kanina, quiz namin sa CPI.. 3:00 ung klase namin nun..
around 12:20, dumating si claudio, at nagyaya mag-dota.. dahil may spare cash ako, at namimiss ko na rin magdota, naisipan ko ng "what the hell, good mood pa naman ako as of last night dahil feeling ko mataas ako sa mec" *insert typhoon here*
anyway, mula sa computer shop bumalik kami ng tambayan ng chemsoc, umalis agad si claud kasi marami pa xang gagawin.. break lang ung dota.. so, around 2:00 - 2:30 mejo inantok ako so sabi ko pikit lang ako tapos papasok ako ng CPI..
nagising ako halos 3:20 na.. hindi gumana ang aking biological clock na gumising kaagad!! dali-dali akong tumayo, kinuha ang bag ko, at dumeretso na sa rum namin.. buti na lang nasa pilot plant lang ung room namin, so hindi ako maxadong napagod pumunta sa room..
pagkahanap ko ng upuan, 3:30 na sa relos ko.. @_@... sabi ko "lugi! 30 minutes na silang nakapag-test!!".. pagtingin ko sa test paper, 1 problem, 1 flow chart, and 30 multiple choice items..
masarap ata matulog muna bago mag-exam.. kasi ang naging resulta ng aking pag-exam ay ganito:
1) alert ang isip ko sa pagpili ng mga sagot
2) nag-skip lang ako sa mga tanong na related sa mga pangalan ng mga processes
3) natapos ko ang exam after 30 minutes.. ^^
so, bakit naman unproven statement ang blog na ito?? last time na natulog ako sa lecture ni sir Medarlo, 95/100 ako.. this time na-late pa ako sa exam, at natulog lang ako at nag-dota bago nag-exam.. sana maganda ang kalalabasan ng exam ko sa CPI.. I'll know sa thursday.. ^^
singit ko lang ang mec.. kahapon kasi exam din namin dun.. bago mag-exam, nagkakandarapa kami ng mga klasmeyt ko sa Mec kasi hindi nila maintindihan ang concept ng moment.. ako naman bilang take-2, alam ko na ang lesson at mas naintindihan ko xa ngaun kaya nagawa ko naman silang turuan.. hopefully may natutunan sila sa akin kasi ibang info ang nabigay ko sa kanila.. akala ko kasi parehas na exam ang ibibigay ni sir.. isang number lang ang naging tama ko this time.. last quiz kasi tama ung mga likely na ibibigay niya eh..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment