Thursday, September 11, 2008

oh well.. at least it's better than the taglish songs..

kahapon sa bus, habang nananahimik akong naka-upo at nakikinig ng radyo ng bus kahit na ayaw ko minsan ang mga kanta.. narinig ko nanaman ang isa sa mga kumakanta ng mga latest na national anthem ng Pilipinas na si David Cook... kaso lang, hindi niya mga kanta ang narinig ko kahapon..

nakarinig ako ng familiar na rhythm ng kanta na naisip ko kaagad na "uy! bubbly..".. pero nagulat ako at ang narinig kong boses ay kay David Cook! O_O

hindi pa nga ganun kaluma ang kanta ginawan na rin niya ng sarili niyang version ung kanta.. actually ang nagbago lang naman ay ang kumanta, pero everything else in the song remained the same..

ampness.. hindi ko alam kung matutuwa ako at si David ang kumanta, or mababanas kasi hindi bagay sa kanya ung kanta.. O_O

pag-uwi ko naman, habang nanonood ng t.v., naglilipat ako ng channels habang advertisements pa ang nakikita ko sa channel na pinapanood ko.. napadpad ako sa Disney Channel at nakarinig ako ng "We Rock!".. nung nag-register sa akin ung lyrics, binalikan ko ang Disney channel at nagulat ako sa nakita ko..

No, hindi ko nakita si David Cook.. pero gaya ng sinabi nina ate Hannah and ate Diana (Hi to you both!), Disney might make an asian version of the songs in Camp Rock.. and were they damn right..

una kong ikinagulat na nagkatotoo ang sinabi nilang Asian version ng kanta ng Camp Rock.. but what caught my attention was the lyrics.. hindi ko maintindihan!! alam niyo ba kung bakit? simple.. they changed the language.. I'm not sure pero the singers looked like Chinese.. so my assumption is that they made a chinese version of the song.. @_@

in fairness to language barrier, they made it sound the same.. to the point na ang naiintindihan ko na lang ay "We Rock! Camp Rock!".. other than that, everything was jibberish..

oh well.. at least it's better than the taglish songs.. :D

No comments: