Tuesday, July 8, 2008

some blogs should be done at home...

ngayon.. kahit mabagal ang net sa bahay.. naisipan kong mag-blog bago matulog...

aun.. umpisa na ng aming first term for the new school year.. like any other year, maraming kakaibang nangyayari sa mapua.. last year, nagbago ng curriculum ang batch 07 siguro para maging mas sulit ang ginawang quarter system.. pero sa ngayon, parehas pa rin ang tagal ng isang regular na estudyante ng CCE sa mga batch 05, 06, at 07...

last week lang, pabalik-balik ako ng mapua dahil maraming kailangan gawin para sa org.. at magmula sabado hanggang lunes, wala na akong ginawa kundi pumunta ng SM manila para mag-videoke kasama ang mga kaibigan.. pinaka-masayang kantahan ko na ung nung lunes.. dahil karamihan ng mga nilagay ay OPM na alam ko (nagkaroon din naman ng panahon na nakinig ako ng mga kantang Pinoy noh! hindi ako lumaki na puro japanese songs na lang palagi..).. pero, kasabay ng masayang kantahan.. napa-isip din ako.. dahil kasi sa isang linya ng kanta ng Orange and Lemons.. after ng kantang un kasi, napa-isip ako "oo nga ano, paano kung yan na nga ang nangyari?".. at may mga sumunod pang mga tanong jan.. pero di ko na ilalagay dito..

kanina naman.. at least hindi na kami nag-videoke.. pero nagpunta naman kami ng Las Pinas para bigyan ng parang party ang isang kaklase na baka hindi na namin ulit makita.. ang iba kasi sa kanila, bigla na lang nawala.. eh ayaw naman namin na onti na nga lang ang mga double degree tapos bigla na lang mababawasan ng walang paalam..

nung papunta nga kami ng Las Pinas.. hapon na kami umalis ng Mapua kasi may mga kasama kami na may klase pa hanggang mga 1:30, tapos mga 2pm pa dumating ang aming huling hinihintay na kasama.. habang nasa bus, napapa-isip pa ako na baka may mangyaring ikatutuwa ko.. kaso, hindi naman nangyari.. oh well, baka next time pa un mangyari..

ngayon, bago matulog, nilulunod ko nanaman sarili ko sa mga kantang hapon kasi gusto ko maganda panaginip ko.. connection, basta meron un.. related ang mga pinakikinggan ko sa mga gusto ko makita sa panaginip ko.. hehehe...

No comments: