Friday, September 19, 2008

sabi ng latest kong napanood na j-drama, w = lol.. so ito ang title ng blog ko.. "w"

wag niyo pansinin ung quotation mark.. hindi yan kasama sa title ng blog na ito.. w lang talaga ang title nito.. bakit? kasi gusto kong title sana ay lol.. pero para maiba, w na lang.. :D

wala lang.. natutuwa lang ako sa nakita ko kanina.. may 2 sulat na dumating sa bahay.. parehas galing sa prudential, parehas naka-address sa dad ko.. dahil mabait (daw) akong bata, nag-paalam muna ako sa dad ko kung pwede kong buksan ang sulat.. sa kanya naka-address eh.. so dapat siya ang magsasabi kung pwede kong buksan.. tinext ko xa mga 4pm un..

10pm na xa nagreply.. siguro kasi walang reception sa kung saan man xa ngayon sa Nepal, or baka dahil pinatay niya ung fon niya, or whatever, basta 10pm pa xa nagreply.. pero bago pa xa nagreply, nabuksan ko na ung mail niya kasi inisip ko baka nandun ung S.A.S. (scholar's admissions slip) ko.. tsamba, sabi ng dad ko okay lang daw buksan ko basta sabihan lang daw mom ko kung ano laman..

ung una kong nabuksan, ang sabi binayaran na raw ng prudential ang kailangan nilang bayaran for this term, kaya dapat raw bayaran namin ang share namin.. hindi ko na un pinapansin kasi umpisa pa lang ng term binabayaran ko na un.. refund na lang ang nakukuha namin mula sa prudential kasi dapat 100% scholar (daw) ako (minus mga failed subjects)...

ung isa, ang laman ay ang S.A.S. ko.. so ginupit ko na xa at tinago para sa susunod na pagpunta ko ng mapua, dala ko na xa..

so ano ang point ng blog na ito?? simple lang.. next term will be the 10th term na mag-aaral ako sa mapua.. for the past 9 terms, either pumunta ako ng prudential mismo para makuha ang aking S.A.S., or nagsusulat na lang ako dun sa master list ng OVPSA na isa akong prudential scholar.. dapat kasi, pinapadala sa mail ang S.A.S... the first 8 terms kasi, lumang address namin ang nasa record ng prudential kaya dun nila pinapadala siguro.. last term, ang dumating lang na sulat ay ang sulat na nagsasabing may utang pa raw kami sa maua na binayaran na namin nung umpisa ng term.. kaya ngayon, first time kong makatanggap ng S.A.S... na dapat pinapadala BAGO MATAPOS ANG FINALS WEEK.. EH KAILAN LANG DUMATING ANG MGA SULAT? KANINANG UMAGA.. @_@

so, pag gagawa na ako ng sched ko for the next term, tsaka ko na ipapakita ang S.A.S. ko sa OVPSA.. bale, late nanaman ako magbabayad kasi 1 araw bago maprocess ng computers ang S.A.S... hahaha.. as of this term, 4 units na ang bagsak ko.. plus 1 unit LFD, mahigit 5 units ang total nun.. sana maputol na ang series next term.. kasi pag ako ay bumagsak ulit next term, hihirit talaga ako sa parents ko ng 1 term pahinga..

No comments: