kaka-uwi ko lang galing ng moa (well not really.. kanina pa ako nasa bahay.. ngaun lang ako ng blog)..
and so the story goes like this..
may niyaya akong kaibigan para mag-bowling/manood ng sine.. initially, ang balak ko kaming dalawa lang sana.. eh gusto niya magsama ng kaibigan, so sabi ko "sige magsama ka".. pero ako, wala talaga akong balak na magsama ng tao.. di baleng ma-op ako dun.. kaya ko naman mag-adapt in due time.. XD
so anyway, nauna kaming dumating ng niyaya ko kaysa dun sa mga sinama niyang mga kaibigan.. ung unang dumating sa mga niyaya niya, na-cultuer shock ako sa mga biruan nila.. kung sa mapua, ang mga babae nagiging barako, sila kung mag-biruan iisipin mo talaga mga tibo sila.. @_@
so aun, pagdating ng lahat ng mga niyaya niyang kaibigan, ako lang ang engineering.. sila mga nursing.. nose bleed ako sa lahat ng mga nursing terminologies nila.. ang naintindihan ko lang "N.R." (No Reaction.. XD)..
kumain kami sa Chef De Angelo.. pag kumain kau run, please lang, mag-ingat sa chicken wings nila.. dahil CHICKEN WINGS ang makikita niyo.. tapos, I would not recommend the garlic bread kasi mantikang lasang bawang lang ang natikman ko.. oo nga pala.. carbo overload ako nun kaya kahit na sabihin nilang "kain ka pa", hindi ko na magawa kasi busog na busog na ako.. pinag-sisisihan ko rin na kumain ako ng sandwich bago pumunta ng moa..
after kumain, mejo nag-lakad lakad kami ng onte kasi talagang busog kami.. ung isa pa naming kasama walang medyas na dala so bumili pa xa ng bago para lang maglaro kami ng bowling.. aun, second placer lang ako dahil ung nanalo may strike at isang spare.. ako wala.. @_@
after ng mga yan, tumambay kami sa Taste Temptation para uminom ng iced tea.. nagbigay pa nga sila ng free taste sa brownies nila siguro kasi sayang ung box na naka-labas.. binigay na lang sa amin.. after nun, umuwi na AKO kasi sila mag-iinuman pa raw.. hindi na nila ako sinama kasi raw hinahanap na ako sa bahay..
so, ano ang naging masaya sa lakad ko?? bukod sa katuwaan sa mga gutter-ball at near spares, may mga nangyari rin habang naglalakad kami..
actually dalawang beses ako naging parang "di nga, totoo ba ito?"
una, habang hinihintay ung bumibili ng medyas, nasa loob kami ng timezone para mang-gulo.. nung palabas na kami, kinuha niya ang kamay ko at hinila ako palabas.. dahil may humarang sa daan namin, napabitaw xa at napadikit sa kanyang kaibigan..
pangalawang naging reaksyon ko na "di nga, totoo ba ito?" ay ang pinaka-masayang isang segundo ng buhay ko.. "**** ******".. kung anu man yan, hindi ko na sasabihin.. ang masasabi ko lang "di nga? totoo ba ung narinig ko?".. sabay akbay siya sa akin..
ang saya ng p6 noh?? habang lumiliit ang radius, or kung lumalapit ka sa location ng resultant, lumalakas ang magnetic force, gravitational force, kahit ang electric force na rin.. pare-parehas lang naman sila ng formula eh.. lahat sila may r^-2 kaya habang lumiliit ang radius, lumalakas ang force.. un nga lang sa kaso ng mga magnets at kuryente, minsan may mga repulsive forces na nagpapahina sa mga attractive forces, hence, repulsion ang nangyayari sa dalawang bodies.. *insert blood stain here*
nung pauwi na ako, sinamahan nila ako hanggang may dumaan na bus papuntang fairview.. habang nasa bus, hindi ko alam ang nararamdaman ko.. may halong masaya at pagseselos (ata).. hindi ko alam kung makakayanan ko ang mga susunod na mga ganyan kung sakaling seryosohin ko na siya..
words of wisdom from sir Bong (prof ko sa mec 1): think 10 times before you act.. isip na man ako ng isip na parang melancholic na walang magawa sa bus.. at may conclusion na ako.. pero hindi ko na ilalagay dito.. bahala na kau sa mga puson ninyong sumasakit (alam yan ni claudio)..
ang pinaka-badtrip sa lakad na ito? wala kaming picture na kami lang.. T_T
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment