Warning: The use of the english language will be kept to a minimal in this blog.. Sorry Chloe.. :D
nung Lunes, nakuha ng interes ko ang balita na may ginawang kalokohan ang BBC para magalit nanaman ang mga Pilipino..
sa isang comedy show ng BBC na tinatawag nilang Harry and Paul, pinakita nila na ang mga Pilipino raw ay mga utu-utong mga pok-pok na nagtratrabaho bilang mga caregiver sa kanilang bansa..
sino ba naman ang hindi magagalit na Pilipino diba?? nagtratrabaho ka run kahit hindi mo kilala ang mga matatanda na may sakit, or ginagawa mo ang trabaho na dapat ang nanay ng mga bata ang gumagawa, or ikaw ang binabayaran nila para magluto't maglinis ng bahay nila, tapos ang igaganti ng isang kumpanya ng telebisyon sa iyo ay tatawagin kang utu-utong pok-pok..
una sa lahat, kung pinanood niyo ang iba pang scenes na nangyari after ng segment na tungkol sa pinay (kasi babae ang ginamit nila hindi lalake), makikita niyo na ginago rin nila ang US na isang tanga na wala na lang alam kundi purihin ang sariling bansa at tawagin nila ang sarili nila bilang pinaka-magaling na bansa sa buong mundo..
what's my point?? ang attack ng mga segment na pinakita nila is the stereotyped image na nabuo sa mind ng mga Ingles.. ang alam nila sa Pilipinas, isa tayong malaking bansa na binebenta ang sarili para lang mamuhay.. hindi ba totoo naman un?? marami namang Pilipino na nagsasakripisyo na iwanan ang kanilang mga mahal sa buhay para sa magandang kinabukasan.. ang ginamit lang nilang imahe ng mga Pinoy ay ang maruming imahe nito dahil akala nila matutuwa ang mga manonood nila rito..
so, nagpalabas ng isang bagay ang BBC na ang inakala nila ay matutuwa ang mga manonood nilang mga Ingles, pero ang nangyari rin ay nagalit ang mga manonood nilang Pinoy.. nainsulto raw sila kasi ang pinapakita ng segment ay lahat ng mga Pinoy ay mga utu-utong pok-pok.. hindi na raw sila nahiya at tayong mga Pilipino ang mga nagtratrabaho sa lugar nila para maalagaan ang kanilang mga matatanda..
ano nga ba ang dapat nating reaksyon sa ginawa ng BBC?? ang magalit dahil nilalait nanaman tayo ng mga malalaking bansa?? o tanggapin ang kritisismo na ginawa nila at gamitin ito para baguhin nanaman natin ang imahe na nakatatak sa mga dayuhan?? kung ako ang tatanungin, mas pipiliin kong tanggapin ang kritisismo.. dahil hindi naman talaga bago sa mga dayuhan ang manlait ng mga ibang bansa eh.. hanggang ngayon naman ay may mga racist na banat ang mga kano sa kanilang mga palabas.. yun nga lang, ang iba naman ay ginagawa yun para ipakita ang kwento ng mga pinapatamaan.. sa kaso natin, nilalait nila tayo..
so, ano ang gusto kong mangyari?? gusto kong mapanood ng lahat ng mga Juan Dela Cruz ang segment ng BBC tungkol sa atin at gusto ko rin na magising sila sa kahirapan at magbago na ng kanilang tingin sa buhay.. gusto ko rin na sa oras na magising sila sa katotohanan na maliit pa rin ang tingin ng mga ibang bansa sa atin, ay gawin nila itong inspirasyon para umahon na sila sa dagat ng kahirapan at ipalakas pa lalo ang ating bansa.. dahil hindi pwedeng aasa na lang tayo palagi sa gobyerno natin.. oo binoto natin sila para ahunin ang ating bansa, pero hindi nila tayo matutulungan kung hanggang boto na lang ang gagawin nating.. umpisa lamang ang pagboto.. pero walang magbabago kung hindi ikaw ang mag-uumpisang magbago..
petsa ng pag-umpisa ng blog: 10/7/2008
petsa ng pag-tapos ng blog: 10/9/2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment