Sunday, July 29, 2007

The Roller Coaster Ride...

This part of my life has always been in ups and downs..


mostly on the down parts...






and yet, no matter what I tried to do to make sure that it stays up







somehow, it tends to go down...






is it wrong to have a small talk with other people??







to others, maybe that is a crime...










but I will admit this, my stupidity will cost me another downhill trip on this side of the roller coaster...









at what point will it go back up again I don't know...











all I know is I'm going on a steep decline, and I'm still falling...










I was listening to my mp3 earlier today.. and I heard a certain portion of the song that made me feel the same...


"another day is going by I'm thinking about you all the time, and you're out there and I'm here waiting, and I wrote this letter in my head, cause so many things were left unsaid but now you're gone and I can't think straight, this could be the one last chance to make you understand, I'd do anything just to hold you in my arms, to try to make you laugh, cause somehow I can't put you in the past"


I'd continue the lyrics but I'd be sending the wrong message.. so here's my version of the next lines:


"I'd do anything, just to make your dreams come true, would you remember me? because I know I won't forget you..."





(To the jasmites reading: this is not her..
To the non-CCE batch '06 (except ariane) of Mapua: this is not her..)






I don't know when YOU will read this... but right now, that's how I feel... also, I may have an idea as to how you think of me about what I said.. I know, it looks bad... but there's more to me than you've known so far.. and if given the chance, I'd love to show them to you... if not, then the roller coaster will simply send me through a stage of robotic dolls until it decides to send me either lower or higher in this ride...

Monday, July 23, 2007

sa mga nakapansin...

oo, naglagay ako ng pics sa aking multiply...

this is the first of the few na ilalagay ko...


tinatamad pa kasi ako sa pics namin from banaue eh.. hehe

Thursday, July 19, 2007

college profs 2.1

yes!! sa wakas nandito na rin ang aking college profs for the new school year!!! hahahaha


game!!

Bio150 - this is just basic biology.. pero first day pa lang.. nalaman ko na na extinct na pala ang ilang bagay na nalaman ko sa biology noong high school.. dahil ito sa isang recent study tungkol sa mga bacteria noong unang panahon, kaya't nagkagulo na ang tinatawag kong flowchart of organisms.. :D

prof ko dito si sir Russell Julian.. at ayon sa mga naging students niya, mababa xa magbigay ng grade dahil ang mga genius naming batchmates ay nakakuha lang ng 2.0 sa kanya..


Bio150L - mga ginagawa lang sa lab na tungkol sa biology.. prof namin dito si sir Alvin Magpantay.. halatang hindi xa sanay magturo pero alam naman niya ang ginagawa niya pagdating sa laboratory..


Eng201 - this is English for the Workplace.. so ang topics namin will cover on the paths we took into choosing our career, and what do we do after college (i.e. resume writing).. prof ko si Dr. Marilou Dela Cruz.. naging prof ko xa nung eng101 when xa ang naging substitute namin while nasa honeymoon ang prof talaga namin..



Math106 - multivariable calculus (sabi ng mga hindi BS courses: *gush!! NOSEBLEED!!!)

oo may kahirapan ito kasi mas mataas na ito sa integral calculus.. pero ang ginagawa pa lang naman namin ay integrate.. kaya mukhang ang pinagkaiba lang nito ay ang mga iba't ibang values.. tulad ng multiple integrals, multiple differentiations, etc.

prof ko si ang tinatawag nilang si ma'am Lazaro.. at tinawag niyang matalino ang mga klasmeyt namin na naging estudyante nya last term kasi pumasa daw sila.. ibig sabihin dapat matalino ka para pumasa.. waaaaa!!!!!!



Phy110 - physics 1.. ang pag-aaralan lang naman namin dito ay mga vectors.. laws of motion, gravitation.. un lang.. [ahh mga araw noong High School.. diba Jasmites?? mga pinag-aralan natin sa physics ng 6 months... >:)]


prof ko si ma'am Tanawan.. apparently, dahil wala xa sa mga profs sa Mapua Intra, nagtuturo xa talaga sa Mapua Makati.. okay naman xa magturo.. kaso kung tratuhin niya kami, parang hindi kami engineers na hindi marunong umintindi ng trigo.. eh hindi kami makaka-abot ng physics pag wala kaming trigo..

Phy110L - lab ng physics 1.. mabait ang prof namin.. si ma'am Lozada ang prof namin eh.. mabait xa kasi lab lang naman yung ginagawa namin at marunong naman kami mag-alaga ng gamit.. xempre, karamihan ng nasa klase ay may ChE sa program.. huahahahahahahah!! mga marunong ata kami pumalit ng apparatii.. :D

Tuesday, July 17, 2007

hala!! halos isang buwan na ang last post ko..

haha.. update ko lang muna kayo..


ang aking profs for the term 2.1 ay hindi ko pa mailalabas dahil hindi ko pa kilala ang aking prof sa physics lab.. sa thursday ko pa un makikilala


hala!! paano yan?! ang average blogs ko in a month ay umaabot ng atleast 3 entries...



ayus lang siguro.. kwento ko na lang sa inyo ung aking magiging dag-dag na lessons for the sem...


bakit sem ang sinabi ko? dahil for 6 months, mag-aaral na rin ako ng nihonggo...


(huwat?! hapon ka tapos ngayon ka pa lang mag-aaaral ng nihonggo?!?!)



uu.. ganun talaga..



sige, mabilis lang ako dito kasi gagawa pa ako ng assignments sa multivariable calculus.. ayoko na ang mga araw na mababa ang mga gawa ko.. :D

Monday, June 18, 2007

bakit kaya?

hindi ko maintindihan, ang nilalaman ng puso ko ngayon
dahil nung mga oras na tumatawag ako, ay hindi niya sinasagot
tumatakbo ang isip ko sa mga dahilan kung ano ang nangyari
sa lugar na kinaroroonan, na malayo sa aking tahanan

minamalas lang talaga ako, dahil walang signal ang cellphone ko
sa network na kung saan ang araw ang buhay nito
sa kabila naman ay may signal, ngunit hindi siya unli rito
kaya ngayon, naguguluhan na ang isipan ko

hindi ko na alam ang aking gagawin, hindi ko na alam ang aking iisipin
bawat sandaling dumaraan, sumusulyap kung may mensaheng nakalaan
ginagawa ko na lamang ngayon, ang pampalipas oras na maaaring magawa
ngunit hindi ito sapat, dahil hinahanap parin kita

Saturday, June 16, 2007

Hindi ko alam kung binabasa mo blog ko pero kailangan ko lang talaga sabihin ito...

kanina nung tinext kita.. medyo badtrip pa ako nun kasi katatapos lang namin dun sa project namin, tapos may mga ka-grupo ako na may marami pang tanong..

umaga din naman kasi talaga ang usapan, kaso halos 3pm na rin kami nakapag-umpisa..

halos 3hrs akong naghintay ng mga tao dumating kaya naubos na siguro pasensya ko para sa araw na ito..

naging makasarili ako.. siguro dahil na rin sa lahat na lang ginawa ko para sa iba, at nag-hanap ako ng pwede ko sana makuha kaagad ng walang problema.. pero hindi mo ako pinagbigyan, at imbes na intindihin ko na lang ang nangyari, uminit lalo ang ulo ko..

hindi ka na nagrereply, at hindi mo rin sinasagot ang mga tawag ko.. siguro nga dapat lang sa akin yun dahil naging tanga ako..

kaya, nais ko lang sabihin sayo.. na mahal na mahal kita, at sana patawarin mo ako sa katangahan ko..

Wednesday, June 13, 2007

bakit kaya..

hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko...

dahil ba ito sa sadyang marunong siya sa lalake?

o dahil ba sa sinabi ni bob ong na "nagiging tao lang sila pag kausap mo sila"...

do I give the benefit of the doubt?? or do I forget the days of talking??

hindi applicable ang Che.r.ry sa akin eh... dahil hindi ako si yui sa kaso na ito...

(sa mga sira ulong alam kung sino si yui, ibig ko sabihin ako yung kumakanta...)

sa kaso na ito.. siya ngayon si yui, na kumakanta ng Che.r.ry...

at ako naman si Che.r.ry, na nag-iisip tungkol sa text...


pansin ko na nga eh... kung alam niya lang ang kantang ito.. malamang kinakanta na niya ito... "koishi chatannda, tabun kizuitenai desho"... ang problema, atashi ga kizuiteru dayo... demo kimochi wa zutto wakaranai..

public ang blog kaya hindi ko pwede ilabas ang lahat ng details na gusto ko pag-usapan... pero ganito lang yun... tama ba ang umibig ng dalawang taon ang agwat? hindi lamang sa edad... by next year okay lang siguro, pero ngayon, sa ginagawa niya ngayon, parang hindi maganda tignan eh...

a wise friend once told me, "develop your intuition, and you will have less problems to think about" (paraphrased yan)...
ang problema, the heart feeds the brain what it needs to think, and there is something called in Filipinos as Utang ng Loob... in this case utang ng lamang loob... (pinoy logic talaga oo)

let's look at this in another angle... ano ngayon kung hindi mukhang tama ang ginagawa ninyo?? mahal ka niya, mahal mo rin naman ata siya, anong problema doon?? go for gold na dapat diba??

hay ewan... bahalanar... love knows no boundaries (kahit nga si madam auring hindi binigyan ng boundary eh)

buhay talaga oo... kasing gulo ng integral calculus... pag naglagay ka ng kailangan i-integrate, minsan kailangan mo na lagyan ng techniques para integrable siya, at kailangan with respect pa rin sa differential variable mo... at pag hindi mo naman nakita ang pag-integrate sa kanya, yari ka...

mukhang tinapatan naman ako ng mga inverse functions eh.. dahil doon lang ako naguguluhan, kung paano ko siya makikita sa problem...

naku naman.. hilong-hilo talaga ako... dapat tapos na ako kaso marami pa akong gustong sabihin eh

ayoko tapusin ng bitin.. kaya tatapusin ko na lang ng isang mensahe para sa kanya (kahit hindi niya ito mabasa...)

para sa anghel na nagbigay liwanag sa puso ko, nung sinabi mo pa lang na mawawala ka, parang dedma lang ako dahil sabi mo may globe ka naman... pero pinapatay ako ng katahimikan... di baleng tahimik ka sa umaga't hapon kasi may klase...

pero ngayon, hindi ko alam... bawat text na dumarating sa fon ko, nais ko ay ikaw ang nagpadala nito...

ui, may nagtext, sa wakas ikaw na rin ito!! nabuhayan ako't natuwa, sana'y hindi ka na mawawala...