kahapon first class ko 9am.. dumating ako sa mapua ng 7:25.. kamusta naman diba?? inasaahan ko ang traffic, pero hindi ko inasaahan ang mabilis na daloy ng traffic sa kabilang kalsada kaya napa-aga ang dating ko sa mapua..
9am na, nasa classroom na ako for my thermodynamics 1 with sir A.. pagpasok niya, sabi niya "wait lang" and bumalik xa mga 20 minutes later.. inabot ang discussion namin ng 10am.. ang masama run, may meeting kaming kailangan puntahan ng 9:30 in preparation for the free day this november.. pagdating ko sa student center, hindi pa tapos ang meeting.. so nakinig na lang ako sa kung anu man ang gustong ikwento ni Doc Mateo.. after ng meeting, mga 10:30 na un, kaya hinanap ko na ang mga batchmates ko na nasa tambayan lang pala.. doon ay hinintay kong lumipas ang oras hanggang sa aking next class na 3:00.. @_@
around 12:45, bumaba na sina Bryan at Samuel para sabihing wala ang prof nila sa Che Cal 3 who is Sir Medarlo, so most likely wala rin kaming klase ng CPI sa kanya.. buti na lang pupunta kami sa may morayta para magpasukat ng aming mga jersey para sa intrams.. tapos after nun ay pupunta kami ng Mandaluyong para maglaro ng basketball... ang nangyari nga lang ay, umulan.. kaya pagdating namin sa Mandaluyong, basa ang court, kaya pinatuyo pa namin bago kami nakalaro..
nung kuntento na kami sa tuyo ng court, naglaro na kami ng 3-on-3.. dahil sa biglaan ang pag-imbita sa akin sa laro, ako ay naglaro ng walang dalang extra na damit, naka-pantalon, at naka-sandals lamang.. @_@.. ung iba naman naka tsinelas or sapatos.. pero ung mga naka-tsinelas, nag-yapak na rin lang kasi mas madaling gumalaw.. un nga lang masakit sa paa..
sa tagal naming maglaro, nakita namin ang aming mga strengths and weaknesses.. MAY SECRET WEAPON NA ANG CHEMSOC!! PERO HINDI KO SASABIHIN KUNG SINO!! ISA XANG ADIK SA PAGLARO NAMIN KAHAPON!! UNSTOPPABLE TALAGA!!
going back to the story, bumalik na kami sa bahay ni xti kasi sa may kanila kami naglaro.. nagulat kami at pinakain pa kami ng marmalade sandwich (na malaking tulong pag dehydrated ka) at juice na matabang (dapat lang kasi yun din naman ang formulation ng gatorade and such drinks)... pauwi, pinahiram pa ako ng shirt ni xti kasi wala nga akong extra.. buti na lang nagkasya ung shirt.. kay xti raw malaki maxado eh.. =P
pagdating ko sa bahay, kumain ako at naligo.. habang hinihintay ang tubig na mainit, humiga ako sa sofa.. at napa-isip ako bigla na "shet! baka hindi na ako makabangon nito!" kasi ang bigat ng pakiramdam ko.. after ko maligo, tulog na.. pero nag-email lang muna ako kasi may nangangailangan ng listahan ng HW sa Phy Chem 2..
so, kahapon pauwi, masakit ang paa ko kasi nga sandals lang ang ginamit ko sa laro.. ngayon, masakit ang aking forearms siguro dahil matagal na akong walang laro.. but like I said.. 疲れた けど とても 楽くなった (napagod man ako, sobrang nag-enjoy naman!)。。。 ^_^
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
итак: превосходно! а82ч
Post a Comment