warning: isang mahabang nobela ang mababasa mo rito.. baka mahilo ka pa kasi nag-umpisa ako ng english, tapos biglang tagalog sa may gitna hanggang sa dulo...
ang lahat ng nakasaad sa blog na ito ay nag-umpisa ng Sept. 6, 2008.. at natapos ng Sept. 7, 2008..
***
"Never judge the day by the weather".. At least, that's what I saw in a picture frame with this ancient hawaiian proverbs... but in my case, this did not apply to me last saturday..
what was supposed to be another half-day of photography with Rodney turned to a tekken-nba filled half-day at SM Manila.. we were supposed to meet at 9am at Mcdonalds Intramuros, but thanks to a certain someone who needed help with Che Cal 2, I told Rodney to meet me a bit later.. since that someone didn't bring any of the tables needed for energy balances, I only used whatever knowledge I had left in me as well as a photocopy of his classmates notes (Hi Bryan!)..
because of the dark clouds and high possibility of rain, Rodney and I decided to go to SM Manila and take pictures there.. but somewhere along the way we got attracted to Quantum because Rodney wanted to try Tekken 6.. but because of the large number of addicts watching, we decided to play the Tekken 5 Dark Ressurection instead.. It was fun watching.. but when a player wasn't using Asuka Kazama right I suddenly had the urge to play.. sadly, I failed to win the race to 3 wins.. but what I did realize when I was playing was that the joystick was broken (I think).. anyway, after finishing our tokens, we decided to play at Circuit City for more Tekken fun.. only this time it would only be the two of us (sa mga mabilis mag-isip, kung ayaw mo ng 2, sige.. 4 kami.. go figure..)...
after playing Tekken and NBA, it was almost time for my Nihongo class, so we parted ways at Morayta since Rodney still had classes later in the afternoon at UST.. after nihongo, I went back to Mapua because that's where I was supposed to meet the rest of the CCE's who were going to Janine's Debut..
dahil pagod na ako mag-english, tagalog naman.. dito na tumuloy ang kamalasan ng araw ko.. habang nasa fx, natataranta kami kasi hindi namin alam kung saan bababa.. ang naaalala lang namin ay sa shopwise kami bababa.. pero hindi namin alam kung ano ang tawag sa lugar sa shopwise.. so nagtext pa kami ng mga tao para lang malamang ang sasabihin namin sa driver ay "shopwise".. so nung sinabi na sa amin kung magkano ang isa papuntang shopwise, dinukot ko wallet ko na katabi ang cellphone kong walang battery.. pagbalik ko ng wallet ko, napansin kong wala sa bulsa ang cellphone ko.. so kinapa ko sa likod ko, at nalaman kong nasa likod ko xa.. pero biglang nahulog.. ang nasa isip ko "baka nahulog na xa sa ilalim ng upuan".. so hinintay ko na lang bumaba ung katabi ko bago ko tinignan sa ilalim ng upuan mismo kung nasaan ang cp ko.. nasa likod nga pala kami ng fx btw..
pagbaba ng katabi ko somewhere after ng airport, bumaba ako para tignan kung nasaan ang cp ko.. sa ikinagulat ko, wala sa ilalim ang cp ko.. tapos nakita ko na may butas ang fx sa may gulong.. kinain na kasi ng kalawang ang bakal doon, at ang tanging proteksyon ng mga tao sa gulong ay ang mud guard ng gulong na nakakabit sa kotse.. nung tumulong na ang driver para mag-hanap, nakita niya ang butas at nasabi niyang baka nahulog na un sa butas habang pumapasada.. eh huli kong naramdaman ang cp ko, nasa may roxas blvd pa kami nun.. T_T.. bye bye cp..
rewind muna tau.. habang hinihintay ang mga kasama kong papuntang Sucat para sa debut ni Janine.. nasa physics faculty room ako.. sinamahan ko si claudio doon kasi nakita ko siyang dumaan mula sa N313.. ako naman, galing ng consultation room ng Che-Chm department para kunin ang mga quizzes namin sa Che Cal mula sa pigeon hole.. anyway, back to the physics faculty room.. dun namatay ang phone ko, pero dahil naisip kong wala naman akong kausap sa sun bukod sa nanay ko at kapatid ko, at dahil marami akong kailangang kausapin sa globe, pinagpalit ko ang globe sim ko sa sun sim ko.. kasi ang isa kong fone kahit paano may battery pa.. kaya ang nawala sa akin ay contacts ko sa globe dahil nasa phone memory ko lahat, mga jokes, quotes, and saved messages magmula nung nakuha ko ang phone na un, ang P100 worth of games na kinuha ko sa gprs, at higit sa lahat, ang mga pics na pinag-kukuha ko since nakuha ko ang phone na un.. kasama na sa pics na un ang "mga huling araw sa dating tambayan ng ChemSoc"... T_T
back to the fx, na-bad trip na ako kasi hindi ko na makukuha ang fone ko.. so dinaan ko na lang sa mga biro ang badtrip ko.. nung nakita ko na ang SM Sucat, kinuha ko na ang neck tie ko at nilagay ko na sa sarili ko para naman mawala ang aking bagot.. nagpatulong pa si Edgie kasi hindi pa rin siya marunong kahit na nakaka-dalawang araw na kami sa Mec na kailangan ng necktie...
pagdating namin sa Max's Sucat.. natuwa ako kasi ang laki pala niya.. hindi siya tulad ng ibang mga Restaurant na makikita mo sa Manila kasi doon, may garden pa silang kasama and matching parking lot.. as in pwede ka pa ngang magpa-reception ng kasal doon sa laki ng pwesto nila..
8:15 na kami nakarating sa Max's.. akala namin late na kami.. pagdating namin dun, wala pang tao sa loob ng reception room, at onti pa lang ang mga taong dumating.. around 8:45 na ata dumating ang debutant pero hindi pa siya bihis nun.. so nadelay ang 8pm na debut.. nagstart na nga kami halos 10pm na nga ata eh.. nagsasabi na nga ako ng "ang internal energy ko bumababa" and "nagagalit na si Nathaniel".. xD
mga 1:30AM na ata natapos ang buong program.. ung after party dance, hindi ko na pinagtripan kasi sobrang aga na.. nakisabay ako kay Arvin Cudanin kasi xa ang kakilala ko sa HSM na alam kong pwede akong ampunin para sa gabi.. ayaw ko sana kina janine kasi baka puro babae lang ang makita ko run.. un pala may kasama naman palang mga lalake na ChE.. nung nalaman ko na, xur na ako kay Arvin kaya di na ako nakisama pa..
walang fx na dumadaan.. so nag jeep na lang kami papuntang baclaran.. somewhere along the way.. may 6 na sumakay.. isa sa kanila, lasing ng sobra.. buti ung kasama niyang babae hinde.. pero nakakatakot parin kasi kung anu anu ang pinagsasabi.. buti na lang bumaba sila bago mag-airport.. hindi ko ata kakayanin kung hanggang baclaran ko sila kasabay..
pagdating namin ng baclaran.. walang diretso ng espana.. so sumakay kami ng MCU at bumaba ng city hall.. pagdating sa city hall, akala namin wala na talagang dadaan ng espana kasi lahat ng dumadaan MCU.. sakto dumaan fairview.. pwede na sana akong umuwi! kaso lang, wala akong matutulugan kasi nagsabi ako na hindi ako matutulog sa bahay.. hahaha!
aun, bago tumuloy kina Arvin, bumili kami ng beer sa mini stop.. pamparelax lang sa haba ng araw.. tapos tulog.. nagising na kami mga 10am na.. buti na lang mabilis lang ang biyahe.. mga 10:40 ata nasa bahay na ako..
ngunit, hindi pa tapos ang kamalasan ko.. sarado ang bahay.. wala ang susi sa kung saan man ito dati tinatago pag umaalis ang mga tao.. so tumambay ako sa likod ng bahay kasi may upuan doon.. mga 12:30, nagutom ako, so pumunta ako ng jollibee.. paglabas ko ng bahay, lumabas ung kapitbahay namin at sinabing iniwan daw sa kanya ang susi ng bahay.. @_@.. aun, nakapasok na rin after ko bumili sa jollibee.. nasa mood ako mag-burger eh.. jollibee na lang kasi gusto ko subukan ung cheesy bacon mushroom.. ang akin lang, siguro kung mas maaga ko kinain ung burger, mas masarap un.. kasi hindi xa as expected na sarap eh.. mas gusto ko pa nga ung cheese and mushroom burger ng BK eh..
aun.. ngayon, tinapos ko na rin ang blog na ito.. dapat mga 6pm pa to lumabas.. eh ang daming factors na nangyari after ko gumamit ng pc.. so ngayon ko pa lang siya ipopost.. hahaha!! hanggang sa muli!! kung binabasa mo pa rin toh, masipag kang tao.. XD
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment