well, it's not really blues as in nag-eemote ako ng mga problema ko sa peer advising.. actually, wala talaga akong problema sa peer advising.. pero matrabaho lang nangyari sa akin kahapon at nakalimutan ko xang i-blog dahil sa CPI (oo na Dannah, okay na..)..
anyway, 8am daw sabi ni ate may meeting with sir Mario.. late na ako nagising kaya nagmadali na lang ako.. buti na lang tama ang estimate ko kaya almost 7:40am pa ako nakarating ng Mapua.. un lang may mga lecheng mang-aagaw ng tambayan kaya sa canteen ako tumambay saglit..
8am na, at wala pang tao sa Peer Advising, so sumilip lang ako sa Dean's Office.. sakto, si Kuya Edison lang ang tao so naki-upo lang ako saglit.. nung sinabihan ko xa tungkol sa meeting, dali-dali xang lumabas ng Dean's Offics since wala pa naman ang Mga Dean.. well, actually pagliko namin sa kanto papuntang CSA (Center for Student Advising), sakto nandun si dean, pero okay lang naman ata sa kanya na umalis si kuya edision since wala atang kailangan na importante..
8:05 na dumating si ate, pero wala xang susi sa CSA, so nagpatawag pa kami ng guard na gaya ng dating guard nung may inatake ng epilepsy sa classroom namin, ay rumarampa xa papunta kung nasaan kami.. at last! nakapasok din kami! un lang wala pa rin si sir Mario, so hintay naman kami as if buhay namin ang nakataya sa meeting.. pero actually, midterm ko sa phy chem after nung meeting, so hindi ako maxadong nagtagal sa CSA..
after ng midterm sa phy chem, lunch break ko tapos balik CSA ng 1:30 para mag-balik bilang peer adviser.. bago ako pumunta ng CSA, nagpunta ako ng library para gumawa ng konting research para sa CPI, tapos lunch, tapos CSA na..
pagdating ko ng CSA, saglit lang ang hinintay ko, tapos may nagpaturo ng Chemical Equilibrium.. nagtatanong lang sila kung saan nang-galing ung mga values na kinopya nila mula sa prof nila, at the same time tinuruan ko na rin sila ng ibang mga techniques..
somewhere na patapos na ako sa lecture ko, dumating ang classmate ko sa mec kasi gusto niya mas maintindihan ang topic namin last meeting which was Equilibrium of Forces.. since ang tanong niya was only about paano ginawan ng analysis ang sample problem, tinuro ko ang parehas na tinuro ni sir.. hopefully maalala ko yan pagdating sa quiz..
anyway, habang nagtuturo ako ng mec, may isa pang dumating para magpaturo ulit ng chem, pero dahil nandun na si claudio, xa muna ang sumalo.. after ko magturo ng mec, naki-epal ako sa lecture ni claudio.. nang dumating sa point na hindi na niya alam ang lecture, sinalo ko na lang kasi naalala ko ung equation.. it turns out, lahat pala ng examples gusto niyang gawan ko ng solution.. buti na lang katatapos ko lang sa mga nauna sa kanya, so more or less alam ko ang mga naging topic ng lecture niya..
aun.. lahat ng mga nangyari sa peer advising, nangyari from 1:30 - 4:45.. napagod nila ako kasi dapat ang shift ko ay hanggang 3:00 lang, pero dahil may nangangailangan ng tulong, tinulungan ko na rin.. @_@
sana sa thursday ganun din ulit.. un lang hanggang 3pm na lang ako kasi may quiz pa ako sa CPI this thursday.. hahaha!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment