ng laman ng profile niya so nakita ko rin namang siya un...




so ito ang tanong ko.. kahit ba sinaktan ka ng sobra sobra ng isang tao, na binigay mo naman lahat ng maibibigay mo, kahit na alam mong mahirap ay tiniis mo para sa kanya, pero in the end ikaw pa daw ang may ginagawang mali, karapat-dapat ba siyang batiin ng hapi bday?? (btw, hindi niya ako binati nung bday ko...)





oo nga pala, bakit ganyan title ko?? simple lang.. nakita ko pic niya.. normally, ang reaction ng mga guys pag makakakita ng ganyan ay O_O or ... ako? parang wala lang... siguro kasi may iba nang nasa puso ko... kaso, sa higpit ng oras ko sa mga quizzes at darating na finals, wala pa akong mabibigay na oras para sa kanya...

something lang bago matulog...

dark is the night sky
the starless night has no bright
to lift my spirit










































haiku?? :D

Wednesday, June 11, 2008

hindi ko alam kung bakit kaninang umaga ko to naisip...

actually ung umpisa lang ang naisip ko.. eh natuwa ako kasi parang maganda ang patutunguhan.. naisip ko na lang ituloy...



Hey, Can You See??

Hey, can you see? the sky so clear and blue
hey, can you see? the sun is shining at you
its warm gentle rays, that brings things to life
and once it sets, oh what a sight

Hey, can you see? the star filled night
hey, can you see? the moon so bright
in the darkness of the sea, there you can find
the sparkle of white, the reflected moonlight

Hey, can you feel? that soft, cool breeze
hey, can't you see? that this is not just for me
if you walked far enough, then maybe you'll find
something that wasn't really meant to hide

Tuesday, June 10, 2008

break muna tayo sa chem..

siguro pagod lang ang utak ko sa kaka-isip ng mga pwedeng reaction sa isang bagay na laging ginagamit sa mga laboratory pag kailangan ng indicator...

anyway, hindi chem ang topic ng blog na ito..


tungkol lang naman sa ginawa ko kanina noong physics lecture...


monday ng hapon kasi kami naka-uwi galing Cavite kasi galing kami ng outing (details about outing next time)... bottom line, hindi ako nakatulog noong outing, tapos ang aga pa ng pasok ko kinabukasan (which was today)... pagdating ko sa classroom, wala pa ang prof, so pwede pang pumikit ng onti.. pagdating niya, edi nag-lecture na siya.. tapos, as usual, may kapangyarihan si Sir na magpatulog ng umagang umaga.. usually, hindi ako nagiging biktima ng sobrang antok kay sir.. pero kanina, ibang kwento.. ang nangyari kasi, ang lecture niya was very obvious kung ano ang dapat mong approach dun sa problem.. ang inabangan ko na lang was kung bakit un ang ginamit niyang value eh wala naman siyang sinabing ganito ganyan (less details sa mga tinuturo kasi baka mag-nose bleed ang mga hindi mahilig sa math at physics)...

at some point, umpisa na ng bagong lecture, at tungkol naman ito sa handout na binigay niya last time nag-meet kami.. ang nangyari, binuksan ko na lang ang hand out ko at yumuko.. dahil mabigat ang mga mata ko, naisip kong pumikit habang naka-yuko anyway lahat ng sinasabi niya ay nasa hand out na... hindi ko namalayan, nagawa kong umidlip habang naglelecture si sir... pag-gising ko, nasa sample problems na siya, at last number pa.. kahit pa na hindi niya naman sinasagutan lahat ng sample problems, the fact na hindi ko narinig ang ibang problems is a problem kasi mamaya may kaabnormalan nanamang ginawa si sir na hindi direct substitution...

so anong nakakatuwa sa nangyari kanina?? simple lang... alam ng mga friends ko nung high school kung paano ako umasta pag may klase.. so most likely, dapat magreact ang mga naging kaklase ko nung high school sa ginawa ko...

sa mga hindi naman ako nakilala noong high school, ganito lang un kasimple... kahit gaano pa kaboring ang prof, kahit pa sleeping time ang tawag sa kanya, ang tanging dahilan ko lang para makatulog sa gitna ng lecture niya ay dahil masakit ang pakiramdam ko.. kanina, puyat lang un so hindi masama ang pakiramdam ko.. madalas na rin kasi ako nagiging puyat pero pag may klase naman ay kaya ko pang makinig ng maayos...

haaaaaaaaayy... oh well.. back to work.... @_@

takteng kape toh...

hyper ang katawan ko.. hindi ang utak..


kailangan magising ng utak ko!!!


hindi pa ako tapos sa isa kong report!! anong oras na!!! may pasok pa ako bukas ng 9am!!! pasukan na rin kaya dapat before 6:15 nakasakay na ako ng bus kung gusto ko pang maka-upo papuntang manila!!!


@_@



@_@



@_@



@_@



@_@



@_@



@_@



(epekto ng sobrang caffeine..)



@_@



@_@



@_@



@_@



@_@



@_@

Monday, June 9, 2008

T_T

nagsulat ako kanina ng ala-nobelang blog...

nawalan ng internet connection...

akala ko na-save man lang ng multiply bago nawala ang connection...


hindi pala...


T_T

Saturday, June 7, 2008

bwiset na condenser yan...

kagabi, usapan namin ni claudio na 8am ang kita-kita sa mapua bago pumunta ng bambang para maghanap ng condenser para sa aming quick fit.. dumating ako mga 8:15.. wala namang kaso pag mga 15 mins late at umagang umaga diba?? wag niyo na idahilan na hapon ako at dapat bago mag 8am andun na ako, dahil parehas kaming walang klase ngayong araw na ito...

8:30 na at wala pa ring text si claudio.. so tinext ko na rin xa.. ang sabi nya, nalate daw xa ng gising, tapos may pinapagawa pa sa kanya sa bahay so mga 10:30 pa raw xa makakarating.. so aun.. mga 10:15 na ako umalis ng mapua kasi sabi ni claud sa bambang na lang kami magkita.. pagdating ko naman dun, napakiramdaman kong matagal-tagal pa bago dumating si claudio.. so naglakad muna ako along bambang para maghanap ng mga may condenser.. minalas naman ako at lahat ng mga nakita kong may nakalagay na "laboratory equipment" ay hindi alam kung ano ang condenser or quickfit.. siguro kasi apparatus ang hanap ko at hindi equipment.. so, tinext ko na sina vryan at aldrin para magtanong kung saan nila nahanap ung store na merong condenser..

matapos ko marecieve ang reply ni aldrin, sabi ng esp ko na malapit na si claudio, so inabangan ko na ung mga jeep na dumadaan (assuming na galing siya ng lawton).. nang sinabi niya na nasa baba na siya ng station ng lrt, nagtaka ako kasi ako mismo nandun sa ilalim ng lrt station.. at dahil wla siya sa side ko, malamang nasa kabila siya..

matapos maglibot sa iba't iba pang mga tindahan ng mga laboratory apparatus (na sobrang onti lang) may nahanap na rin naman kami na may magandang offer sa condenser.. papunta na kami ng morayta area kasi may nihongo pa ako ng mga 2pm.. pero 12nn pa lang nun.. eh ayon sa lrt, mga 3 or 4 stations lang ang distance ng central and bambang, so naisip ko na lakarin na lang ang morayta.. hindi ko alam kung ano ang nakain ni claudio at nakisama siya sa trip ko.. aun, mga 20 mins lang ang lakad namin, dumating na kami sa recto..

so aun.. yan ang kwento ng aming condenser..

























oo nga pala, wala pang stock ung nakita naming tindahan, so babalik pa kami next week...