Sunday, October 19, 2008

maikli na lang ito.. kilala niyo na sa mga dati kong post ung mga prof ko ngaun eh..

lahat ng prof ko this term, naging prof ko na sa mga previous terms.. kaya mas malaking description siguro ang subject kaysa sa prof..

CHM285L - Physical Chemistry Laboratory 2.. sa subject na ito, gumagamit kami ng mga laboratory apparatus na sakop sa field ng Phy Chem 2.. so far, puro mga electrochemistry experiments pa lang ang nagagamit namin.. hindi ko pa alam kung ano pa ang ibang mga experiments namin, pero sa wakas naramdaman ko na rin ang "rotation of experiments" sa phy chem lab.. rotation kasi konti lang ang apparatus na available kaya hindi pwedeng sabay-sabay ang lahat ng mga estudyante kahit pa na 6 na lang kami sa buong klase na un (for chem students kasi ang Phy Chm lab na ito kaya 6 lang kami.. iba pa ang sa mga ChE kahit pareho lang ng mga experiments..).. prof ko rito?? si MMMM.. a.k.a. Prof. Marilen M. Martin.. ung isa niyang "M" ay ung maiden name ng mom niya (sabi ni kuya edison).. sana naman maganda ulit ang kalabasan ng grade ko sa kanya..

Mec201 - Mechanics 1.. take 2 na ako.. pero tanggap ko yun kasi ngayon mas naintindihan ko na ang mga lecture ni sir Bong (oo siya ulit ang prof ko).. alam ko na nga rin ang mga banat na sasabihin niya eh.. mula first day, sa resultant of concurrent forces, tapos sa equillibrium alam ko na ang magiging banat niya.. lahat ng intro ng mga jokes niya alam ko na ang punch line.. pati mga explanations niya sa mga bagay tulad ng ibig sabihin ng "pubic hair" alam ko na ang sagot.. narinig ko na nga ulit ung banat niyang "I'm a frustrated doctor. Veterinary Medicine".. anyway, since naging subject ko na ang mec 1, paki-refer na lang sa previous blog ko about my college profs kung ano ang pinag-aaralan namin dun..

CHE330 - Chemical Process Industry.. sa subject na ito, pinag-rereport kami ng prof tungkol sa mga industries.. from sulfuric acid, to soap and detergents, to liquid sosa, to industrial gases, to pulp and paper, to lime and cement, etc... B.S. reporting nga raw ito kasi wala kaming gagawin kundi mag-reporting.. sayang nga eh.. may nakakuha ng cement.. un pa man din ang forte ko nung Che Cal 3 kasi 95/100 ako sa quiz ng lime and cement.. XD prof namin dito si Engr. De Jesus ulit.. so basically, this particular subject should be easy to pass.. XD

CHE330L - Chemical Process Industry Laboratory.. ang lab na pinaka-tamad ako gumawa ng report.. sa first lab report na ginawa ko, mas panget pa yun kaysa sa mga lab report ko nung physics 4 kasi hindi ko talaga alam kung ano ang ididiscuss ko.. pero kung binibigay ni sir ang 50% ng aming grade sa final report dahil naglagay kami ng photocopy ng pds, edi wala na akong problema sa subject na ito bukod sa quizzes kasi hindi ko pa alam kung ano ang quiz na ipapa-gawa niya.. prof ko rin dito si sir De Jesus.. no further comments your honor..

sa mga nakapansin, nauna ang Phy Chem Lab kaysa sa Phy Chem Lec.. kasi, masaya ang prof ko rito.. kaya hinuli ko siya..

CHM280 - physical chemistry 2.. tackles on the components of a system (whether single, double, or triple components), electrochemistry, and chemical kinetics.. in short, properties nanaman ng mga substances on certain perspectives.. so far, papasok pa lang kami sa triple components, pero okay lang un kasi madali lang naman ang single and double components.. kailangan lang alam mo tumingin sa mga table.. prof ko rito si Sir Aguilar.. and needless to say, madali na nga ang phy chem, masaya pa ito dahil sa puksaan kay sir A.. XD

and finally.. ang pinaka-madugo kong subject this term:

CHE310 - Chemical Engineering Thermodynamics.. sa subject na ito, we deal with energy balances.. from kinetic, to potential, to heat, to work, to shaft work, o internal energy of all substances.. dinudugo ako rito kasi may mga problems na binigay sa libro na ang solution daw ay "trial and error" kaya hindi ko alam kung paano ko lalagyan ng approach ang problem.. makukuha ko naman ung mga equations na kailangan ko, pero hindi ko alam kung paano ko huhulaan na un ang tamang sagot.. sayang, hindi ko naaabutan si sir bungay.. xa dapat ang prof ko rito eh.. pero dahil nawala xa, binigay ang thermo 1 kay *drum roll...........................*


sir Aguilar!! XD XD XD XD XD

hay naku.. B.S. Aguilar na nga ako this term, B.S. De Jesus pa.. tapos major ako in Martin and Santos.. @_@

oi mga che-chm!! patulong naman sa experimental design para sa phy chem 2!! si ma'am martin ang prof namin so hindi na pwede ung mga biglaang mga proposal.. @_@




No comments: