Saturday, September 20, 2008

bago ko ilagay ang mga review ng mga movies.. update muna sa aking status sa mapua..

it's official.. manlilibre na ako sa mga dapat kong ilibre next term.. lumabas na kasi ang grades sa mymapua kaya nakita ko na ang lahat ng kasiyahan, kalungkutan, at kalokohan ng term na ito..

let's do this from lowest to highest.. para astig.. xD

Mec201 - Statics na lang para mabilis.. dahil ito ang inuna ko, sasabihin ko na, 5.00 ako.. tanggap ko ito kasi talaga namang mabababa ang quizzes ko.. akala ko lang mahahatak ng isa kong quiz na ang pakiramdam ko talaga ay pasado un.. pero hinde.. siguro dahil na rin sa nilagay ko sa isa sa mga plus points ay "think and act, act and fail, FAIL AND LEARN, LEARN AND SUCCEED".. oo sadya ang pagkabold ng mga yan.. pati na rin ang all caps.. para naman pumasok sa isip ko na kailangan ko na ng bagong motto in life.. pero okay na rin sa akin na bumagsak ako.. dahil tinuturuan na rin dapat ako ng leksyon na hindi lahat ng bagay ay kayang idaan sa swerte.. naubos na ata swerte ko after ng che cal 1.. so kailangan ko ulit mag-ipon for my future subjects.. buti na lang B.S. Aguilar ako next term.. ang kailangan ko na lang gawin ay wag isipin na "si sir A. naman yan eh, ipapasa niya ako".. hahaha.. as if naman mangyayari un.. pinag-hihirapan naman talaga ang mga grades kay sir A eh.. kahit pa kaya ko xa sa puksaan, ang kanyang 3 exams lang talaga ang katapat ko pagdating sa grades..

Math109 - Probability and Statistics.. akalain mo yan, bumait si sir Dela Cruz.. may nagtanong kasi dati "sir, ano po ang passing grade?".. may parang surprised look xa at sabay parang nakasmile na hindi ko maintindihan na sinasabing "sabihin ko na kaya?".. at sinabi nga niya.. "70% ang passing.. sabi ng math department, hindi ko sinabi un".. "eh sir ano passing sa inyo?" ang banat ng estudyanteng naunang magtanong.. "60, pwede pa maging 55".. akalin niyo un?.. THIS IS JEROME DELA CRUZ PEOPLE.. ANG TINATAWAG NILANG TERROR SA MATH DEPARTMENT.. so ano grade ko sa kanya, isang tumataginting na 3.00.. XD

happy na ako sa grade na yan.. pinag-hirapan ko ang grade na yan sa stat at marami pa akong natutunan sa stat.. ayaw ko na ng sure pass na prof.. nagiging relaxed ako masyado.. tignan niyo ang mec ko.. 5.00, sa 50% passing, na may sure 10% dahil lang sa formal every first meeting of the week..

CHE230 - Che Cal 3 na lang.. hay naku.. after ko magyabang na 95/100 ako sa cement, binawian ako ng 30/100 sa last quiz.. tuloy.. ang naging final grade ko ay 2.50.. siguro kung talagang naintindihan ko lang talaga ung lecture niya na un, at kung tama ang ginawa ko sa uera at sa sodium hydroxide reaction, baka 2.25 pa ako.. hahaha.. asa naman.. pero baka lang.. anung malay ko.. basta ang alam ko pasado ako.. next term, CPI na!!

CHM275L - physical chemistry 1 lab.. hay naku.. after ko makita ang mga pics na kinuha ni rumwald na answer key raw ng finals namin, natuwa ako at nakuha ko ang more than 50% ng finals.. ibig sabihin, hindi ako 7.00 sa lab.. XD nung nagsabi kanina si dannah na 2.00 na raw xa sa lab, at considering na saktong 50% ang nakuha niyang tamang sagot, naisip ko na baka pwede pa ako umabot ng 1.75.. un pala hinde.. 2.00 rin ako.. sayang.. akala ko matutuwa ako sa lab na ito.. oh well.. lumalapit na rin sa dati kong average sa lab.. kaso lang gen chem pa un so asa namang makukuha ko ulit ang average na ganun..

PHY140L - hay salamat! graduate na rin ako ng physics! base sa grado kong ito, either sakto lang ang nakuha kong score sa final exam na around 70% ang passing para makuha ang grade ko dito, or mataas talaga xa pero dahil 20% lang ang kayang ibigay ng finals ay hanggang dun lang talaga inabot ang grade ko.. sana sa mec ganito rin ang grade ko next term.. after ko makakuha ng 5.00 last term mula kay Baun.. 1.75 naman ako kay sir Dele.. hahaha!! kung ano ang grade ko sa kanya nung xa ang prof ko sa lec nung 50% pa ang passing ng physics, yun din ang grade ko sa lab na 70% naman ang passing.. siguro kung 50% un, 1.25 ako.. LOL.. asa.. pero okay na yan.. it proves na alam ko naman talaga ang nangyayari sa lab.. nayayari lang talaga ako sa mga quizzes kay sir Baun..

EE072 - circuits na lang para mabilis.. unahin ko muna ang prof, akalain mo un, tinupad niya usapan namin.. akala ko hindi ko na un makukuha kasi gagawin pang basis ay ang aming mga quizzes na parang seatwork lang kung pinakita mo ito sa ibang section.. tapos ang aming take home na madali lang dapat pero 1 lang ang nakakuha ng tama sa problem solving.. in the end.. tinupad niya pa rin ang usapan namin..

tawa kayo ha.. sira ulo ang prof ko rito eh.. isipin niyo un, 2 na nga lang ang klase niya, tapos bihira pa niya kami pasukan (Kevin Dagbay of the EE dept).. pero unlike Kevin, marunong xa tumupad ng usapan.. kaya ang grade ko sa kanya? ang aking pinaka-unang may epekto sa aking average na 1.00... LOL!!!

total units taken this term: 14
total units passed: 11
average for the term: 2.70

not bad for someone who got a 5 from a 3 unit course.. hahaha!!

next term, bawal ako bumagsak! papasa ako ng thermo! papasa ako ng phy chem 2! papasa ako ng CPI! papasa ako ng mec! at papasa ako ng eco! iiwanan ko na lang muna siguro ang phy chem 2 lab.. sabayan ko na lang si Sam or ung mga BCC pagdating ng panahon.. xD

No comments: