Tuesday, October 14, 2008

and good morning to you too Manila City Hall!!

ordinarily, ang mga masayang oras na nangyayari sa akin sa bus ay nagaganap kapag ako ay pauwi na mula Mapua or Nihongo.. pero kanina, nangyari ito umagang-umaga..

hindi ko alam kung anong topak ko kaninang umaga.. siguro kasi bitin ang tulog ko, at para ako ay magising, uminom at nagbaon ako ng kape..

habang nasa bus, nagpaka-senti ako.. tahimik lang ako sa pinaka-likod ng bus, at nagsalita lang ako nung nagbayad ako sa kundoktor.. ang layo ng tinitignan ko.. parang may hinahanap..

pagdating ko ng city hall, hinabol ko ung pulang stop light para hindi na ako bababa ng underpass.. sakto, ang city hall, nagpapatugtog ng mga christmas songs kahit na gitna pa lang ng october..

eh ano ngayon kung may christmas song na pinapa-tugtog ang city hall?? kasi tinamaan ako.. hindi xa jingle bells or silent night.. isa itong kanta ni Jose Mari Chan.. at saktong sakto, narinig ko ang patamang lyrics.. "all I want for my Christmas is my wish to come true, ..."

bahala na kayo sa susunod na line.. basta un na un..

No comments: