Sunday, December 23, 2007

waa!! wat a day!!

Dec 23, 2007... a day that I shouldn't forget... ininvite kami ng isang friend ni dad na alumnus ng ICU (International Christian University... hindi Intesive Care Unit)... actually, asawa ng friend ni dad ang nag-invite sa amin as a family... tatlo lang ata silang alumni ng ICU kasi ung isa ay kaibigan lang ata na kasama niya...

6pm sharp kami dumating (kasi 6pm daw ang kita-kita)... habang hinihintay ang iba, pinakitaan kami ng mga mind boggling puzzles that were bought from Indonesia... isang bilog, at isa ung parang rubix cube na naka-tali sa isa't-isa... ung bilog mabilis ko lang nakuha kasi alam ko na ang sikreto ng mga ganun... ung sa cube talaga kami nalibang kasi matagal ko na un nakikita, pero hindi ko pa rin un nakikitang nabuo... dumating na nga ang mga pag-kain, hindi ko pa rin natapos kahit pa na nakakain na ako...

habang kumakain, since wala masyadong appetite ang mom ko, nagmatigas siyang pilitin na tapusin... doon ko una nakita at one point na may nabuo siyang pattern na kailangan na lang ilipat ang isang square, tapos buo na ang cube... pero hindi pa rin siya namigay sa cube...

naka-inom na ako ng tsaa, tsaka ko lang nakuha ang "cube"... nagulat ako kasi lumuwag na ung mga smaller cubes sa isa't-isa... matapos kong tignan ng onti ang extended form, napa-isip ako ng onte tapos nagulat na lang ako na nagawa ko na!! OO PRAMIS NAGAWA KO!! sa mga hindi pa makapaniwala, paki puntahan lang ang multiply ng kapatid ko matapos mga bukas ng gabi... makikita nyo sa isa nyang album na may pic ako dun na pangit ang smile pero hawak ang nabuong cube... pramis po naka-tsamba ako kahapon dun sa cube na un... bakit tsamba?? kasi hindi ko na ulit magawa after ko i-extend ulit tapos subukang ibalik... T.T

pero at least, kahit pa na hindi ko pa nagawa, may surprise gift akong nakuha kasi ang sabi sa akin ng asawa ng kaibigan ng dad ko, pag natapos ko daw un, ibibigay niya daw sa akin un... since gusto niya ata itago muna ung "cube", bibigyan niya daw ako ng bago... hahaha!! di ko alam kung kelan ko pa un makukuha pero sigurado ako na hindi siya tatakbo sa usapang un... hapon un eh...


Saturday, December 15, 2007

another term, another term...

another term has passed and I have just seen that my grades are







tae! ba't pa ako nag-eenglish?!?!?! PASADO AKO SA LAHAT!!! WAHAHAHAHHA!!!! SALAMAT KAY SIR A KAHIT NA 2.75 LANG AKO!!! MARAHIL AY NAGBABA SIYA NG PASSING... SAYANG, SANA 2.5 NA LANG PARA MAS NARAMDAMAN KO ANG MGA SAGOT KO SA PAMUMUKSA NIYA!!! WAHAHAHAHAHA!!!!



NOOOOO!!!! SIRA NA ANG STREAK KO SA CHEM LAB!!!!! DATI LAGI AKONG 1.75!! NGAYON 2.00 LANG!!! NAGSISISI AKO AT NAGKAMALI AKO SA FINALS NAMIN NA NAPAKADALI!!!




MA'AM ALVISO!! MARAMING SALAMAT AT PINASA NIYO AKO!!! SINO NGA BA ANG GUMAWA NG FINALS?!?! NAUBOS ANG DUGO KO KAKAISIP NG SAGOT!!!





ayan, yan lang ang mga hinanakit ko sa term na ito... yung iba kasi tanggap ko ang mga grades ko... sana sa P6 3 ay mas mataas pa ang makuha ko... NYAHAHAHAHAHAHHAHAHA!!!!





sa mga chemsoc: sori at hindi ako nakapunta nung x-mas party... sa summer outing na lang!! (sana magbigay si Sir John ng plus sa pupunta sa summer... ^^)

Thursday, December 6, 2007

And so everything turned out okay...

kanina pag-gising ko, umaambon... sabi ko "syet! masamang pamahiin ito..." at nagkaroon nga ng mga masasamang nangyari ngayong araw na ito...

umaga pa lang, pumunta ako ng uste para ipasa ang application form ng kapatid ko... dumating ako ng uste mga 7:55, at dumeretso na ako papunta sa college of civil law... pagdating ko doon, wala ang mga pc na nandun nung batch ko, kaya't naisip kong sundin ang sinabi nung guard bago ako pumasok na "sa dulong building, kaliwa"...

pagdating doon, hindi ko alam kung sa student center ako papasok or sa malaking building... kaya't tumingin muna ako sa pangalan ng malaking building, at nakita ko ang "library", kaya't tinanong ko si isa pang manong guard kung saan ako magpapasa... ang sabi niya, dun daw sa student center...

pagpasok ko dun, sabi ko magpapasa ako ng application form, para lang malaman ko na 8:30 pa sila magbubukas ng opis, kaya't pinahintay lang muna ako sa lobby... marami rin ang mga parents na nandun kaya sabi ko "pagbukas ng opis, deretso ako dun agad"...

nagbukas sila ng saktong 8:30 (wow, hindi sila pinoy) at ako ang ika-limang nasa pila... ayos lang kasi nakita ko maraming pc... pagdating sa pila, ang naunang 3 ay hihingi lang daw ng form... mga hindi pa nakakarinig ng downloadable form ang mga parents na un... after ko mag-fill out ng form sa pc, ako ang unang nakapag-bayad kasi 2 ang pinasa ng parent na nauna sa akin... may mga 10mins pa bago lumabas ang test permit... pagtingin ko sa oras, bandang 8:45 na...

natrapik ako sa harap ng uste sa dami ng mga kotse na papuntang quiapo... mga 9:08 na sa cp ko nang dumating ako sa mapua... hinanap ko agad si ma'am Novida kasi siya daw ang kakausap kay sir Jimenez na payagan ako mag-exam ng maaga para sa plant visit namin... pero dahil hindi ko nakita si ma'am Novida, naisip kong ako na lang muna ang kaka-usap sa kanya... sakto pagkasabi ko ng dahilan kung bakit ko kailangan mag-exam ng maaga, dumating si ma'am Novida, at napilit niya si sir Jimenez na makuha ko agad ang exam... mejo late na ako nakapag-umpisa pero aus lang kasi nahirapan din ako sa exam kahit pa na open formulas...

after ko mag-exam, naghabol pa si Jenny kay ma'am Alviso na bukas na lang mag-exam para makasama rin xa sa visit... 11am na kami naka-alis ng mapua... habang nasa roxas blvd, nagtext si Denise na kailangan ko daw mabalik ang libro ng 2500 answered D.E. para masauli na niya sa library ng La Salle... sabi ko "tignan ko kung makaka-balik pa ako agad ng mapua"...

nang makita na namin ang SM Sucat, akala namin na may kalapitan na rin ang pupuntahan naming jollibee dahil nasa Sucat na kami... "ang sabi lang kasi sa amin, may jollibee sa kabilang side ng road... dun ang meeting place niyo"... kaya't habang nababagot sa biyahe ay naghahanap kami ng jollibee na nasa kabilang kalsada para sabihin sa driver "para"...

pagdating sa terminal ng fx, tsaka namin nakita ang jollibee namin... dahil hindi namin alam ang itsura ng tita ni janine na siyang sasalubong sa amin, kumain muna kami... sinuwerte ako sa isang laro namin ni Jenny na kung saan ay huhulaan namin ang order ni Claudio... sayang at walang pustahan... magkakapera nanaman sana ang bday boy mula sa mga kasama niya... ^^

nang nakita na rin kami ng tita ni Janine, dumeretso na kami papuntang Amspec para malaman kung kaya kami i-singit sa sched nila para tumingin-tingin sa planta... sa masamang palad, hindi kami naka-tingin kasi sa tuesday pa kami kaya i-singit... kaya't tinanggi na lang namin at kami'y umuwi na ng Manila...

mga 4pm na kami nakabalik ng manila, at wala si Denise sa mapua kasi nag-visit din sila... so naghintay na lang ako sa ChemSoc kasi hindi ko alam ang gagawin ko... buti na lang nandun ang laptop ni ate Boldi or else namatay na ako sa boredom... kahit pa na may games of the generals dun, hindi rin ako tatagal kasi susuko rin ang utak ko sa kaka-isip...

mga 6:40 na nakabalik si Denise, at dahil mukhang wala na kaming ibang mahanap na kasabay, umuwi na lang kami...

habang nasa bus, biglang tumama sa isip ko na ang lungkot pala ng buhay ko... oo masaya akong nag-aaral sa mapua kasi gusto ko ang cors ko, pero tumanda nanaman ako na walang lovelife bago mag bday... kaya't naisip kong magpalit muna ng sim para naman iba ang maka-usap... nagulat na lang ako at nagtext pala si kuya Jerome ng hapi bday... kya mejo gumaan ang pakiramdam ko kasi alam niya palang bday ko...nagtext din ang crush ko pero hapon pa yung time of arrival, kaya't nagparamdam na lang ako... hindi sya nagreply... (start logic here)

pagdating sa bahay, dahil nagpaluto ako ng gusto kong kainin, gumaan ulit ang pakiramdam ko kasi pagdating talaga sa pagkain, maaasahan ko talaga sarili ko sa pagpili ng masarap... ^^

mga 11pm na ako nakapag-bukas ng email ko, at nagulat ako sa dami ng nakuha kong comments mula sa iba't ibang kaibigan sa friendster... (end logic here)

ngayon, may quiz pa ako bukas sa D.E., at may finals pa ako sa AnaChem... may report pa kaming kailangan tapusin para sa Intro, sana, makaya namin ito...





sori kung mahaba ang entry... ang haba kasi ng araw na ito eh... hahaha

Thursday, November 29, 2007

Mapua Unplugged.. Nov. 29, 2007

ito ang araw na idineklarang "free day" para sa environment ng mapua... which is actually kind of pointless if para sa environment ang talagang balak nila... I'll get to that later... uunahin ko muna ung mga nangyari sa akin bago ang small problem na nangyayari pag gumagawa ka ng concerts for the environment...

nung umaga, dumating ako ng 7:30 sa mapua kasi gusto ko sana kunin ng maaga ang aking package "protect" stuff... eh ang sabi sa akin mamayang hapon na lang daw, "edi mamayang hapon na lang bago mag-p6" ang sabi ko sa sarili ko... kaso, late na nag-umpisa ang animal handling seminar na pinuntahan ko dahil ang tagal bago nag-umpisa ang opening ceremony ng aming "free day" for the environment... oo nga pala, may mga prof na nagbigay ng klase kahit ito ay freeday dahil sa dami ng mga suspension of classes na nangyari...

anyhow, nahirapan ako sa daga ko dun sa animal handling kasi sobrang kulit niya... ayaw niya tumigil sa kakagalaw... hindi siya napapakali pag hinahawakan siya sa kanyang loose skin at pinapakitaan ng syringe... kaya nahirapan ako sa karamihan ng experiment... buti nga mas kalmado na siya after ko makakuha ng dugo mula sa likod ng mata niya eh.. kaso onti rin lang ang nakuha ko so mahirap din...

oo nga pala... naging crime scene ang NW401 (ung lab na ginamit namin) kasi napatay ni kuya (aka CCE-4) ang daga ni ate Kringle... aun, maaga tuloy ang autopsy ng daga.. dapat sa huli un gagawin at dapat sedated lang ang muna ang daga para nakikita pa naming gumagalaw... si ate Boldi naman nandidiri sa pag-kuha ng dugo ng daga kasi naiisip niya ang sakit na pwedeng maramdaman ng daga kapag ginawa din un sa kanya (uu nga naman, although pwede kaming tamaan ng karma pag ginawa namin un, we do it dapat for science and not for our emotional issues)..

na-late ako sa p6 pero maaga rin siya nagpalabas at makukuha ko lang daw ang plus points ko kapag maaga akong pumasok sa tuesday (which is 100% possible kasi may klase ako ng 7:30 at wala akong balak kumain sa labas ng mapua pag tuesday)... simple lang naman ang tinuro niya tungkol sa fluids kasi nakuha ko na rin naman ung iba sa lab, pero at least alam ko ang mga expected na ilalabas ni sir...

habang nasa klase ni sir Jimenez, naka-tanggap ako ng text galing sa dad ko na may kalokohan nanaman sa makati at nang lumipas ang oras ay nalaman kong si Trillanes pala ang sira ulong gumawa ng coup de 'etat sa makati... tuloy, nagkaroon ng curfew (car-few sabi ng isang tao sa gym nung pinapa-madali niya si Ebe na umakyat sa stage) at nag-alinlangan ang ilang mga tao na umuwi kaagad para maka-abot sa 12:00 curfew...

nagkaroon ng fashion show sa west lobby na ang gagamiting mga materials ay mga basura or recyclable items ang majority of the clothes... representative ng ChemSoc sina Guccie at BCC-2 (note: hindi siya second year student... for more info, pls help us look for the "bond 007, the return of the comeback" and it will tell you all you need to know...

nanalo si Guccie bilang 2nd runner-up sa mga lalake... nung first place na para sa babae, sinisigaw ng chemsoc ang pangalan ni BCC-2 dahil gusto namin siya ang manalo... nang makita namin na ang HSM ang nanalo as first place, bitter ang ibang chemsoc at sinasabi na lang nila na "dinaan tayo sa red tide"... ako, hindi masyadong affected kasi mas nag-enjoy ako sa asaran ng chemsoc sa isa't-isa kaysa sa fashion show...

pagdating sa concert, late na kami pumasok ni Claudio kasi hindi naman namin inaasahang dumating kaagad ang mga bandang tutugtog... pero nagulat kami kasi may nasa stage na tapos hindi pa namin sila kilala... walang naka-kilala sa kanila at sobrang amateur nila kasi hindi sila marunong pumili ng song na kayang kantahin ng boses nila... nang umalis na sila, dumating si ate Cy na dating DJ ng campus radio... madami siyang palaro at papremyong binigay sa mga lalake, babae, binabae, at mga pekeng binabae na sumali sa pampalipas oras nila... dumating ang Treadstone at natuwa ang karamihan kasi sila pala ay kasali sa top 10 finalists sa Red Horse Musiklaban kaya puro rock talaga ang tinugtog nila... ang lakas pa magmura ng vocalist tungkol sa gobyerno kaya lalong natuwa ang mga tao... at higit sa lahat, may kawawang estudyante na sinundo ng mga magulang niya... anong masama dun? ang naglabas ng announcement ay ang vocalist ng treadstone kaya narinig ng lahat ng mga nasa gym... >:)

habang tumutugtog at nagmumura ang vocalist ng treadstone, naisip ko ang mga SLHS profs at ang mga pipol of high power sa mapua na nag-approve na tumugtog sila sa mapua dahil ang lakas magmura ng vocalist, at malamang ay hindi nila music ang tinutugtog nila... pero nagulat ako nang makita ko si ma'am Canlaz na nakikisama sa pag-enjoy ng music dahil ang pagkakatingin ko sa kanya ay hindi ganun klaseng rock ang gusto niya... oo panahon niya ang metallica, guns and roses, the beatles, and many more, na kahit iba't-ibang genre of music pa man yan, ay nasa side siya ng genre ng the beatles (base ito sa nasabi niya na gusto niya ang isang song ng the carpenters)...

nung dumating na rin sa wakas ang sugarfree, mejo masaya na ang mga tao kasi kaya pang matapos ang gabi bago mag-10 pm kasi hanggang 10pm na lang daw ang concert dahil sa curfew.. kahit bandang 9pm na sila kumanta, ayos na rin kasi napataas niya ang energy ng mapuans kasi sa bawat kanta ay sinisingit ni Ebe ang mapua sa tuwing makakaya niya or sa tuwing makakalimutan niya ang lyrics ng kanta... hahaha... aus na rin kasi mahirap mang-galing sa isa pang gig bago sa mapua... ang bamboo naman, hindi ko alam kung ganun lang talaga si bamboo kumanta or dahil nasira ang mood niya sa pumalpak na mic, pero nakita ko sa mata niya na naging bad-trip siya... kung ano ang dahilan, hindi ko alam...

nang makalabas na kami, nagmadali akong makasakay papuntang las pinas kasi baka maabutan ako ng curfew, awa ng diyos, okay pa ako hanggang nakarating sa bahay ni Sam para makagawa ng mga projects...

so, ano ang pointless na nangyari sa araw ng Unplugged?? una: we can assume na mas malakas ang consumption ng mapua sa kuryente pag may event dahil maraming mga electronic devices ang mula umaga ay naka-bukas na... pangalawa: humingi ang greenpeace sa mapuans to be of bigger help sa environment and sa ethics issues ng greenpeace which also involved GMO's... ang problema dun ay hindi mangangako dun ang mga biotech/biological engineering students dahil GMO talaga ang ginagawa nila... pangatlo: ang concert na naganap... hindi naman sa ayaw ko ng concerts, pero pag ang concert mo ay para sa environment, tapos meron kang lights, smoke machine, high-end speakers, and hundreds of students as audience, walang silbi yun kasi dumagdag ka lang ng CO2 sa atmosphere... which will enhance our problems with global warming...

Tuesday, November 27, 2007

Rock N Roll - The Brilliant Green

wala lang... natutuwa ako sa lyrics ng kanta...

Rock'n Roll

In my head this sweet music
Hope it stays with me forever
Blue horizon waiting, there's something for us there

In my heart my sweet baby
Hope I will have your love forever
Blue horizon waiting to take us somewhere

Babe, I'll paint the whole world just for you
In all your favorite shades of blue
I need music and you
I'll always love you baby
Just you and rock'n roll yeah

What will become of the world
Whatever happens, it don't matter
Blue horizon calling as stars are falling down

The music carries you and me
It takes us to where we want to go
And riding on i'ts wings we will get there don't you know

So baby it's one song sing it now
As sweet harmonies of love are coming through
I need music and you
I'll always love you baby yeah

So baby it's one song sing it now
As sweet harmonies of love are coming through
I need music and you
I'll always love you baby uh huh I need music and you
Yeah, just music and my baby too
I'll paint the world your favorite color blue
I'll always love you baby
Just you and rock'n roll yeah
Just you and rock'n roll yeah
Just you and rock'n roll yeah
Just you and rock'n roll yeah



Sunday, November 18, 2007

tama ba ang major mo??


WHAT MAJOR IS RIGHT FOR YOU?
created with QuizFarm.com
You scored as Biology/Chemistry/Geology

You should strongly consider majoring (or minoring) in Biology, Chemistry, Geology, or related majors (e.g., Biochemistry, Environmental Science, Forestry, Fisheries and Wildlife, Genetics, Marine Biology, Zoology).

It is possible that the best major for you is your 2nd, 3rd, or even 5th listed category, so be sure to consider ALL majors in your OTHER high scoring categories (below). You may score high in a category you didnt think you would--it is possible that a great major for you is something you once dismissed as not for you. The right major for you will be something 1) you love and enjoy and 2) are really great at it.

Consider adding a minor or double majoring to make yourself standout and to combine your interests. Please post your results in your myspace/blog/journal.

Biology/Chemistry/Geology

88%

Mathematics/Statistics

81%

French/Spanish/OtherLanguage

75%

Physics/Engineering/Computer

75%

Education/Counseling

75%

Religion/Theology

63%

HR/BusinessManagement

56%

Nursing/AthleticTraining/Health

50%

Visual&PerformingArts

44%

Psychology/Sociology

44%

History/Anthropology/LiberalArts

44%

Accounting/Finance/Marketing

44%

English/Journalism/Comm

38%

PoliticalScience/Philosophy

25%

Monday, November 12, 2007

walang bulletin board dito na katulad sa friendster kaya dito ko na lang ilalagay... =))

Make sure you read all the way down to the last sentence.

(Most importantly the last sentence)

There once was a little boy who had a bad temper. His Father gave him a bag of nails and told him that every time he lost his temper, he must hammer a nail into the back of the fence. The first day the boy had driven 37 nails into the fence. Over the next few weeks, as he learned to control his anger, the number of nails hammered daily gradually dwindled down. He discovered it was easier to hold his temper than to drive those nails into the fence. Finally the day came when the boy didn't lose his temper at all. He told his father about it and the father suggested that the boy now pull out one nail for each day that he was able to hold his temper. The days passed and the young boy was finally able to tell his father that all the nails were gone. The father took his son by the hand and led him to the fence. He said, "You have done well, my son, but look at the holes in the fence. The fence will never be the same. WHEN YOU SAY THINGS IN ANGER, THEY LEAVE A SCAR JUST LIKE THIS ONE. You can put a knife in a man and draw it out. It won't matter how many times you say I'm sorry, THE WOUND IS STILL THERE. " A verbal wound is as bad as a physical one.

Friends are very rare jewels, indeed. They make you smile and encourage you to succeed. They lend an ear, they share words of praise and they always want to open their hearts to us."

Show your friends how much you care. Send this to everyone you consider a FRIEND, even if it means sending it back to the person who sent it to you. If it comes back to you, then you'll know you have a circle of friends.

YOU ARE MY FRIEND AND I AM HONORED!

Now send this to every friend you have!!And to your family.

PLEASE FORGIVE ME IF I HAVE EVER LEFT A HOLE..

Sunday, November 11, 2007

It sucks to be a TINKER today...

today is the last day of the Che-Chm sportsfest 2007... pasok sa finals ng basketball and volleyball ang Che-Chm Tinkers... and here is their fate...

na-late dumating ang mga players ng volleyball kaya late na rin ang start ng games... pero dahil una ang laban ng PIChE and ChemSoc, nagawa pa nilang makahabol... since alam naman ng PIChE na hindi nila kayang tumapat sa competition sa volleyball, they played for fun and not to win (hindi tulad ng freshmen na nagback-out kasi feeling nila talo na rin sila..)... so, tinalo in 2 sets ang PIChE... pagdating sa laban nila sa TINKERS, nagagalit si kuya Renz kasi andaming wala sa team ng ChemSoc na dapat maglalaro... buti na lang at 5 sets ang finals kaya nakahabol pa ng unti-unti ang mga players... hindi ko rin sila masisisi kung bakit sila matagal kasi galing pala sila sa exams...

kinuha ng TINKERS ang first set with a score of 31-29... ganun katindi ang laban nila sa first set... pero hindi nagpatalo ang ChemSoc at kinuha nila ang second set... nag-alternate ulit ang TINKERS and ChemSoc sa next sets kaya 2-2 ang score nila... sa final set, minabuti ng ChemSoc ang kunin ang early lead, para matapos kaagad, pero nang magpalit na ng side ng court, minalas ang ChemSoc at nilampas nila ang score at ginawang 10-14... nagkaroon ng minor error ang TINKERS kaya naging 11-14 ang score, at ChemSoc na ang magseserve...

dito na pumapasok ang player of the set na si ate Gilda... ang lahat ng mga audience ay nakatayo na sa excitement dahil 2 years ago, champion ang ChemSoc sa volleyball, at gusto nila ituloy ang streak... sa bawat serve ni ate Gilda, nagkakamali ang TINKERS hanggang sa naging 14-14 ang score... hindi nagsawa si kuya Koko na sumigaw upang magbigay ng motivation kay ate Gilda... at dahil na rin sa carelessness ng TINKERS, nakamit ng ChemSoc ang kanilang hinahangad na championship sa volleyball (second na ata nila in 3 yrs dahil kay Happy na hindi nagpa-volleyball last year)...

bumawi naman ang TINKERS sa basketball dahil tinalo nila ang ChemSoc upang makapasok sa finals ng basketball, pero hindi naman kami nagpatalo dahil 7 points lang ang lamang nila, kung nanood ka sa game, masasabi mong kaya sana namin manalo, kaso, minalas lang talaga...

kwento ko muna ang ChemSoc bago ibalik sa TINKERS, natalo ang Drinkers sa PIChE sa basketball kaya't ang Drinkers ang nakalaban namin sa battle for third... dahil fresh lang ang Drinkers mula sa laban nila sa PIChE, minabuti na naming manalo... isa pa, kapag natalo ang ChemSoc, lahat ng players sa basketball ay required na sumali as a candidate to become Mr. Che-Chm... pero pag nanalo naman kami, si kuya Aldrich lang ang pipiliting sumali.. hahaha

anyway, tinalo namin ang Drinkers para makuha ang third place, at nanood kami ng final game para naman makita namin kung ano ang magiging fate ng TINKERS and PIChE...

close fight ang TINKERS and PIChE.. ni isa hindi nagpapatalo... pero nung 4th quarter, nag-umpisa nang manghina ang TINKERS kasi unti-unting na-iinjure ang mga players nila... sa last 15 seconds, lamang ang PIChE ng 1 point, 44-43 ang score... inbound nila, pero naagaw ng TINKERS... at inubos na lang ng TINKERS ang oras bago sila tumira... may nag-drive papunta sa loob, lay-up, akala namin pasok na, eh niluwa ng ring, rebound ng TINKERS, depensa agad PIChE, nag-ring na ang buzzer, at nanalo ang PIChE sa 2007 Che-Chm sportsfest sa basketball...

kita niyo ung irony na naramdaman ng TINKERS? nakapasok na nga sila sa 2 na finals, hindi nila nakuha ang championships... ang sakit sobra... kami mejo tanggap namin pagka-third namin kasi may mga araw na talagang wala kaming shooting... pero next year hindi na ganyan ang magiging standing namin... dapat higher na kami sa third place!! kailangan un!! wahahahahahhahahah!!!

Friday, November 9, 2007

ang sakit pala nun...

kanina.. analytic chem lab namin.. preparation and standardization of potassium permanganate (sa mga hindi nakaka-intindi, gumagawa lang kami ng solution ng isang chemical)... dapat, pati determination of CaO in limestone gagawin namin, kaso hindi kami naka-abot sa oras kasi nahilo kami sa paghanap ng malapit sa 0.02M na KMnO4 na un pala ay dapat malapit sa 0.05M (concentration po yan ng solution)...

mejo natuwa kami ng groupmate ko kasi kanina may kaklase kami na tinamad pumiga ng pamunas kaya pinagpag lang niya sa taas ng sink.. kaso, malapit sa sink ang mga beaker namin na may pina-init na distilled water.. syempre magagalit kami kasi pina-kulo namin yan para mawalan ng impurities tapos ganun lang ang gagawin niya sa pamunas.. eh wala siyang pake alam, so sabi ng groupmate ko "ano? tuluyan na natin!".. sabi ko naman "'wag na.. kakarmahin din yan"...

ilang minuto ang makalipas, may nagbulong sa akin na "nakabasag si ano ng thermometer".. natuwa ako kasi kinarma nga ang loko... dahil sa kalokohan niya, nakabasag tuloy siya ng thermometer.. mahal pa naman ung nabasag niya, so nakuntento ako sa nangyari.. nang lumamig na ang tubig namin, naisip bigla ng groupmate ko na "baka karmahin din tayo kasi pinagtawanan natin siya"... ako naman, sabi ko "baka nga.." kasi hindi naman talaga natin alam kung paano tumatakbo ang karma...

since tapos na kami sa experiment and calculations, binalik ko na ung mga gamit na hiniram namin na wala sa locker namin.. nung binalik ko ang mga gamit, ang sabi ni kuya "volumetric nasaan?".. so binalikan ko ang volumetric.. at pagbalik ko, nagulat ako dahil bigla niyang sinabi "ay! may breakage ka pala"...

nagulat ako kasi ang pinakita niya sa akin ay buret (basta apparatus yan)... natakot ako kasi ang never ako nagkaroon ng major breakage... last year, test tube lang ang binayaran ko, tapos ngayon nakabasag ako ng buret.. ang pinakita niya sa akin ay isang maliit na crack sa may mouth ng buret kung saan kami naglalagay ng funnel para lagyan siya ng acid... breakage na daw un kaya kailangan ko nang bayaran, pero sa akin na daw ang buret... P540 ang buret ko kasi made in china ung buret.. mura na un kasi ang alam ko nasa 2K ang mga buret...

huling nagbalik ng gamit ang nakabasag ng thermometer... gusto ko makita kung ano ang reaksyon niya sa mahal ng babayaran niya... mukha namang hindi siya masyadong tinamaan kasi ang nasa isip niya lang ay "bawas nanaman allowance ko"...

ako, first major breakage ko un kaya mejo nakaka-down ng pakiramdam... on the other hand, P960 ang thermometer kaya may pampasigla pa ako... hahaha ^^

Wednesday, October 24, 2007

A sad day for ChemSoc...

The Chemistry Society of Mapua is an organization composed of students who are taking up B.S. Chemistry, as well as other courses that touch the chemistry program (e.g. CCE, BCM, BCC)... They have a small domicile that was once located at the North Parking lot...


Oo.. ONCE ang sinabi ko... dahil as of today, hindi na doon ang domicile (tambayan) ng ChemSoc... inalis na kami doon para pagandahin ang GYM... para na rin daw un sa accreditation.. kaya simula ngayon, bawal na ang mga tambayan sa tabi ng gym... pakiramdam ng iba, parang kaming mga squatter na bigla na lang tinanggalan ng bahay at basta-basta na lang ililipat... sabi nila, dahil accredited organization naman kami, bibigyan kami ng bagong tambayan somewhere sa north building.. pero sa ngayon, wala pa kaming matutuluyan...


Haay nako.. on the other hand, magkakaroon ng meeting bukas tungkol sa appeal namin na manatili sa pwesto na yun.. pero duda akong ibibigay nila un...

Wednesday, October 17, 2007

College Profs 2.21

Dagdag ko lang...


Nakilala na namin si sir Dagbay... nakita ko rin siya sa rum ng mga Laboratory assistant kaya hindi ko alam kung Prof bound Lab assistant siya or batang prof na friends ang mga lab assistants... basta ang alam ko, madami rin siyang alam sa field of expertise nya... hindi ko lang alam kung isa siyang bs chem grad or bs bio grad...

Tuesday, October 2, 2007

Ratings... A Double Edged Sword...

Sa laban ng mga tv stations sa buong mundo, ito ang pinaka-malaking dahilan ng kanilang mga pag-aaway... ang ratings ang nagsasabi kung ito ay tinatangkilik ng mga manonood, mula sa mga variety shows, talk shows, local and foreign telenovela, cartoons, news, game shows, at mga fictional dramas, ratings ang pinaka-basehan ng paggiging #1 ng isang palabas...

Sa U.S., ang ABC network ay ang isa sa mga pinaka-malaking pangalan ng tv stations nila... sila ang naghatid sa atin ng mga kakaibang kwento ng fictional dramas tulad ng Nip/Tuck, Ugly Betty (mula sa Betty La Fea), at Desperate Housewives... ngayon, tinamaan na sila ng malas...

Kaninang umaga ko lang narinig mula sa isang local na early morning program na may kalokohan ang isang scene ng Desperate Housewives na nagdala ng pansin sa mga Pilipinong nanonood ng palabas na ito.. ang character daw ni Teri Hatcher ay binastos ang kalidad ng Pilipinas dahil sa ang sinabi niya ay tungkol sa galing ng medisina na tinuturo sa Pilipinas... maraming mga Pilipinong manonood nito ay nagalit dahil ilan sa mga doktor na nagtratrabaho sa U.S. ay mga Pilipino... nagagalit sila dahil daw sa lakas ng "racism" ng eksena...

bakit? akala niyo ba hindi pa rin tapos ang racism sa U.S.?? tumigil lang sila siguro sa mga negroid or mga dark skinned, pero hindi pa sila tapos sa ibang mga bansa... sa tuwing nanonood ako ng late night shows ng U.S., napapansin ko na hindi babastusin ng host ang mga amerikano, pero pag taga-ibang bansa ay gagawan niya ito ng punch line... ngunit ipinapa-alala ng palabas niya na sila ay isang late night comedy talk show, kaya't hindi dapat seryosohin ang mga banat niya...

ngayon, bakit naging double edged sword ang ratings??

dahil meron pang ibang palabas na may ginawang banat sa Pilipinas... pero marahil hindi ito napansin ng mga tao dahil:

una, humina ang ratings na nakukuha nila mula nang mawala ang kanilang mga magagandang mga palabas na nagdadala ng ratings..

at pangalawa, dahil si Gloria ang punch line nila... walang pumansin dahil si mada'am president lang naman daw ang joke nila...

Saturday, September 29, 2007

last day bago mag pasukan...

haay... matatapos na ang bakasyon ng mapua... kailangan na namin bumalik sa pag-aaral...

grabe ang bakasyon na ito... aaminin ko, hindi ako madalas sa Quiapo kahit na araw-araw ko yan dinadaanan... kaya, nagulat ako sa dami nga ng mga nagbebenta ng DVD... may mga mahal magbenta, may mga mura, may pc games, may installers, may anime, may mga drama (whether tsinovela, koreanovela, american drama, lahat meron sila...)

teka, bakit ko sinasabi yan eh malamang ang iba sa inyo ay madalas na rin naman pumunta doon di ba?? ganito kasi un, noong wednesday, napadaan kami sa Quiapo para tumingin ng mga anime.. bumili ako ng series ng Black Cat at season 1 ng School Rumble...

mula noon, un lang ang pinanood ko bukod sa mga kailangan kong mapanood tulad ng news, at mga ibang mga gusto kong mapanood na hindi anime...

next time ko na ilalagay ang opinion ko sa dalawang anime na yan...

so ano ang point ng blog na ito??

wala lang.. gusto ko lang magblog bago matapos ang break... hahahahahha

Thursday, September 27, 2007

waa!! eto ang sked ko for the 2nd term!!! NOOO!!!!!

My Schedule

MondayTuesdayWednesdayThursdayFridaySaturdaySunday
7:30 AM
CHM210L
A21
N406


CHM150
C21
NW302
CHM210L
A21
N406

9:00 AMMATH108
A2
W401
CHM210L
A21
N406
MATH108
A2
W401

MATH108
A2
W401
CHM210L
A21
N406

10:30 AMCHM210
B21
NW305
CHM210L
A21
N406
CHM210
B21
NW305

CHM210
B21
NW305
CHM210L
A21
N406

12:00 PM

PHY120L
B3
W312




1:30 PM
PHY120
B4
W306
PHY120L
B3
W312
PHY120
B4
W306
CHE200
B20
S201
Nihonggo
Elem1-B
R. Papa

3:00 PM

PHY120L
B3
W312


Nihonggo
Elem1-B
R. Papa

4:30 PM






6:00 PMCHM150
C21
NW302






7:30 PMCHM150
C21
NW302


saklap noh??

sa mga nagtataka... ung R. Papa ay street name sa may morayta... dun ako nag-aaaral ng nihonggo...

Sunday, September 23, 2007

ano ba ang meron sa panaginip? paano ba nananaginip ang tao??

ano nga ba ang meron sa panaginip?? bakit ba nananaginip ang tao??

sabi ng isang kanta na ginawa ng Disney para sa isa nilang movie, "A dream is a wish your heart makes when you're fast asleep"... ibig sabihin ba nun na kung ano ang nakikita mo sa panaginip mo, ay un ang hinihiling ng puso mo?? ang panaginip mo ba ang nagsasabi kung ano ang ikatutuwa ng puso mo??

bakit ko nga ba natanong ito?? at bakit naman ganitong oras kung saan marahil ay matutulog pa lang ako?? simple lang.. pinag-isipan ko ng mabuti kung ano ang ilalagay ko dito sa blog na ito...

kagabi kasi, or kaninang umaga na lang since kaninang madaling araw ako natulog... may panaginip ako... hindi ko man maalala ang eksaktong nilalaman ng panaginip ko, isa lang ang nasisiguro ko... nandun siya at nararamdaman ko sa panaginip na yun na mahal ko siya...

for my own personal reasons, hindi ko siya papangalanan dito dahil ang ilan sa mga nasa contacts ko sa multiply ay kilala siya... kausapin niyo na lang ako sa tamang oras kung gusto niyo malaman kung sino siya...

anyway, going back... bakit nga ba siya ang nasa panaginip ko?? eh madami pa namang ibang babae na pwedeng pumasok sa panaginip ko (walang malisya ha..)... bakit naman siya pa talaga??

pinipilit ba ng puso ko na siya dahil mahal ko pa rin siya?? kahit na matagal ko nang sinasabi na hindi kami pwede sa isa't-isa?? hay nako.. tignan ko muna kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw...

pero hindi pa rin nasasagot ang tanong ko... paano nga ba nananaginip ang tao?? ikaw, alam mo ba kung bakit??

Saturday, September 22, 2007

MUNTIK NA!!!!!

First Blood...







hindi gothic ang post na ito... nor is it about DOTA...






by blood, I mean the horrors of seeing a red marking on your report card (or yellow paper as I like to call it)






anyway... totoo nga na kapag nagpapasa ka daw sa prof na un ng mga hw/sw ay may chance ka pang pumasa... tulad ko, pinasa nya kahit ni isang quiz hindi ko nagawang ipasa...




pero hindi ibig sabihin nun na relax na ulit ako next term...




dahil may majoring na ako nun... Analytical Chemistry ang tawag dun, at mejo hilo ako sa topic na yan...






alam niyo ba kung ano ang Dementor?? Oo, ung sa Harry Potter... diba sabi nila, pag wizard ka daw, ay nakikita mo sila, at pag malapit sila sa inyo, ay mawawala ang lahat ng kasiyahan sa katawan mo...




yan ang naramdaman ko nung una kong na-isip na "ito na ang una kong bagsak sa buong buhay ko..."

daig pa ng pagiging single ang makakita ng 5.0 sa iyong malinis na record simula pa nung pagkabata mo...



kahit noong high school, hindi ako bumagsak... buti nga 76 ang nakuha kong lowest eh.. pero kahit pa na ganun, never ako bumagsak...





ngayon, term break, dito ako SBMA (Sa Bahay Muna Ako) hanggang enrollment... pero may mga pinupuntahan din... tulad kanina, foundation day ng japanese school ko, kaya may ginagawa pa rin ako kahit paano...




ngunit, hindi ito dahilan para hindi mag-aral... dahil may mga assignments pa rin ako na kailangan gawin sa nihonggo class ko...




dito na muna ang entry ko para sa school... baka ang isunod ko ay kung anu mang trip ko isulat tulad ng tula... :D

Sunday, September 2, 2007

hahahahah... late na post...

halos 1 week na pala nung umakyat ako ng bundok tapos ngayon ko pa lang ikukwento..


hahaha...



anyway...



aun, naka-akyat na ulit ako ng bundok!! long time no climb!!! hahah... swerte daw ang batch namin kasi good weather ang summit... kaya aun.. kahit inabutan kami ng ulap na makapal, ayos lang kasi masarap ang experience na umakyat ng summit ng walang pack sa likod mo na kung saan ay napaka-layo ng inyong campsite...


okay na rin un kasi marami kami kaya maganda na rin ung site namin...



nanjan na rin ang ibang mga pics ng climb... makalat ba?? nilinis din namin yan!! Leave No Trace nga eh...


un lang mahahalata pa rin na may nag-camping... pero at least hindi halata at first site...




Monday, August 20, 2007

The Good and the Bad

kanina, nanood ako ng news para malaman kung ano na ang gagawin nila sa darating na August 27.. dahil marami sa ating mga estudyante ang hindi pa rin nakaka-alam kung holiday na nga talaga sa 27... para sa mga nagbabasa ng blog ko na ito, paki sabi naman kung ano ang alam ninyo...


anyway, may narinig ako na news na ikinagulat ko ang nakalagay... ayon sa name ng news, "PGMA, inaprubahan ang pag-aaral ng Nuclear Power"...





una sa lahat, inaaway na nga natin ang NoKor dahil pinag-aaralan nila ang pag-gamit ng nuclear power tapos ngayon gusto mong pag-aralan natin itong posibilidad na ito??




para fair, maganda rin naman ang arguement ni DoE secretary Angelo Reyes... sabi nya, ang mga foreign investors daw ayaw sa Pilipinas kasi mahal tayo maningil ng kuryente... ang mabibigay daw ng Nuclear Power ay murang kuryente, at high-tech na mga gamit para sa Pilipinas...



uunlad ang Pilipinas sa kahirapan pagkatapos nating gamiting source of energy ang Nuclear Power...



kaso, marami din naman ibang murang alternatibong paraan upang makakuha ng kuryente...



hindi lang basta waterfall generators ang ibig kong sabihin...



dahil pwede rin naman tayong gumamit ng solar power dahil tayo ay nasa tropical climate...

pwede ring geothermal dahil marami tayong mga volcano...


marami pa tayong pwedeng kunan ng source of power eh...






again, ayon kay DoE secretary, pag-aaralan lang naman ang possibility... hindi daw dapat alisin ang Nuclear Power as an option...





kaya ano ang Good and Bad??



ang bad ay dahil nga sa pagsabak nating gumamit ng Nuclear Energy kahit na nakikisama tayo sa ibang mga bansa na pigilan ang NoKor sa paggamit nila nito...





at ano naman ang good na magagawa nito??





bukod sa murang kuryente, at pag-ahon sa teknolohiya...



































magkakaroon ng trabaho ang mga Chemical Engineers ng Pilipinas!!!!! =))


ang babaw noh?? pero di nga, bumababa na ang dami ng kumukuha ng ChE dahil ang alam ng mga tao ay wala silang makukuhang maganda dito.. puro na lang sila ECE, CE, CoE, at Architecture kasi yana ang alam nilang engineering na may kinabukasan...

Oo, yan ang mga engineering na siguradong may trabaho ka mula sa kasalukuyan hanggang sa hinaharap.. pero may pag-asa pa rin ang mga ChE sa ibang bansa dahil kung hindi dahil sa amin, hindi magkakaroon ng mga quality control managers sa mga bagay-bagay!!

Monday, August 13, 2007

6th week na pala!!!

hahahahah!!! natutuwa lang ako kasi hindi ko napansin na kalahati na pala ng term...



sa buong 1st midterm, 3 beses pa lang kami nagkikita sa biology class namin.. palibhasa kasi isang araw lang ang ginawang sched imbes na tatlo..

pero aus na rin kasi hindi pa sya naghahanap ng make-up class... parang alam niya yata na hindi nya kailangan kami turuan ng sobrang lalim tungkol sa biology kasi mga chemistry students naman kami eh...



anyway... un na lang muna.. nagpaparamdam lang na buhay pa rin ang blog ko.. :D

Sunday, August 5, 2007

ang malaking tanga.. *bow

ang galing galing ko talaga...



dati kasi, hindi ko alam kung paano ipalabas ang mga html, css, at other related stuff sa friendster ko nang hindi nagtatanggal ng cookies...


kanina ko lang nalaman kung paano...



galing noh??




ganun lang pala...




no lang pala ang sagut dun...





hayaan nyo...




dahil jan




gaganda na ang profile ko














sana.. ^^

Sunday, July 29, 2007

The Roller Coaster Ride...

This part of my life has always been in ups and downs..


mostly on the down parts...






and yet, no matter what I tried to do to make sure that it stays up







somehow, it tends to go down...






is it wrong to have a small talk with other people??







to others, maybe that is a crime...










but I will admit this, my stupidity will cost me another downhill trip on this side of the roller coaster...









at what point will it go back up again I don't know...











all I know is I'm going on a steep decline, and I'm still falling...










I was listening to my mp3 earlier today.. and I heard a certain portion of the song that made me feel the same...


"another day is going by I'm thinking about you all the time, and you're out there and I'm here waiting, and I wrote this letter in my head, cause so many things were left unsaid but now you're gone and I can't think straight, this could be the one last chance to make you understand, I'd do anything just to hold you in my arms, to try to make you laugh, cause somehow I can't put you in the past"


I'd continue the lyrics but I'd be sending the wrong message.. so here's my version of the next lines:


"I'd do anything, just to make your dreams come true, would you remember me? because I know I won't forget you..."





(To the jasmites reading: this is not her..
To the non-CCE batch '06 (except ariane) of Mapua: this is not her..)






I don't know when YOU will read this... but right now, that's how I feel... also, I may have an idea as to how you think of me about what I said.. I know, it looks bad... but there's more to me than you've known so far.. and if given the chance, I'd love to show them to you... if not, then the roller coaster will simply send me through a stage of robotic dolls until it decides to send me either lower or higher in this ride...

Monday, July 23, 2007

sa mga nakapansin...

oo, naglagay ako ng pics sa aking multiply...

this is the first of the few na ilalagay ko...


tinatamad pa kasi ako sa pics namin from banaue eh.. hehe

Thursday, July 19, 2007

college profs 2.1

yes!! sa wakas nandito na rin ang aking college profs for the new school year!!! hahahaha


game!!

Bio150 - this is just basic biology.. pero first day pa lang.. nalaman ko na na extinct na pala ang ilang bagay na nalaman ko sa biology noong high school.. dahil ito sa isang recent study tungkol sa mga bacteria noong unang panahon, kaya't nagkagulo na ang tinatawag kong flowchart of organisms.. :D

prof ko dito si sir Russell Julian.. at ayon sa mga naging students niya, mababa xa magbigay ng grade dahil ang mga genius naming batchmates ay nakakuha lang ng 2.0 sa kanya..


Bio150L - mga ginagawa lang sa lab na tungkol sa biology.. prof namin dito si sir Alvin Magpantay.. halatang hindi xa sanay magturo pero alam naman niya ang ginagawa niya pagdating sa laboratory..


Eng201 - this is English for the Workplace.. so ang topics namin will cover on the paths we took into choosing our career, and what do we do after college (i.e. resume writing).. prof ko si Dr. Marilou Dela Cruz.. naging prof ko xa nung eng101 when xa ang naging substitute namin while nasa honeymoon ang prof talaga namin..



Math106 - multivariable calculus (sabi ng mga hindi BS courses: *gush!! NOSEBLEED!!!)

oo may kahirapan ito kasi mas mataas na ito sa integral calculus.. pero ang ginagawa pa lang naman namin ay integrate.. kaya mukhang ang pinagkaiba lang nito ay ang mga iba't ibang values.. tulad ng multiple integrals, multiple differentiations, etc.

prof ko si ang tinatawag nilang si ma'am Lazaro.. at tinawag niyang matalino ang mga klasmeyt namin na naging estudyante nya last term kasi pumasa daw sila.. ibig sabihin dapat matalino ka para pumasa.. waaaaa!!!!!!



Phy110 - physics 1.. ang pag-aaralan lang naman namin dito ay mga vectors.. laws of motion, gravitation.. un lang.. [ahh mga araw noong High School.. diba Jasmites?? mga pinag-aralan natin sa physics ng 6 months... >:)]


prof ko si ma'am Tanawan.. apparently, dahil wala xa sa mga profs sa Mapua Intra, nagtuturo xa talaga sa Mapua Makati.. okay naman xa magturo.. kaso kung tratuhin niya kami, parang hindi kami engineers na hindi marunong umintindi ng trigo.. eh hindi kami makaka-abot ng physics pag wala kaming trigo..

Phy110L - lab ng physics 1.. mabait ang prof namin.. si ma'am Lozada ang prof namin eh.. mabait xa kasi lab lang naman yung ginagawa namin at marunong naman kami mag-alaga ng gamit.. xempre, karamihan ng nasa klase ay may ChE sa program.. huahahahahahahah!! mga marunong ata kami pumalit ng apparatii.. :D

Tuesday, July 17, 2007

hala!! halos isang buwan na ang last post ko..

haha.. update ko lang muna kayo..


ang aking profs for the term 2.1 ay hindi ko pa mailalabas dahil hindi ko pa kilala ang aking prof sa physics lab.. sa thursday ko pa un makikilala


hala!! paano yan?! ang average blogs ko in a month ay umaabot ng atleast 3 entries...



ayus lang siguro.. kwento ko na lang sa inyo ung aking magiging dag-dag na lessons for the sem...


bakit sem ang sinabi ko? dahil for 6 months, mag-aaral na rin ako ng nihonggo...


(huwat?! hapon ka tapos ngayon ka pa lang mag-aaaral ng nihonggo?!?!)



uu.. ganun talaga..



sige, mabilis lang ako dito kasi gagawa pa ako ng assignments sa multivariable calculus.. ayoko na ang mga araw na mababa ang mga gawa ko.. :D

Monday, June 18, 2007

bakit kaya?

hindi ko maintindihan, ang nilalaman ng puso ko ngayon
dahil nung mga oras na tumatawag ako, ay hindi niya sinasagot
tumatakbo ang isip ko sa mga dahilan kung ano ang nangyari
sa lugar na kinaroroonan, na malayo sa aking tahanan

minamalas lang talaga ako, dahil walang signal ang cellphone ko
sa network na kung saan ang araw ang buhay nito
sa kabila naman ay may signal, ngunit hindi siya unli rito
kaya ngayon, naguguluhan na ang isipan ko

hindi ko na alam ang aking gagawin, hindi ko na alam ang aking iisipin
bawat sandaling dumaraan, sumusulyap kung may mensaheng nakalaan
ginagawa ko na lamang ngayon, ang pampalipas oras na maaaring magawa
ngunit hindi ito sapat, dahil hinahanap parin kita

Saturday, June 16, 2007

Hindi ko alam kung binabasa mo blog ko pero kailangan ko lang talaga sabihin ito...

kanina nung tinext kita.. medyo badtrip pa ako nun kasi katatapos lang namin dun sa project namin, tapos may mga ka-grupo ako na may marami pang tanong..

umaga din naman kasi talaga ang usapan, kaso halos 3pm na rin kami nakapag-umpisa..

halos 3hrs akong naghintay ng mga tao dumating kaya naubos na siguro pasensya ko para sa araw na ito..

naging makasarili ako.. siguro dahil na rin sa lahat na lang ginawa ko para sa iba, at nag-hanap ako ng pwede ko sana makuha kaagad ng walang problema.. pero hindi mo ako pinagbigyan, at imbes na intindihin ko na lang ang nangyari, uminit lalo ang ulo ko..

hindi ka na nagrereply, at hindi mo rin sinasagot ang mga tawag ko.. siguro nga dapat lang sa akin yun dahil naging tanga ako..

kaya, nais ko lang sabihin sayo.. na mahal na mahal kita, at sana patawarin mo ako sa katangahan ko..

Wednesday, June 13, 2007

bakit kaya..

hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko...

dahil ba ito sa sadyang marunong siya sa lalake?

o dahil ba sa sinabi ni bob ong na "nagiging tao lang sila pag kausap mo sila"...

do I give the benefit of the doubt?? or do I forget the days of talking??

hindi applicable ang Che.r.ry sa akin eh... dahil hindi ako si yui sa kaso na ito...

(sa mga sira ulong alam kung sino si yui, ibig ko sabihin ako yung kumakanta...)

sa kaso na ito.. siya ngayon si yui, na kumakanta ng Che.r.ry...

at ako naman si Che.r.ry, na nag-iisip tungkol sa text...


pansin ko na nga eh... kung alam niya lang ang kantang ito.. malamang kinakanta na niya ito... "koishi chatannda, tabun kizuitenai desho"... ang problema, atashi ga kizuiteru dayo... demo kimochi wa zutto wakaranai..

public ang blog kaya hindi ko pwede ilabas ang lahat ng details na gusto ko pag-usapan... pero ganito lang yun... tama ba ang umibig ng dalawang taon ang agwat? hindi lamang sa edad... by next year okay lang siguro, pero ngayon, sa ginagawa niya ngayon, parang hindi maganda tignan eh...

a wise friend once told me, "develop your intuition, and you will have less problems to think about" (paraphrased yan)...
ang problema, the heart feeds the brain what it needs to think, and there is something called in Filipinos as Utang ng Loob... in this case utang ng lamang loob... (pinoy logic talaga oo)

let's look at this in another angle... ano ngayon kung hindi mukhang tama ang ginagawa ninyo?? mahal ka niya, mahal mo rin naman ata siya, anong problema doon?? go for gold na dapat diba??

hay ewan... bahalanar... love knows no boundaries (kahit nga si madam auring hindi binigyan ng boundary eh)

buhay talaga oo... kasing gulo ng integral calculus... pag naglagay ka ng kailangan i-integrate, minsan kailangan mo na lagyan ng techniques para integrable siya, at kailangan with respect pa rin sa differential variable mo... at pag hindi mo naman nakita ang pag-integrate sa kanya, yari ka...

mukhang tinapatan naman ako ng mga inverse functions eh.. dahil doon lang ako naguguluhan, kung paano ko siya makikita sa problem...

naku naman.. hilong-hilo talaga ako... dapat tapos na ako kaso marami pa akong gustong sabihin eh

ayoko tapusin ng bitin.. kaya tatapusin ko na lang ng isang mensahe para sa kanya (kahit hindi niya ito mabasa...)

para sa anghel na nagbigay liwanag sa puso ko, nung sinabi mo pa lang na mawawala ka, parang dedma lang ako dahil sabi mo may globe ka naman... pero pinapatay ako ng katahimikan... di baleng tahimik ka sa umaga't hapon kasi may klase...

pero ngayon, hindi ko alam... bawat text na dumarating sa fon ko, nais ko ay ikaw ang nagpadala nito...

ui, may nagtext, sa wakas ikaw na rin ito!! nabuhayan ako't natuwa, sana'y hindi ka na mawawala...

Saturday, June 9, 2007

hahaha

dapat malungkot ako nung ilalagay ko ang post na ito..

kaso may nakausap ako na friend bago ko mabuksan ang blogger ko...




kinausap ko siya tungkol sa nararamdaman ko nung mga sandaling iyon...




sa mga mabibilis ang isip, hindi ako nagtapat ng pag-ibig sa kanya dahil hindi naman siya yun...
para naman sa mga mapuans na mabilis din mag-isip pag nagbabasa ng blog ko, sasabihin ko na...

hindi ito si Irene...




anyway, kinausap ko siya tungkol sa "kanya"... itatago ko muna pangalan niya kasi hindi ko pa kaya ipagtapat sa kanya kasi taken na siya...


anyway, kinwento ko ang mga nasabi sa akin... and at the end of the conversation, lumuwag ang pakiramdam ko kasi there was a kind of aura of hope after...




haay... sana magkita na rin kami... para naman kahit paano ay maibsan ang nararamdaman ko...

Monday, June 4, 2007

Haay... June na..

naisip ko lang naman na gumawa ng entry ngayon since every month may post naman ako...


one week na simula nung sumali ako ng isang text clan ng mga sun subscribers na kung saan ay ang mga miyembro nito ay adik sa Silent Sanctuary, or at least yun ata ang requirement..



nung una tuwang-tuwa ako kasi karamihan pala ng mga members ay babae.. Yes! may mga makikilala ako!! Unli forever pa kaya txt lang ng txt!!! ang kaso, hindi lahat ay unli forever kaya minsan hindi sila nagtetext...





bilang isang mabait na tao, kinakausap ko ang mga clan members.. kahit pa maging lalake ito... since there is a common interest, then I can call you a friend.. :D



minsan may mga nagtetext na malungkot sila dahil sa ganito.. minsan may nagagalit dahil sa ganyan.. minsan tinatanong ako kung ano ang ibig sabihin nito dahil may nagsabi sa kanya na Hapon ako... lahat sila, kinakausap ko dahil kahit wala pang physical interaction, basta may common interest, friends na tayo.. pero friends in terms of acquaintances lang..





gaya ng ibang mga kultura, unique rin ang mga tao dito.. may mga mahina sa pag-ibig, may mga dinadaan sa galit ang nararamdaman, meron ding mga bata na hindi ko alam kung nakaranas na ng ganyan (sana hindi pa dahil bata pa sila masyado..)




siguro yan na lang muna.. baka masyadong marami ang masabi ko at magalit sila..

Friday, May 25, 2007

I'm curious...

bakit kaya ganun...


nawawala ang media box sa aking profile...


may nakaka-alam ba kung bakit??




hahaha... alam ko parang unusual na ganito ang posts ko... pero wala na ako maisip na idagdag eh...



hehe

Thursday, May 17, 2007

wala lang... drama ulit...

hindi ko kasi alam ang buong kanta, at wala ang lyrics nito sa net unless hindi lang talaga ako marunong maghanap... pero kinapa ko ang lyrics na ito mula sa youtube... :D

pasensya na kung puro na lang hapon ang nilalagay ko... wala na kasi akong mailagay na gawa ng pinoy eh... hindi naman sa sawa na ako sa OPM... pero pag nakita mo ang translations nito (either sa Music Station mismo, or maghanap ka ng marunong mag hapon), makikita mo ang talinhaga ng kanilang lyrics (naks! talinhaga!)... hehe..



Harukaze
by: Yuzu

Madou no soto wa tsumetai
Ame ga furi tsuzuiiteru
Boku wa sukoshi utsumuite
Kimi no koto omoi deshiteta

Konna koto
Naze ima boro ni natte
Mukashi no koto toshi ka
Omotteinai noni

Haru wo tsugeru
Kaze ga ima fuite
Azayaka ni kimi wo
Boku no naka utskushidasu

Kotoba ni
Soreba kowaresodesu
Dousureba kimi ni
Tsutaerareta no deshoka


Yake ni hikuku mieru
Sora no fukokoude kimi wa
Boku no konna kimochidanno
Shiruhazu mo naindarou

Mata kimi to
Dearu koto ga aru no nara
Kuuzen wo yosote
Surechiaeru darou

Kimi to
deaete yokatta
Imanara masuguni
Tsutaerare soudakara

Daishina kotoba wa
Imawa yami no naka
Tesaguri no kotaedake
Hitotsu migirishimete

Haru wo tsugeru
Kaze ga ima fuite
Azayaka ni kimi wo
Boku no naka utskushidasu

Kotoba ni
Soreba kowaresodesu
Dousureba kimi ni
Tsutaerareta no deshoka

Dousureba kimi ni
Tsutaerareta no deshoka

Monday, May 14, 2007

The Wit of Pinoys...

Nury Vittachi - THE FAR EASTERN ECONOMIC REVIEW


This week, we shall take a "reading tour" of one of the most spirited
communities in Asia . The Philippines is full of word play. The local
accent among many Filipinos, in which English words with "F" are
spelled and pronounced with the sound of "P" and V is pronounced as
"B" (because the Philippine alphabet has no letters F or V), is often
used very cleverly, such as, the sign in a flower shop in Diliman
called Petal Attraction.

Much of the word play in the Philippines is deliberate with retailers
and various businesses favouring a play on names of Western
establishments and celebrities (Americans, in particular-- -movie
stars and entertainment personalities, especially). For example, there
is a bread shop in Manila called Anita Bakery, a 24-hour restaurant
called Doris Day and Night, a garment shop called Elizabeth Tailoring,
and a barber shop called Felix The Cut.

Reader Robert Harland also spotted a bakery named Bread Pitt, and a
Makati fast-food place selling "maruya" (banana fritters) called
Maruya Carey. Then, there are Christopher Plumbing, and a boutique
called The Way We Wear ; a video rental shop called Leon King Video
Rental; a restaurant in the Cainta district of Rizal called Caintacky
Fried Chicken, a local burger restaurant called Mang Donald's, a
doughnut shop called MacDonuts , a shop selling "lumpia" (egg roll) in
Makati called Wrap and Roll, and two butcher shops called Meating
Place and Meatropolis .

Smart travellers can decipher what may look like baffling signs to
unaccustomed foreigners by simply sounding out the "Taglish" (the
Philippine version of English words spelled and pronounced with a
heavy Filipino accent), such as, at a restaurant menu in Cebu : "We
hab sopdrink in can an in batol" [translation: We have soft drinks in
can and in bottle]. Then, there is a sewing accessories shop called
Bids And Pises [translation: Beads and Pieces --or-- Bits and Pieces].

There are also many signs with either badly chosen or misspelled
words, but they are usually so entertaining that it would be a mistake
to "correct" them. A reader named Antonio "Tonyboy" Ramon T. Ongsiako,
(now there's a truly Filipino name), contributed the following
interesting Philippine signs and advertisements:

In a restaurant in Baguio City (the "summer capital" of the
Philippines ): "Wanted: Boy Waitress"; on a highway in Pampanga: "We
Make Modern Antique Furniture ;" on the window of a photography shop
in Cabanatuan : "We Shoot You While You Wait;" and on the glass front
of a cafe in Panay Avenue in Manila : "Wanted: Waiter, Cashier, Washier."

Some of the notices can even give a wrong impression, such as, a shoe
store in Pangasinan which has a sign saying: "We Sell Imported Robber
Shoes" (these could be the "sneakiest" sneakers); and a rental
property sign in Jaro, Iloilo reads: "House For Rent, Fully Furnaced"
(it must really be hot inside)!

Occasionally, one could come across signs that are truly unique--if
not altogether odd. Reader Gunilla Edlund submitted a sign that she
saw at the ticket booth in the ferry pier in Davao City in southern
Philippines , which said: "Adults: 1 peso; Child: 50 centavos;
Cadavers: fare subject to negotiation. "

European tourists may also be intrigued to discover two competing
shops selling hopia (a Chinese pastry) called Holland Hopia and Poland
Hopia, which are owned and operated by two local Chinese
entrepreneurs, Mr. Ho and Mr. Po respectively- -(believe it or not)!

According to Manila businessman, Tonyboy Ongsiako, there is so much
wit in the Philippines because ". . .we are a country where a good
sense of humour is needed to survive. We have a 24-hour comedy show
here called the government and a huge reserve of comedians made up
mostly of politicians and retiring actors.

Sunday, May 6, 2007

Dahil Wala pa rin ang Bond 007...

Nais kong humingi ng paumanhin sa mga na-galit sa akin dahil ako ang naglagay ng unang kanta sa bond ng naka-hapon... sinundan man ito ni kuya Sonny, nilagyan naman niya ng translations after... ako kasi hanggang ngayon hindi pa...

may dahilan kasi ako doon... minsan kasi binabasa niya ang bond... at marami na rin ang nakakakilala sa akin doon... shy pa naman ako kaya gusto ko parang hidden message ang laman ng post ko na yun... buti na lang si kuya Sonny lang ang may pinaka-malapit na alam sa nilagay ko... hehe...

tama na yan...

maglalagay ulit ako ng lyrics na naka-hapon...

CHE.R.RY

By: Yui

Te no hira de furueta
Sore ga chiisa na yuuki ni natte itanda
Emoji wa nigate datta
Dakedo kimi kara dattara
Wakuwaku shichau

Henji wa sugu ni shicha dame datte
Dareka ni kiita koto aru kedo
Kakehiki nante deki nai no

...Suki na no yo ah ah ah ah

Koishi chattanda
Tabun kizuite nai deshou?
Hoshi no yoru negai komete CHE.R.RY
Yubisaki de okuru kimi he no messeji

Sakura ga saite iru
Kono heya kara mieteru keshiki wo zenbu
Ima kimi ga kanjita sekai to
Juubyou tori kaete morau yori

Honno ichigyou demo kamawa nain da
Kimi kara no kotoba ga hoshiinda
Uso demo shinji tsudukerareru no

...Suki dakara ah ah ah ah

Koishi chattanda
Tabun kizuite nai deshou?
Hoshi no yoru negai komete CHE.R.RY
Yubisaki de okuru kimi he no messeji

Amaku naru kajitsu ga ii no
Nanigenai kaiwa kara sodatetai
ah ah ah ah

Koi no hajimari
Mune ga kyun to semaku naru
Itsumademo matte iru kara
Haru no tsumetai yokaze ni azukete messeji

Koishi chattanda
Tabun kizuite nai deshou?
Hoshi no yoru negai komete CHE.R.RY
Yubisaki de okuru kimi he no messeji


Tuesday, May 1, 2007

Ang mga palpak na Engineer... (Bow)

Oo... alam ko may mga engineer na nagbabasa ng blog ko o di kaya ay tulad ko na future engineer... kung hindi man ay Mapuan ka kaya parang engineer ka na rin...

anyway... bakit yan ang title ko?? simple lang... ikukwento ko muna ang nangyari... :D





April 30, 2007... pumunta ako at ng mom ko ng NAIA Centinnial Airport para sunduin ang kapatid ko na galing Japan... dumaan kami sa may C5 para maka-iwas sa EDSA...

Sarap na sarap ako sa biyahe ko dahil hindi masama ang traffic... gumagalaw naman kahit sa mga lugar na usually mabagal... 12:30 na noon at hindi pa ako nakakapag-tanghalian kaya dumaan kami sa jollibee para mag drive-thru... pag-akyat ng tulay, nakita na namin ang Pasig City area... tuloy-tuloy lang kami... dumating na kami sa may Pasig Bridge... sa umpisa okay lang ang daloy ng traffic kaya sabi ng mom ko akyat na lang kami... nung pababa na, hindi ko napansin na masyado akong nakatingin sa dulo at hindi sa harapan ko... nung sinabi ng mom ko na mabilis, nilakasan ko ang preno dahil muntik na namin mabangga ang nasa harap na Altis... muntik lang dahil malaki pa naman ang agwat namin para ako ay makapag-diskarte kung sakaling tumigil siya ng hindi oras... tuloy-tuloy na kami at malapit na sa kalayaan ave., nang tumigil ako, biglang lumabas ang isang MMDA at tinawag ako... ang sabi niya sa akin, "tumingin ka sa likod mo... diba ikaw lang ang gumalaw? tingin ka sa taas, may stop light doon, naka-pula tapos ikaw lang ang gumalaw..." PU!@#$%^&*!!!! HINDI LANG AKO BEATING THE RED LIGHT!!! TALAGANG GUMALAW AKO SA RED LIGHT!!! HINDI KO AGAD NA KITA ANG STOPLIGHT DAHIL HINAHARANGAN SIYA NG ISANG OVERPASS!!! naki-usap kami sa MMDA kasi nagmamadali kami at may narating naman kami na "USAPAN"... nang paalis na kami, nagtanong nanay ko kung saan pwede ireklamo ang stop light na nagtatago... ang sabi ng MMDA, "ireklamo niyo ho iyan sa Engineering namin... sila ang naglagay niyan diyan eh"...

Ayan, Engineer daw ang dahilan kung bakit hindi makita ang stop light... matanong ko lang, tama ba na gawan ng stop light ang isang U-turn slot?? kasi stop light ng isang U-turn slot ang nagtatago sa likod ng overpass eh... at isa pa, kaya raw may MMDA doon kasi marami raw ang hindi nakakakita ng stop light... baka raw ma-aksidente ang mga tao... ma-aksidente o makukurakot?? either way, nandoon si manong upang maningil, kunin ang lisensya, at sabihing mag-seminar ka doon sa kanila...

Bahalanar... (Future) Chemical Engineer ako kaya hindi ko kasalanan ang maglagay ng stop light sa likod ng overpass... on the other hand, mabait naman si manong MMDA kasi binalaan pa niya kami doon sa mga iba pang nagtatagong stop light, at hindi niya siningil ang nanay ko dahil wala siyang seatbelt... hehehe

Friday, April 27, 2007

College Profs Version 1.4

hahaha!! sa wakas ilalagay ko na rin ang aking mga profs for the last term of my freshman year!!!


hahahaha!!!



game!! heto na!!!




NSTP104 - si Ma'am Joyce Buluran ang namin dito... basta gumagawa ka okay na sa kanya... mataas na ang makukuha mo... math department talaga siya pero gaya ng lahat ng mga naging prof ko sa nstp, lagi silang kumukuha ng prof sa iba't ibang department sa mapua...

PE104 - dito naman ang nakuha ko ay si Sir Kalaw... siya yung tinatawag namin na masipag pero kahit na totoo yun, masaya naman siyang prof... malaks sa jokes, nakakatuwa, at least napapasaya niya ang klase kahit na 4 lang ang babae...

Eng102 - si Ma'am Alfaro ang nakuha namin... although she knows her english and nagpapakita naman siya ng signs na ayaw niya ang nagbabagsak, masyado siyang masipag at masunurin sa minamahal nilang syllabus...

Rzl101 - ayon sa Republic Act 1425, kailangan ng lahat ng mga estudyante ang mapag-aralan ang buhay ni Rizal at ang kanyang mga sinulat... mula sa kanyang pagkabata, hanggang sa kanyang pagkamatay... ang nakuha naming prof dito ay si Dr. Melba Bergado... hindi ko maintindhan kung mood swings ang meron siya or kung sadyang ganun ang kanyang teaching style... dahil sa umpisa kalmado siya, tapos lalakas ang boses, magagalit bigla, biglang ngingiti, basta magulo... one time, nilalait niya ang mga hapon dahil akala mo raw nirerespeto ka nila dahil sa pag-bow... tapos ang nasa isip daw nila "bili ka toyota", "akin na pera mo"... nyemas.. parang walang hapon sa classroom noon... tapos, sa isa pang meeting, sinabi niya na iba ang mga hapon, dahil "The Japanese are very disciplined people, what the emperor says, everyone follows"... wow, may hapon na sa kwarto at nakarinig ata na may nainis... :D haha... ang masaklap lang sa klase ko sa Rizal, favorite ata ako ni ma'am dahil sa aking pangalan, walang araw na hindi niya ako tinawag... siguro ito ang buhay sa isang Filipino related class, na hindi ko kasama si Kaz na isa ring Filipino-Japanese...

CADD112L - this is computer aided drafting... ang prof ko ay si sir BF... bakit BF?? dahil siya si sir Bayani Begaso... nasaan ang 'F'?? nasa middle name niya.. bale ang full name niya ay si sir Bayani Fernando Begaso... :D... Ilonggo siya, nag-asawa raw siya ng Tupaz (mga kamag-anak namin) at iniwan siya ng kanyang "F#$% S^&*@ wife"... kasama niya ngayon dito sa Metro Manila ang isang kaibigan niya sa Iloilo na namamahala ng home business nila, at ng 1 niyang anak na HS... btw, manyak daw si sir dahil dati noong bago pa siya sa Mapua, kasama niya sina sir Cinco sa Pegasus... ^^... tawanan kaming mga nakaka-alam tungkol sa pegasus at naririnig namin ang mga kalokohan na ginagawa niya... pero manyak daw siya sa tamang oras... pag trabaho, trabaho... daw...

and finally ang aking Integral Calculus... bago ko ipakilala ang aking prof sa math, kwento muna noong unang meeting dapat...

bale ang nangyari, lahat kami ay naka-upo, at naghihintay kung sino ang prof na magbubukas ng pinto upang magpakilala bilang prof namin, and all the sop for orientation... kay tagal naming naghihintay, ang akala namin nina Bryan at Dannah, si sir Earnhart nanaman ang prof namin dahil ganyan din ang ginawa niya sa amin noong first day, na kung saan ang tagal niya dumating... 9am ang oras namin doon... 9:30 na, wala pa rin, isip namin "Earnhart na nga ata ito"... pero hindi pa rin siya dumarating... nakikita na namin ang mga tao sa labas na nakita na ang prof... may pumasok na prof na si ma'am Alviso, sa kabilang section siya... nagtaka siya kung bakit wala pa kaming prof... kaya pumunta na siya ng math department para magsabi... ang mga sabi-sabi ng mga oras na yon, si Exconde daw... ang iba naman, si Dela Cruz... at ang iba ulit, si Sabino... natatakot na kaming lahat dahil hindi namin kilala kung sino ang prof namin... hanggang sa umabot na ng 10am, nagpasiya na kaming umalis ng kwarto dahil inisip namin na hindi na darating ang prof namin...

next meeting, confrimed na namin kung sino... kaya... heto na!!

ang prof namin sa Math105 ay si............................................................................................................... .........................................................................................................................................................................
..................................................................

Dr. Alberto Villaluz!!!


sa mga hindi nakakakilala, si Sir Villaluz ay paborito ng mga lalake dahil ayon sa kanila, pasado ka na daw pag lalake ka for obvious reasons... kilala rin siya sa pangalang "Sir Kitkat" pero hindi niya ginamit sa amin ang name na yun...

anyway... sa wednesday ko pa naman malalaman kung talagang papasa ako sa kanya for this term... magaling naman siya magturo eh... nakakatuwa rin ang mga lectures, tapos sa lakas niya magmura, natatawa kami dahil kaya niyang sabihin ang mga ganun sa harap namin... so far, hindi ko pa confirmed, pero kung binigyan namin siya ng papel na may pic ni Sam Milby, baka dagdagan niya ng points ang aming mga ginawa... =P... pero sure pass na ang minamahal niyang si Voltair aka "seat # 16"... dahil fave number ni sir ang 16...


anyway, yan ang mga prof ko for this term... a week after this term, pasukan na for the new school year!! @_@... hindi na ako freshman nun!!! panibagong frosh week nanaman!!! on the other hand, may mga lalapit na sa akin sa tambayan upang magpapirma ng kanilang application forms... >:)... ano kaya ipapagawa ko?? >:)

Friday, April 20, 2007

Haay... What a week it's been...

sensya na sa mga nag-aabang ng aking mga profs for the term... ayon kasi sa prof ko sa rizal, baka hindi na siya ang maging prof namin dahil sa mga re-shuffling of teachers ekek... anyway... masaya ang linggo ko... pero pinaka-masaya ako ay noong thursday (sa mga nakaka-alam: hindi noong friday)...

bakit thursday?? dahil nagpunta ako ng SM North Edsa para sa Album Launch ng Silent Sanctuary... nung una, hindi nila ako pinapapasok sa mga upuan dahil priority nila ang mga bumibili ng cd sa harap... mga 3:20 na sila nagpapasok ng mga matagal nang meron... ang nakalagay sa friendster bulletin, 4pm daw ang start nila... pero dahil sa astig na media people na matagal dumating, nag-umpisa kami ng mga 5:30... 30 mins after the said time doon sa website ng silent sanctuary (www.silentsanctuary.com)...

bakit nga pala naging astig ang media people?? dahil may baka sa isa sa kanila... hindi baka na sa hapon ay bobo kundi baka as in cow... Oo!! nakita ko roon si Ma'am Mauricio!!! Moo!!! akala ko, wala akong makikitang kilala ko roon kasi hindi naman lahat sa amin ay mahilig sa Silent Sanctuary... karamihan lang ng mga pumunta roon ay babae dahil "Cute" daw ang mga nasa banda... ako, nagpunta ako para sa concert at para sa autograph signing afterwards...

ininterview sila sa umpisa, tapos tinanong ng host kung may gustong magtanong sa aming mga audience, pero ayaw namin dahil gusto namin sila tumugtog... pero ang sabi ng host, may surprise band pa raw... and to my surprise, sila pa talaga ang pumunta... ang Itchyworms!!! :D

astig!! natraffic daw si Chino kaya kinuha nila si Chino... tinugtog nila ang Season of Smiles tapos ginawang summer ang Christmas sa lyrics... tapos sa may gitna ng kanta, dumating si Chino at nakisama na sa Jamming... umalis na si Chino at kumpleto na ang Itchyworms... may ibang version pala sila ng Love Team kasi mas iba ang intro nila... may kung ano silang tinugtog, tapos dumating na sa intro na alam ng lahat... sa music video, makikita na 2 cymbals lang at 3 parts ng drums ang kailangan ni Jazz para tugtugin ang ang Love Team, pero sa concert, ginamit nya lahat... siguro dahil sayang ang drum set kung hindi gagamitin...

nang matapos sila sa dalawang kanta, at paulit-ulit na pasasalamat at pagsabi na hindi sila handa para sa concert na yun dahil biglaan raw ito, kaya last song na raw nila bago ang Silent Sanctuary... nagulat ako sa tinugtog nila dahil hindi ko ito inaasahan... ang Theme for NTS ang tinugtog nila... !@#$%^&*()!!! tinugtog nila ang theme for NTS!!! !@#$%^&*()!!! naintindhan kaya yun ng mga nanood?? alam ba nila na totoo ang nilalaman ng kanta?? basta ang alam ko kung nagawa ng bamboo ang tatsulok, bakit kaya tututol ang Universal sa pag-gawa ng video nun??

ngayon Silent Sanctuary na... isa-isa silang tinawag at una nilang tinugtog ang Pink 5ive... tapos, tinugtog nila ang 14... sinunod nila ang kundiman, ikaw lamang, ingat ka, rebound, at summer song... tae ang sarap pakinggan ng Silent Sanctuary pag live dahil naririnig mo talaga bawat instrument na meron sila, tapos ang pagkakabalance ng kanilang projection, tapos nakikita mo sa banda kung saan talaga sila sa kanta... talagang bawat nota na tinutugtog makikita mo ang passion nila sa musika...


hahaha.. yun lang.. next time na ang mga prof kasi hindi pa sila sigurado...

Sunday, April 15, 2007

day before the first day of classes for the fourth term...

haba ng title noh?? la kasi akong magawa...

haay... kwento ko na lang kung ano ang mga nangyari sa akin ngayong unang summer ko sa college...

March 16

- pumunta kami sa Laguna para mag-swimming sa isang parang bahay na pinapa-rent for private parties... may maliit na pool, maliit kasi hindi naman olympic size at hindi umaabot ng 6 ft ang lalim... kasya ang mga 3 kotse sa garahe pero 1 lang naman ang dala at 1 rin lang ang magkakasya dahil sinakop na ng billiards table ang garahe...

ang view sa may pool ay ang gilid ng Mt. Makiling na minsan ko nang napuntahan dahil sa mga camping sa Boy Scout... bukod dito ay mayroon ring mga bahay na makikita dahil nasa loob ito ng subdivision...

siguro maganda ang view ng pool pag dating ng hapon kasi nasa may west siya ng bahay... sunset with the mountain... hindi ako sure roon kasi wala na ang araw pagdating namin doon...

kinabukasan umuwi na kami kasi overnight lang naman ang rent namin hanggang 12nn... ang mga nakatira sa loob ng Metro Manila ay nagsama-sama, habang ang mga sa labas ng Metro Manila (or sa gilid man nito) ay nagsama-sama rin... maliban na lamang kay P.J. na nagpunta sa bahay ng kaklase sa Los Banos...


March 21

- nagpunta kami sa Ifugao para makita na rin ang
Banawe Rice Terraces... para masaya, road trip kami... dala ang revo, ako, ang nanay ko, at isa sa mga uncle at auntie ko (marami kasi sila) ay nagpunta ng Ifugao via NLEX, daan sa Bulacan, daan sa mga Nueva, at dumating rin sa Ifugao... madaling araw kami umalis at isang tinapay lang ang kinain ko... dumaan kami sa Sta. Rita Bulacan para dumaan sa mga Nueva papuntang Ifugao... pagpasok namin ng San Miguel, tinamaan na ako ng gutom, pero yung tipong kaya pang pigilan... ang masarap dito, mga 6am pa lang nun at lahat ng mga makakainan ay sarado pa... okay lang sana sa 7-11 kaso parking ang problema namin, kaya dumeretso na lang kami... paglampas ng San Miguel, wala na ang mga food establishments na pwedeng kainan, kaya sabi namin deretso lang hanggang makahanap kami...

6:50am, nakapasok na kami ng Gapan City, Nueva Ecija... at nakakakita na ako ng mga mukha ng bubuyog na nagsasabing malapit lang kami... "DAW"... dahil kapapasok lang namin, wala pa kami sa city proper... at malayo-layo pa ang makakainan... may nakita kami, isa pang mukha ng bubuyog, ang sabi punta lang daw sa waltermart... 'Ayos!' sabi ko... makakakain na rin!! pagdating namin sa waltermart, sarado pa ang lahat.. dahil ito ay parang SM ng Maynila... kaya, mga 9am pa ito magbubukas... T_T

deretso pa kami, may nakita kami ulit isa pang mukha ng bubuyog... "Open 6:00 am - 12:00 mn"... nagtaka kami kung saan ito, at pagdating sa heart of the city kung tawagin, nakita namin sa may kanan namin ang malaking bubuyog na naka-ngiti... hindi na kami nagdalawang-isip pa at kumanan na kami para makakain muna at makagamit ng CR...

Pagkakain namin, balik na kami sa biyahe... balik sa highway... balik sa tabi ng mga truck... dinaanan namin ang CLSU... a.k.a. Central Luzon State University... maganda ang campus, kahit nasa gitna nito ang highway, mas maganda ang feel ng atmosphere doon kaysa sa UP Diliman at UP Los Banos (no offense sa mga nag-aaral doon o nag-aral doon dahil iba pa rin ang brand ninyo...) deretso lang kami sa highway, walang dalang mga cd kaya corny jokes lang ang katapat namin... in the words of my late Lola Auntie, "tinuyaw" ang mga jokes namin... (Waray-waray it akun pamilya ha nanay... (tama kaya grammar ko??))

pagdating namin sa may Carrangalan... sa may brgy San Agustin ata... may nabangga kaming motor... hindi naman talaga bangga... pero nagas-gas namin ang gulong niya sa bumper namin... tumigil kami at sinubukang kausapin ang nakasakay pero sabi niya okay lang daw siya at wala nang kailangang pag-usapan... minasdan ko siya habang sinesenyasan niya kami na okay lang siya... may kamukha kasi siya... si Ebe ng Sugarfree... pero alam kong hindi siya yun dahil nakita ko na si Ebe ng personal at hindi siya ganun ka bata... hindi ko alam ilan ang mga bata niyang kapatid or anuman sa kaniyang family tree... bukod sa isang bagay... kapatid niya ang kapit-bahay namin...

drive sa bundok, pasok Nueva Viscaya, daan, etc etc etc... 'Welcome to Ifugao!' ang malaking bati sa amin nang makarating kami sa Ifugao... tuloy-tuloy lang kami sa highway hanggang sa may Lamut kung saan tumigil kami saglit... sa gilid ng highway, sa may gilid ng bundok, na ang katabi ay rice field... anong ginawa namin?? nagpalit ng driver... Oo!! nag-drive ako sa national highway!! ^-^!!! daming mga blind curve, pero kaya naman... tapos habang ako ang driver, ang nanay ko ay hindi makatulog dahil natatakot na baka kung ano ang mangyari... pero wala naman... ang masaya rito ay nakatulog ang uncle ko kaya ako ang driver hanggang sa makarating kami sa labas ng Banaue Hotel!! ^-^!!! pinapunta kami sa town proper para sa registration, tapos doon pa lang ay nakita na namin ang mga terraces... sa mata ko, hindi naman ito mukhang deteriorated... pero sa mata ng nanay ko, at sa pagkaka-alam niya, deteriorated na ito at hindi na sinali sa 7 wonders of the world...

natulog kami sa "Banaue Ethnic Village"... inakyat namin ang bundok gamit ang kotse para lang makapunta roon... isolated siya sa town proper kaya mahirap puntahan kung wala kang sasakyan... kung trip mong maglakad ng 7km na may dala-dalang malaking bag sa likod mo, sige, be my guest... kung tatanongin mo ako kung gagawin ko yun, siguro ang sagot ko sa iyo ay "Oo..." dahil solve na solve ka sa sunrise, at sa terrace view na makikita mo sa may cottage 2... as in @_@ na ^-^ ang pakiramdam... :D

kinabukasan, bumaba na kami para umuwi ng Maynila... dahil municipality lang ang Banaue, at malayo sa sibilisasyon, walang tumatanggap ng credit card... cash only lahat... kaya, naisip namin na umuwi na lang... ang pera na dapat pang-isa pang gabi sa labas, pinambili na lang nila ng souvenirs, at dere-deretso na kami sa Maynila... ang mga sidetrip na lang namin ang isa pang gusto sana namin matulugan dahil doon ay kumpleto mo ang view ng Banaue Rice Terraces... ang problema, dirt road ang dadaanan mo at isang maling maneho lang dedo ka na...

Oo nga pala... ang mga picture na nakikita natin sa posters or post cards ng Pilipinas na pinapakita ang Banaue Rice Terraces... ung foreground mo nasa kanan ang isang set ng terrace... parang ganito:



yan.. nakita namin yan... pero mas maganda ang mga pics na nasa pc ko.. pag nakahanap na ako ng oras at sipag para ausin ang mga pics from the scan, ilalagay ko ito sa photobucket ko...


Holy Week
- nagpunta kami sa S.B.M.A. ...













hindi sa Subic... SBMA = Sa Bahay Muna Ako... :D





SBMA unless pumupunta ng mall para sa mga reunion ng mga officemates dati ni nanay, or may mga lakad na kailangan ng kotse... in short, driver... buti nga nagagamit ko ang kotse eh... para sa susunod, sa magandang traffic ng Maynila naman ang haharapin ko... :D


hanggang sa isang araw, noong April 9, nagpunta ako ng Heart Center of the Philippines... si Guccie kasi naghahanap ng mga donor para sa kanyang dad na kailangan ng surgery the next day... ako lang ang pumuntang batch 2006 kasi ako lang naman ata ang pinakamalapit... ang iba raw kasi nasa bakasyon, or kung hindi man, ang layo ng mga bahay (e.g. Bryan Diaz, San Pedro Laguna)... sa mga iba pang pumunta, si ate Tiffany, si ate Kat, si kuya Jerome, si Wendy Lim, and other Mapuans na ChemSoc na hindi ko kilala... hindi ko na naabutan si kuya Judz kung pumunta man siya... sa mga pumunta naman sa aming mga ChemSoc, ako, si Guccie, at si kuya Jerome lang ang kinuhanan ng dugo... yung iba kasi underweight, or may mens, or kulang sa hemoglobin sa dugo, or nagka-sakit na hindi pwede until 1 year after ng certain date, or minalas na hindi mahanap ang mga ugat... sa kaso ko, wala pang 3 months ang last donation ko pero pinayagan ako kasi hindi ko na rin maalala kung kailan ako huling nagbigay... ngayong alam ko nang at least 3 months bago ulit magbigay, kaya ko nang sabihin kung sakali... buti na lang, hindi lang kami ang nagpunta para magdonate... parang kaming susugod sa giyera kung kinumpleto mo lahat ng mga nagbigay eh... or at least lahat ng nagpunta sa may blood bank...


sa gitna ng mga yan, nagbasa rin ako ng 2 pocketbook... ang una, ay ang "Memoirs of a Geisha" na matagal nang sine na hindi ko napanood pero gaya ng sabi nila, "MAS Maganda ang LIBRO"... at ang "Tuesdays with Morrie" na gawa ni Mitch Albom, author ng "The 5 People You Meet in Heaven"...

ganyan ang buhay ko hanggang sa araw na ito... ang ibang mga nangyari ay ang mga typical na nangyayari sa akin at hindi na kailangan pang ikwento sa blog... kung may tanong kayo, madali lang ako i-text... para sa mga bigla na lang tatawag, please lang may klase ako Monday - Friday... tawag kayo after 2pm para okay lang sa akin...


Para naman sa mga magya-yaya ng mga outing (e.g. B.A.)... mas maganda weekends para sa akin... pag gimik lang sa mall or mga ganun... Tuesdays na lang para hindi na kayo maghihintay ng weekend unless weekend lang talaga...


at dito nagtatapos ang aking unang blog sa buwan na ito... next blog ko siguro ang term professors version 1.4 (dota ba yan?)...

p.s. hindi ko alam kung bakit ganun ang nangyari sa post ko... iba-iba ang font size..

Friday, March 30, 2007

Last set of lyrics for the month... highlight...

hehehe... la lang... natutuwa kasi ako sa galing ng pagkakagawa ng lyrics na ito eh...

this is originally a japanese song... sa mga Bleach addicts baka alam niyo ito... ilalagay ko lang ang english translations para maintindihan ninyo...


To Irene: ito ang translation nung video testi ko...


Sen no Yoru wo koete
By: Aqua Timez

I want to be loved, but you don’t seem to love me
I wander within that repetition
I found one answer; that even if I’m scared, even if I’m hurt
I can say “I love you” to the person who I love

Do you love me? Or not love me?
As for things like that, it’s already fine either way
No matter how I wish
There are many unchangeable things in this world, right?
That’s right, and because only the fact of my loving you
Is the truth unchangeable by anyone

I want to overcome the thousands of nights and tell it to you
There’s something that I must tell you
I want to be loved, but you don’t seem to love me
I wander within that repetition
I found one answer; that even if I’m scared
Even if I’m hurt, I can say “I love you” to the person who I love
It’s scary to turn my feelings into words
But I can say “I love you” to the person who I love

In this broad world, I can’t express the joy of encountering you with words
So we smile, sing about the vividly passing autumn in do-re-mi
Turn our backs on winter, wait for the sunlight streaming through trees in spring
And become reborn anew, so that we can protect someone

On the path we came from and our destination, when we looked back, I’d always have timid eyes
I want to face you, but I can’t be honest
I, who repeated days of not being able to straightforwardly love my partner
And hated being alone on that day
Seemed to love people while unwounded

I’ll overcome the thousands of nights and go meet you now
There is something that I must tell you
I want to be loved, but you don’t seem to love me
I wander within that repetition
I found one answer; that even if I’m scared
Even if I’m hurt, I can say “I love you” to the person who I love
Even if those thoughts aren’t fulfilled, I can say “I love you” to the person who I love
It’s the most wonderful thing in this world

Friday, March 23, 2007

Lyrics ulit...

Ingat Ka
by: Silent Sanctuary


'Wag kang mag-alala
Naka-ukit na sa isip ko
Nakatitig sa 'yong mata
Nasa langit na ba ako

Minsan lang nagsama
Sa lunes aalis ka na
Salamat na rin ikaw ay nakilala

Doon mag-ingat ka
'San ka man magpunta
Matulog maaga
Para 'di mamutla
'Wag masyado magpupuyat
Inom gamot 'pag nilalagnat

Sayang din talaga
'Pag kausap kay sarap sa tenga
Ngiti mong kay ganda
Siguradong mamimiss kita

Minsan lang nagsama
Sa ferris wheel 'tabi kita
Salamat na rin extended version pa

Doon mag-ingat ka
'San ka man magpunta
Matulog maaga
Para 'di mamutla
Hinay-hinay lang sa kape
Lalong lalo na sa tanghali


Minsan lang nagsama
At bukas aalis ka na
Sayang sana ay nagtagal ka pa

Doon mag-ingat ka
Matulog maaga
Doon mag-ingat ka
Matulog maaga
Doon mag-ingat ka
Matulog maaga
'Wag masyado magpupuyat
Inom gamot 'pag nilalagnat
Hinay-hinay lang sa kape
Lalong lalo na sa tanghali

Sunday, March 18, 2007

woooo!!!

wala akong tres this term!!! :D


hahaha...



basically yan ang point ng aking blog ngayon...


lowest ko ay 2.75, drawing, tanggap ko...


highest ko is 1.75, english, ang baba na nga niyan kasi madali lang naman ang english eh... mas mahirap pa filipino... pero at least 2.25 ako sa fil ngayon... hehe



overall average for the term, 2.14... haha

sana next term higher than 2.0 na ang mga grades ko... lol!!

Saturday, March 17, 2007

Untitled highlight....

If you can read this then you've found my dedication... this poem is for a special someone whom I had fun with just last night...

If you think that you are the person whom I've dedicated this poem to, then let me just say that this is how I wanted to thank you




I told you before, that I would be there
whenever you needed me, when you needed care
I then let you go, for you to choose
how you want to treat your friend who's a fool

Moons have passed, and in one night
under the stars that shined just right
you wanted his comfort, but give he did not
his actions confused most of the lot

you didn't know why, we didn't know either
why he'd move a significant meter
you then made a turn, to face someone else
and showed me a smile, which came from heaven and not earth

from there on after, we cuddled and talked
my mind was spinning, hence, you saw my walk
you told me soon after, that this would've been wrong
but if that were sin, then why write this long?

I thank you my friend, for the time that we spent
those moments together, I enjoyed 'till the end
I've already said it once, and I'll say it again
if you should be troubled, just reach out, and I'll help you again...

Thursday, March 8, 2007

Pahabol na pasasalamat...

hindi ko pala napangalanan ang mga tao sa yof/encm na kasama ko sa small groups...

salamat kina Paul, Pierce, Jaja, Allan, Claudio, at kay Niel dahil kasama ko sila sa small groups namin...

special mention sina Pierce at Niel kasi kayo ang mga nakinig sa aking mga prayer request...

yan na muna... :D

Wednesday, March 7, 2007

Prayers pare... they work...

This is true because as I said in my earlier posts... I am now a follower of Christ... I've been attending small group sessions and is currently taking a one to one seminar on being a disciple... each time they would ask for a prayer request, I would say "pray for the health of my father"...

As of now, he's in Indonesia, doing research for his work... it's been a crazy two days in Indonesia...
yesterday, there was an earthquake in the island of Sumatra, and my dad was on a plane, heading back to Jakarta at that time, so he didn't feel a thing when the earthquake hit...

Earlier today, an Indonesian plane crashed on the town where my dad just came from, the airplane that crashed belonged to the same airline company he took yesterday...

The small groups and one to one seminar has been telling me that having a close relationship with God and His son Jesus has a lot of benefits... Today I just realized that...

When I learned yesterday that my dad was on the plane when the earthquake hit, I thought "damn that was lucky!"... Today I have a new perspective... I thank God for hearing my prayers, He gave more than the health that I asked for... He still wants me to have a father by our side...

And so my friends, I must say, don't just believe, follow the path of salvation, and you will be saved...