Thursday, September 18, 2008

I passed one, but failed another...

haay... kung saan ka naman sinuwerte sa prof, dun ka pa minalas na subject...

katitingin ko lang sa aking online curriculum sa mapua.. nagulat ako sa nakita ko..

passed ang aking prob stat... akalain mo nga naman, tinotoo ata ni sir jerome ang kanyang 60% passing grade..

pero ang mec ko, ibang usapan.. not taken ang nakalagay sa kanya.. ibig sabihin, bumagsak ako kahit pa 50% ang passing namin sa kanya..

kung sabagay, tanggap ko un.. marami akong mabababang quiz sa kanya, tapos hindi pa kumpleto lahat ng assignments ko sa kanya..

haay.. oh well.. looks like delayed ako sa dynamics.. sayang.. excited pa naman ako sa mga gumagalaw na forces.. mas natutuwa ako dun kaysa sa hindi gumagalaw eh.. weird noh? dun pa ako nadadalian eh mas mahirap dapat un..

ang physics lab ko naman, pasado na ako kasi bago pa kami nag-finals, nakita ko na ang aking above 70% average.. kaya ibig sabihin, kahit hindi ako nag-finals nung araw na un, 3.00 na ako sa physics lab..

ung EE ko rin nauna ko nang nakitang taken.. bahala na kung ano ang grade ko run.. basta alam ko pasado na ako run..

haay.. hindi na negligible ang aking bagsak.. 3 units na xa eh.. sana hatakin ng iba ko pang subjects ang 5.00 na yan..

oh well, ibig sabihin lang niyan, pagkakuha ko ng mec 1 next term, hindi na ako babagsak.. hahaha!! masteral ko na un eh.. mahirap nang maging doctorate dun.. baka tigilan ko pa ang aking engineering degree at maging chem na lang.. @_@ sayang nga lang ang mga ChE subjects ko (che cals 1 - 3, and soon to come na thermo)... pero hinde! hindi ako susuko sa mec!! tae! mec lang yan! hindi ibig sabihin na bagsak ako sa mec ay hindi na ako pwede maging engineer, ibig sabihin lang nun ay hindi ko lang talaga xa naintindihan this term.. siguro dahil na rin sa panget na sked na pang-gabi..

hay naku.. and to think katatapos ko lang manood ng j-drama.. nasira bigla ang momentum ko.. @_@

oh well.. mamaya pagkagising aral na ng nihongo.. may midterms pa ako sa sabado..

No comments: