Saturday, July 12, 2008

noooo!! this can't be!!!

nagsasawa na ako sa mga kanta ko sa mp3 ko!! T_T

need new songs!!! kailangan ko nang manuod ng music station!! PERO TINANGGAL NANAMAN NG ANIMAX!!! WALA TULOY AKONG BASIS PARA SA MGA BAGONG RELEASE NA MGA KANTANG HAPON...

kung ang suggestion mo ay makinig ulit ako ng OPM, wala pa rin akong naririnig na kantang ikinatutuwa ko ang word play and rhythm.. pwede sana ung sa taken by cars, kaso hindi ko ma-gets ang lyrics nila.. sinubukan ko rin ang mga western music.. may mga magaganda naman, pero hindi ko type ilagay sa mp3 ko.. si david kasi overplayed na sa radyo ung mga kanta.. ung New Found Glory (or whatever their name is) naman although astig din naman ung mga revival songs nila, tinatamad naman akong hanapin sa net..

one more thing.. badtrip din ako kahapon.. kung kailan may mga bandang tutugtog sa mapua ng libre, ay hindi naman ako makanood kasi may stat ako at mec.. amp.. ung stat wala akong takas dun.. puksaan din dun sa stat ko eh.. sa mec naman, siguro kung sinabi namin "sir monday na lang tayo mag-discuss, nood lang kami concert" eh baka nakanood pa ako ng ibang songs ng rivermaya or na-umpisahan ko ang urbandub.. oo kasasabi ko lang kanina na wala pa akong naririnig na kantang nakakatuwa sa OPM, pero ang libreng concert ay libreng concert.. no questions asked dapat un..

may napanood naman ako sa urbandub kahit paano.. evidence tsaka guillotine.. parehas na kantang hinihingi ng audience, pero para sa akin, yeah in their perspective maganda ang mga kanta.. pero it's not something na isisigaw kong request unless talagang depressed ako.. I mean, your requesting for a song that's about infidelity tapos you have this huge smile in your face na hindi naman sinasabing "I feel your pain" pero ang sinasabi ay "@#$%^&* astig kayo!!".. ok, right now, this paragraph doesn't make sense anymore.. so stop na lang ako dito bago pa ako mahilo sa mga sinasabi ko..

No comments: